GORGY RULA
Nagulat kami sa ipinarating na balita ng isang reliable source ng PEP Troika: nagdadalantao na raw si Lovi Poe.
Pero mas nagulat kami sa sinabi ng isa pang source na pitong buwan na raw ang ipinagbubuntis ng premyadong aktres.
Ibig bang sabihin nito ay buntis na si Lovi nang rumampa siya sa Body of Work: The Bench Show noong Marso 21, 2025?
Read: Body of Work: The Bench Show highlights and sidelights
Huling nakatsikahan ng PEP Troika si Lovi sa story conference ng pelikulang iprinodyus ng kanyang C’est Lovi Productions, ang The Sacrifice, noong huling linggo ng April 2025.
Dito ay napag-usapan pa namin ang posibilidad na pagbubuntis niya. Handa naman na raw siyang maging nanay sakaling biyayaan na sila ng Panginoon.
Yun pala, kung totoo ang impormasyong nasagap namin, nagdadalantao na siya noong panahong yun.
Read: Lovi Poe, sasamahan sa shooting ng mister na si Monty Blencowe
THE SACRIFICE
Ilang linggo ring nag-shooting si Lovi ng pelikulang The Sacrifice na kinunan pa sa Quezon Province.
Sabi naman ng napagtanungan namin na involved sa film production nito, natapos na raw nila ang shooting. Naghahanda na raw silang mag-shoot para sa promo nito.
Kinontak ko rin ang ilang taong malapit kay Lovi para kumpirmahin ang balitang buntis siya, pero wala raw silang alam.
Nakatutok daw kasi ang aktres sa first film production ng kanyang C’est Lovi Productions, kaya hindi pa sila nakakapag-update sa tunay nitong kalagayan.
Hindi pa namin kinukumpirma ang balitang buntis si Lovi.
Hihintayin pa natin ang kumpirmasyon ng magandang balitang ito mula kay Lovi Poe mismo.
NOEL FERRER
May nagkuwento sa PEP Troika na ang saya lang daw ni Lovi Poe sa shooting ng The Sacrifice sa Quezon.
Namataan pa raw ng ibang staff na masaya siyang kumakanta at sumasayaw sa isang ilog doon.
Hindi naiiwasang nagkakaproblema sa production ng pelikulang ginagawa nito sa Quezon, pero ang saya lang daw ng aktres.
Baka nga dala na rin ito ng excitement na magiging isa na siyang ina.
Mabuti at kasama ang asawa niyang si Monty Blencowe na siyang umaalalay sa kanya.
Read: Lovi Poe opens up about life in the U.S. with Monty Blencowe
JERRY OLEA
Nag-post si Lovi Poe sa kanyang Facebook page ngayong Mayo 27, Martes, kaugnay sa “docu-drama” na Lakambini.
Aniya: “Ten years ago, I had the incredible honor of being part of a film called Lakambini, a project that remains close to my heart.
“It’s an educational piece that reintroduces the life and legacy of Gregoria de Jesus, not just as the wife of Andres Bonifacio, but as a revolutionary in her own right.
“She’s the Lakambini of the Katipunan, a fierce keeper of its secrets, and a woman who fought for our freedom with unwavering courage.
“This 2025, on her 150th birthday, it feels especially meaningful to revisit her story. Lakambini was our small way of honoring her spirit, and I hope more people take the time to learn about her strength, intelligence, and deep love for our country.
“Her story deserves to be remembered. Not just in history books, but in our hearts.
“Happy 150th, Oriang.”
Noong Mayo 9 pa ang 150th birth anniversary ni Gregoria de Jesus.
Sa pagkakaalam ko, originally ay historical drama ang Lakambini.
Hindi natapos ang shooting nila rito ni Rocco Nacino kaya ginawan ng paraan para maging “docu drama.”
Hopefully ay maayos ang pagkakatagni-tagni ng mga eksena rito.
