PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward nakatulong sa pagtaas ng ratings ng Mga Batang Riles

Lolong, hindi pa rin napapatumba ang Batang Quiapo.
by PEP Troika
Published May 30, 2025
mga batang riles
Jillian Ward (left photo, with Raheel Bhyria) joins the cast of GMA primetime series Mga Batang Riles. Right photo: Anton Vinzon, Miguel Tanfelix, and Kokoy de Santos face danger in a scene from Mga Batang Riles.
PHOTO/S: GMA Drama Facebook

GORGY RULA

Kahit maganda ang takbo ng kuwento ngayon ng Incognito, lumalaban sa ratings ang katapat nitong Mga Batang Riles.

Mukhang malaki ang nagagawa ng guesting ni Jillian Ward sa Mga Batang Riles dahil talagang pinapanood ang mga programa niya.

Mukhang tuluy-tuloy na riyan ang tinaguriang "Star of the New Gen."

Noong Miyerkules, Mayo 28, 2025, ay naka-8.5% ang Mga Batang Riles, at ang Incognito naman ay 7.8%.

Base ito sa AGB Nielsen NUTAM TV ratings.

Read: Eleksyon 2025 ng GMA-7, tinalo ang Batang Quiapo sa ratings

mga batang riles
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sumunod sa Mga Batang Riles na Slay ay okay rin ang ratings, lalo ngayong tumitindi na ang kuwento dahil dalawang linggo na lang ay matatapos na ito.

Naka-5.6% ang Slay, at ang katapat nitong Saving Grace ay 4.7%.

Sumunod ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab na naka-4.1%.

Ang Lolong: Pangil ng Maynila, na una sa programming ng Kapuso Network sa primetime, ay hindi pa rin natatalo ang katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo.

Pero medyo bumaba na rin ang ratings ng teleserye ni Coco Martin.

Naka-9.5% ang Lolong, at ang Batang Quiapo naman ay 12.9%.

Nakakasa na ang mga kasunod na programa sa primetime ng GMA-7 — ang Sang’gre at ang Sanggang Dikit na magsisimula na ngayong Hunyo.

Abangan natin kung kakayanin ng mga itong patumbahin ang Batang Quiapo, at ang Incognito na magtatapos sa Hulyo.

Read: KMJS at FTBWA, umangat ang ratings dahil sa Nora Aunor coverage

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang patuloy na nagpapakitang-gilas sa TV ratings ay ang panghapong programa ng GMA-7 na consistent na mataas ang ratings.

Ang noontime show na It’s Showtime ay naka-6.2% noong Miyerkules; habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.4%.

Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na 8%, at ganun din ang Mommy Dearest.

Kahit ang Bituing Marikit na nanganganib noon ay nakabawi na rin sa ratings. Naka-7.4% ito nung araw na yun.

bituing marikit
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-4.6%, at ang Red Balloon naman ay 2.4%.

Medyo nakapagtataka na hindi na gaanong umaawra ang Family Feud, na naka-6.7% lang.

Read: TV shows na alagwa sa ratings; mga pagbabago sa iba-ibang serye

JERRY OLEA

Noong Huwebes, Mayo 29, naman ay lalo pang tumaas ang ratings ng afternoon shows ng GMA-7.

Ang It’s Showtime ay naka-6%, at ang Eat Bulaga! ay 3%.

Tumaas ang Prinsesa ng City Jail na naka-8.3%.

Ang Mommy Dearest naman ay 8.6% — its highest rating to date.

Ang Bituing Marikit ay 7.9%.

Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 4.8%, at ang Red Balloon ay 2.5%.

Ganun pa rin ang Family Feud na 6.7%.

PRIMETIME RATINGS

Pagdating sa primetime, naka-11.5% ang 24 Oras; 1.9% ang Frontline; at 2.8% ang Totoy Bato.

Ang TV Patrol naman ay 3%.

Medyo bumaba ang Lolong na naka-7.4%, pero nanatiling 12.9% ang Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumawi ang Incognito na 8.7%, at ang Mga Batang Riles ay 8.1%.

Ang Slay ay nanatiling mataas sa 5.1%, at ang Saving Grace ay 4.6%.

Ang PBB Celebrity Collab ay 4%.

Hindi covered ng ratings na ito ang views ng mga programang napapanood din online, na tingin namin ay mas malaki ang viewership kumpara sa traditional TV.

Read: PBB Celebrity Collab, mas humahataw sa online kumpara sa free TV

COCO AND JULIA TO VISIT KENYA

Siyangapala, bibisita sina Coco Martin at Julia Montes sa Kenya para sa isang masayang selebrasyon upang magpasalamat sa mga sumusubaybay sa mga programa ng ABS-CBN na umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa.

Makakasama ng fans ang CocoJul sa “Kapamilya Live in Kenya” para ipagdiwang ang parehong kultura ng Pilipinas at Africa na gaganapin sa Hunyo 28 sa Nairobi Cinema.

coco julia kenya
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ini-announce na rin ng ABS-CBN ang pag-ere ng serye nina Coco at Julia na Walang Hanggan sa Hulyo, at ang serye naman na pinagbibidahan ni Julia na Saving Grace na ipapalabas sa Setyembre.

Pareho itong mapapanood sa StarTimes channel ngayong taon.

Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ni Coco sa Africa kung saan patok sa mga manonood ang serye niyang FPJ’s Batang Quiapo, na kilala sa pamagat na Gangs of Manila at kasalukuyang umeere sa 41 bansa sa Africa.

Tumatak din sa mga manonood sa Africa ang mga teleserye ni Julia tulad ng Ikaw Lamang, Doble Kara, Asintado, at iba pa.

Mahigit dalawang dekada nang umeere sa iba’t ibang bansa sa Africa ang mga programa ng ABS-CBN.

Kabilang sa mga napapanood na Kapamilya teleserye roon ngayon ay ang Can’t Buy Me Love, Lavender Fields, What’s Wrong with Secretary Kim, at The Broken Marriage Vow.

Read: Batang Quiapo, unbeatable sa ratings at online views

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward (left photo, with Raheel Bhyria) joins the cast of GMA primetime series Mga Batang Riles. Right photo: Anton Vinzon, Miguel Tanfelix, and Kokoy de Santos face danger in a scene from Mga Batang Riles.
PHOTO/S: GMA Drama Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results