PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hunky actor, todo-bakod kay male TV exec sa mestisong aktor

Mestisong aktor, walang balak agawin ang sponsor ng may sponsor.
by PEP Troika
Published Jun 1, 2025
blind item mestisong aktor
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

So-so ang kinita sa takilya ng huling pelikula ng thirtysomething na mestisong aktor. Smorgasbord ang pelikulang iyon na last year pa ipinalabas.

Dapat sana’y kasama siya sa isang TV series na nag-premiere noong first quarter ng 2025. Sa kung anong kadahilanan ay nag-back out siya roon.

Anong petsa na, pero wala pa tayong nauulinigang bagong project ng mestisong aktor.

Read: Gandarang married actress, todo-makeout kay super poging aktor

MEETING WITH TV EXECUTIVE

Ang naulinigan natin, nakipag-meeting kamakailan si mestisong aktor sa isang pinagpipitaganang male TV executive.

Maayos ang kanilang pag-uusap for a possible collaboration.

Biglang dumating ang hunky actor na nasa early 20s ang edad.

Umupo si hunky actor sa tabi ni male TV executive at inakbayan ito.

Napangiti nang sakdal tamis si male TV executive, as if binigyan siya ng lollipops and roses.

Hindi nagpahalata si mestisong aktor na nagulat siya sa inasal ni hunky actor.

Para bang ipinahiwatig ni hunky actor kay mestisong aktor na huwag na itong umawra-awra kay male TV executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kay hunky actor ay kay hunky actor!

Natawa si mestisong aktor.

Wala siyang balak mang-agaw ng sponsor ng may sponsor.

Read: Magaling na aktor, notorious sa paghuhuramentado sa set?

NOEL FERRER

Talaga?

Hindi ba secure si twentysomething na hunky actor kay male TV executive?

Galingan niya kamo!

Masuwerte si hunky actor kay TV boss…ibinibigay sa kanya lahat ng magagandang breaks.

Sana, matuto at gumaling pa siyang umarte! At sa pagkanta naman, sana’y mahasa pa siya.

Sana, may mapatunayan din siya — at nang masulit naman ang lahat ng gastos sa kanya ng generous sponsor.

Read: Poging aktor, todo-mando; daig ang direktor sa pagmamarunong

GORGY RULA

Sabi ng ibang nakakatsikahan ng PEP Troika, keber na raw nina male TV executive at hunky actor kung pag-uusapan silang dalawa.

Masaya ang lahat para kay male TV executive dahil dasurv niyang lumigaya sa piling ng mas bata, sariwa, at katakam-takam!

Sabi pa ng ilang nakakaalam sa kung anumang namamagitan sa dalawa, ang galing daw maglaro ni hunky actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang galing daw niyang umawra-awra para lalo siyang mahalin ni male TV executive.

Kaya maging masaya na lang tayo para sa kanilang dakilang relasyon.

Sa totoo lang, wish kong magtagal sila at umalagwa ang career ni hunky actor at mapatunayan niyang may talent pala siya, hindi lang ang angking kakisigan.

Read: Beautiful actress, super-yayamaning negosyante ang idini-date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results