JERRY OLEA
Naligwak na ang Hold Me Close sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines.
Ang nasabing reunion movie nina Carlo Aquino at Julia Barretto ay isa sa sampung official entries ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nalaglag man sa Top 10 ang Hold Me Close, may pumalit ditong pelikulang Pinoy rin, na puwesto sa No. 1.
Ito ay ang Everything About My Wife starring Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, and Sam Milby.
Nakakatuwa na mula noong Mayo 14, 2025 ay Pinoy movie ang nasa pangunahing puwesto sa Top 10 Movies list ng Netflix PH.
Read: Tatlong Pinoy movies, inokupa ang top spots sa Netflix PH
Hold Me Close ang topnotcher noong Mayo 14 at 15.
Mula Mayo 16 hanggang 20 ay nanguna ang MMFF 2024 entry nina Francine Diaz at Seth Fedelin na My Future You.
Noong Mayo 21 at 22 ay No. 1 ang Valentine movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na Ex Ex Lovers.
Mula Mayo 23 hanggang 29 ay namayagpag ang MMFF 2024 entry nina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, at Chanda Romero na Espantaho aka Scarecrow.

UPCOMING PINOY MOVIES ON NETFLIX
Sa Hunyo 5 pa ang streaming ng MMFF 2024 entry nina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre na Uninvited.
Sa Hunyo 12 ang streaming ng MMFF 2024 entry ni Vice Ganda na And The Breadwinner Is…, kasabay ang documentary ni Jiggy Manicad na I Love Filipino.
At sa Hunyo 19 nakatakda ang streaming ng MMFF 2024 entry nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na Green Bones.
Read: MMFF 2024 movies, mapapanood na sa Netflix

TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Everything About My Wife
- Scarecrow
- Fear Street: Prom Queen
- Ruby Gillman Teenage Kraken
- Ex Ex Lovers
- My Future You
- The Deceased
- John Wick Chapter 4
- The Devil’s Bride
- Sikandar
NOEL FERRER
Mula noong Mayo 18 hanggang ngayon, Mayo 30, nananatiling No. 1 sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang Bet.
Mula Mayo 16 ay naglalaro sa 5th hanggang 10th place ang Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.
Hanggang Hulyo ang pag-i-stream ng mga bagong episode nito.
Read: Dolly de Leon, Jon Jon Briones join Netflix's Avatar cast
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Bet
- Tastefully Yours
- Our Unwritten Seoul
- Cold Case: The Tylenol Murders
- Sirens
- The Beginning After The End
- Incognito
- Dear Hongrang
- American Manhunt: Osama bin Laden
- Resident Playbook
GORGY RULA
Marami sa Pinoy films ay nag-No. 1 trending sa Netflix. Pero karamihan dito ay semplang sa takilya.
Mukhang hinihintay na lang talaga ng mga manonood na mag-streaming ito, at ayaw nang mag-effort na pumunta ng sinehan at gumastos para panoorin ito.
Karamihan kasi sa kanila ay nanghihinayang lang maglabas ng pera, tapos hindi naman pala nila nagustuhan ang pelikula.
Sa streaming ay napapagtiyagaan na lang nila panoorin. Pag nababagot sila, ititigil na lang at babalikan na lang uli kapag may time.
Malaking bagay ring nagtagal sa pag-No. 1 ang Scarecrow o Espantaho.
Tingnan natin kung magtatagal din itong Everything About My Wife.
Timing ding nagsisimula nang mag-promote ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng bagong action-drama series nilang Sanggang-Dikit.
Read: Filipino actress, tampok sa Netflix series na Secrets We Keep
INCOGNITO AND HEAVENLY EVER AFTER
Ang Incognito naman ay mukhang mahirap nang malaglag sa Top 10 trending. Name-maintain kasi nilang interesting ang kuwento.
Abangan kung magkakaroon ng conflict si Andres (Daniel Padilla) at ang natagpuan niyang kapatid na si Jun/Diego na ginagampanan ni Louise Abuel.
Nakatakda kasing likidahin ng grupong Incognito si Manuel Aguinaldo (Joem Bascon) na siyang kumupkop kay Jun/Diego.
Pero mas cute ang kuwento nina Gab (Maris Racal) at Tomas (Anthony Jennings) na biglang nagpakasal kahit hindi sila magkarelasyon.
Nakakaaliw ang kuwento nilang dalawa na tiyak susubaybayan din kung magkadebelopan na ba silang mag-asawa.
Samantala, wala na sa Top 10 series ang Heavenly Ever After na patuloy ko pa ring sinusubaybayan dahil sa kakaibang kuwento nito.
Sana mapanood talaga natin ito dahil kakaiba ang pagsasalarawan nila ng langit at impiyernong napupuntahan ng taong pumanaw.
