JERRY OLEA
Matagumpay ang unang gabi ng PSF Theater Festival 2025 noong Mayo 24, 2025, Sabado, sa teatro ng PhilStagers Foundation (PSF) na malapit sa PS Bank-G. Tuazon St., Balic-balic, Sampaloc, Manila.
SRO (Standing Room Only)!
AST (All Seats Taken)!
Na-sold out ang nachos at french fries!
Pitong dula ang nasa unang gabi ng theaterfest na ito.
Ang mga ito ay Good Night, Love ni JP Lopez, Pulang Kabayo ng Tanghalang Clasico, Laro ng PSF Workshop Participants, Break Room ni Zen Lizardo, Layag ng Alpas Ensemble, Signos ni Jason Chan, at 3 Men On An 1sland ni Johnrey Rivas.
Bandang 7:30 P.M. ang pagtatanghal ng unang dula.
Iyong pampitong dula na 3 Men On An 1sland ay 2:22 A.M. na natapos. Nang mga sandaling iyon ay puno pa rin ang teatro.
Read: VMX actor Victor "VR" Relosa, sa entablado naman maghuhubad
"MUKBANG" SA ENTABLADO
R-18 ang 3 Men On An 1sland, kung saan nagtalop ang tatlong karakter dito — ang middle-class na flight attendant (Ken Intano), ang anak-pawis na pasahero (Victor ‘VR’ Relosa), at ang piloto (Fidel Redado) na anak ng gobernador sa isang lalawigan sa Northern Luzon.

Babad ang pawetpaks ni Ken, at kapwa nag-hello ang private part ni Fidel at ng VMX actor na si VR.
Na-shookt si Mercedes Cabral, na isa sa tatlong hurado ng theaterfest, sa eksenang “mukbang” sa 3 Men On An 1sland.
Ang dalawa pang hurado ay sina Dr. Anton Juan at Soliman Cruz.
“Oh my God!” tili ni Mercedes.
MERCEDES CABRAL INSPIRED TO RETURN TO THEATER
Eksklusibong nakachikahan ng PEP Troika si Mercedes nitong Mayo 25, Linggo ng hapon, sa Victoria Sports Tower, EDSA, Quezon City, bago ang special screening ng pelikulang Faney.
Aminado si Mercedes na dahil sa napanood niya sa PSF theaterfest ay gusto niyang magbalik-teatro.
If ever, kakayanin ba niyang maghubad sa entablado?
“Siguro depende sa material. Kung necessary siya, bakit hindi? And I think, may mga paraan naman how to do it in a classy way,” matamang tugon ni Mercedes.
Napanood ni Mercedes ang dulang Anino sa Likod ng Buwan kung saan lubhang mapangahas din ang tatlong bida na sina Elora Españo, Ross Pesigan, at Martin del Rosario.
Bumilib din si Mercedes sa nasabing dula, na may rerun sa Oktubre.
Read: Ross Pesigan, ipinaglaban ang frontal nudity sa Anino Sa Likod ng Buwan
Ang isa pang nakapanood ng 3 Men On An 1sland na present din sa Faney special screening ay si Kych Minemoto, na kasabayan ni VR sa Chubbuck Technique acting workshop ni Direk Rahyan Carlos.
Sabi ni Kych, hindi pa niya kaya sa ngayon yung pagpo-frontal na ginawa ni VR sa 3 Men On An 1sland.
Sa darating na Sabado, Mayo 31, ang ikalawang gabi ng PSF Theater Festival 2025. Walong dula ang tampok dito.

NOEL FERRER
Kumusta ang experience ni Mercedes Cabral bilang isa sa tatlong hurado ng PSF Theater Festival 2025?
“Unang-una, wala akong in-expect. In a way, it was a good thing na wala akong idea kung ano yung mga stories nitong mga plays na ito,” tugon ni Mercedes.
“Kasi parang in-enjoy ko lang siya as audience and, at the same time, alam ko yung responsibility as one of the jurors na kailangang pansinin mo rin yung technicalities especially when it comes to acting.
“Kasi may instructions sa amin si Direk Vince Tañada na ako yung in charge when it comes to acting.
“So, yung pag-comment ko about sa mga performances nila, and then si Tito Soliman Cruz naman, performance at the same time yung technicalities din and techniques.
“And then si Dr. Anton Juan naman yung sa material itself and the way it was written. So, may mga times kagabi na nae-enjoy ko siya as an audience.
“Nakakalimutan ko na, ‘Ay! OK, ito pala yung dapat kong i-critique.’ Nawawala din ako.
“So, ibig sabihin, nae-enjoy ko yung play and marami akong napanood na actors na baguhan pero magagaling, na nagugulat ako how they performed.
“Parang ano, yung iba napansin ko, nagulat ako na bago pa lang pala and then, feeling ko, ang tagal na nilang nagpe-perform sa entablado.
“So I was really entertained at the same time ahhmm nakakatuwa ding magbigay ng pointers.
“Kasi alam kong mga estudyante yung iba sa kanila. Malaking bagay para sa kanila na marinig yung mga comments and mga suggestions namin.
“So we try to give constructive criticisms para makatulong din. So, ayun, it was a really fun experience.”
Read: Delia D. musical, nangangagat at nanunuot sa puso at diwa
GORGY RULA
Bilang aktres, paano naapektuhan si Mercedes Cabral ng mga napanood niya sa first night ng PSF Theater Festival 2025?
Na-rekindle ba iyong pagnanais niyang umarte muli sa entablado?
Tumango si Mercedes: “Oo, na-inspire ako actually, kasi wala akong masyadong experience with theater.
“May ginawa ako before sa UP pero matagal na, tapos bago pa lang ako noon.
"So, alam ko na hindi pa ako ganoon kahasa sa stage. So, na-inspire ako doon sa mga actors.”
MERCEDES ON GMA PROJECT
Anong project ang aabangan ng mga sumusubaybay sa kanyang career?
“Kasama po ako sa bagong teleserye sa GMA, yung Hating Kapatid, with Miss Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, yung family po nila,” sagot ni Mercedes.
“Direktor po namin si Direk Adolf. It’s really nice to work again with Direk Adolf. Kasi, unang-unang teleserye ko po, si Direk Adolf yung direktor ko.
“So ngayon lang uli kami nagkatrabaho sa TV. Nag-start na po kaming mag-shoot ng episodes for the pilot week.
“Exciting siya, kasi, kontrabida ako ulit. Yun lang ang masasabi ko!”
Ang huling TV series ni Mercedes ay ang FPJ’s Batang Quiapo, kung saan gumanap siya bilang Lena, ang pambansang jumper.
Read: Mercedes Cabral gains well-deserved recognition for Batang Quiapo
