JERRY OLEA
Saan po natatagpuan ang pag-ibig?
Mag-aalab ang tanong na ito sa SoLuna tandem—kina Sol at Luna—sa 13-episode digital series na Si Sol at si Luna.
Matutunghayan ang first episode (“Babae sa Bus”) ng provocative digital series na ito ngayong Mayo 31, 2025, Sabado, at 7:00 P.M., sa Puregold Channel sa YouTube.
Nag-special screening ng first two episodes noong Mayo 29, Huwebes ng gabi, sa Wolfgang Premiere sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Read: Jake Ejercito blasts influencer filming Ellie without his consent
Si Sol at Si Luna: CAST AND PLOT
Sa istorya, si Sol (Zaijian Jaranilla) ay isang college student filmmaker na naniniwala sa love in all its beauty kahit hindi pa siya personal na na-i-in love.
He looks up sa love story ng kanyang parents (Polo Ravales at Syrel Navarro) at sinusubukan niyang hanapin ang ganitong love story sa ibang tao.
Si Luna (Jane Oineza) ay isang call center agent na nawalan ng will in life nang yumao ang kanyang fiance na si Andy (Vaughn Piczon).
Pakiramdam niya ay tila nawala ang koneksiyon niya sa mundo.

Iigting ang love quadrangle sa kuwento.
Andiyan kasi ang classmate ni Sol na si Ara (Karina Bautista), at ang team leader ng call center na si Ben (Joao Constancia).

Papapel si Bridgette (Cheena Crab), ang intrigera at usiserang call center agent na matagal nang iritada kay Luna. Bet na bet ni Bridgette si Ben.
Read: Javi Benitez reacts as parents' marital issues make headlines
ZAIJIAN JARANILLA AND JANE OINEZA OF PILOT EPISODES
Ano ang reaksiyon ng ZaiJan (Zaijian + Jane) matapos mapanood ang first two episodes ng kanilang digital series? Kinilig ba sila?
Natawang sabi ni Jane: “Kinikilig ako na ipapalabas na siya.
"Siyempre, we gave our energy, time, and effort dito sa series na ito. And also, nag-enjoy din kaming gawin siya.
"So, excited lang ako na ipalabas na siya, and this is it. Malapit na siyang ipalabas, so yun, dun nanggaling ang kilig ko.”
Sambot ni Zaijian, “Saka parang iba yung experience pag napanood mo lang sa maliit kumpara sa big screen.”
Pag-ayon ni Jane, “Ah, yes, yes, yes.”
Dagdag ni Zaijian, “Parang mahihiya pa ako pag napapanood ko ang sarili ko.
Susog ni Jane, "Kasi ang ganda ring mapanood sa big screen."
Maliban sa tambalang SoLuna o ZaiJan, nasa special screening ang co-stars nilang sina Karina Bautista, Joao Constancia, Cheena Crab, Polo Ravales, Marnie Lapus, at Lyle Viray.
Present din siyempre ang direktor ng online series na si Dolly Dulu, ang producer na si Direk Chris Cahilig, at ang senior marketing manager na si Bb. Ivy Hayagan-Piedad.

Dumalo rin sa special screening sina Michael Ver at Kych Minemoto ng BL series na My Plantito, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Lance Lucido, Marc Santiago, Esteban Mara, at Nicole Omillo.
NOEL FERRER
Zaijian Jaranilla ON VACCUM KISS
Pasabog sa trailer ng SoLuna/ZaiJan series iyong “vacuum kiss” nina Zaijian Jaranilla at Jane Oineza.
Read: Zaijian Jaranilla, speechless matapos ang “vacuum kiss” with Jane Oineza
“Noong gagawin na po namin yung scene, siyempre po, kailangang pag-usapan yung limitations,” sabi ng 23-anyos na si Zaijian.
“Tapos, uhm, parang nasa sa iyo na rin iyon kung paano mo ite-take iyong eksena. Parang ite-take in mind mo lang iyong mga limitations.
“Pero ang ginawa ko lang doon, para akong tumalon sa eroplano na wala nang atrasan.
“Like, ‘Sige, game na! Gawin na natin ito.'
"Parang sa isip-isip ko, e, saan pa ba mapupunta, e, matatapos din ito?
“So, yun po, ginawa ko na lang kung ano ang makakaya ko. Ibinigay ko na lang kung ano iyong best ko.”
Iba-ibang anggulo ang kinunan sa kissing scene kaya four or five takes daw iyon.
GORGY RULA
Ang “sol” at “luna” ay mga salitang Kastila na ang ibig sabihin ay araw (sun) at buwan (moon).
Ang script ng Si Sol at si Luna ay para sana sa isang pelikula. Hindi iyon nakapasok sa 2nd Puregold CinePanalo filmfest na ginanap noong nakaraang Marso. Hanggang Top 16 lang.
Walo lang ang pinili ng screening committee, at iyon ay pumuwesto sa number 9.
Blessing in disguise ang nangyari kasi, nung naghanap ang brand ng material para sa bagong online series, naalala ni Bb. Ivy Hayagan-Piedad ang beautiful story ng Si Sol at si Luna.
Dagdag ni Direk Chris Cahilig, “So, I talked to Direk Dolly Dulu kasi, I really loved the script also.
"Lahat kami, naka-FOMO [Fear of Misisng Out] kami. Parang, ‘Sayang, sayang,’ and all.
"So, when Direk Dolly expressed her interest in expanding the narrative for a 13-episode series, we were so happy kasi, siyempre, nag-swak.”
