PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla clueless sa "anak" nina Aljur Abrenica at AJ Raval

Kylie Padilla may Allbert Martinez na, may Gabby Concepcion pa.
by PEP Troika
Published May 26, 2025
kylie padilla projects
Kylie Padilla on relevant projects she's currently doing: “Alam kong marami akong matututunan sa craft kaya na-appreciate ko yung mga project na dumadating sa akin. It’s good for me as an artist. It’s like I can use it to heal things. Some things inside in myself na hindi ko magagawa in real life."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Isang makahulugang “Secret!” ang sagot ni Kylie Padilla nang kinumusta ng PEP Troika ang kanyang lovelife.

Nakatsikahan ng PEP Troika ang Kapuso actress sa look test ng bagong pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions, ang The Lotto Winner, na ididirek ni RC delos Reyes.

Read: Kylie Padilla confirms new relationship: "I'm taken."

Nilinaw naming romantic relationship ang tinutukoy namin, kaya huwag niya kaming sagutin na sa mga anak niya at trabaho ang kanyang puso.

Pero tawa lang nang tawa si Kylie at hindi niya kami sinagot.

Mga project daw niya ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon.

“Mga project ko, yun na lang. Pero honest, ang nagpapasaya sa akin ngayon is my project and my kids talaga,” napangiti niyang pakli.

Read: Kylie Padilla, apektado ng pagkasunog ng isang ina at 3 anak

KYLIE ON CO-PARENTING WITH ALJUR

Ayon kay Kylie, okay sila ngayon ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica, at maayos daw ang co-parenting nila sa dalawa nilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Family, okay ako. Kasi nakahanap na kami ng magandang flow, kaming dalawa ni AJ [Aljur].

“Co-parenting wise, we’re in a good place, and my kids are in a good place. Yun nga lang, hindi pa nga nila matanggap na nagwo-work ako.

"Nalulungkot pa rin sila pag alam nilang magtatrabaho ako. But, babawi naman ako when I have time.”

Nagulat si Kylie nang humirit ako ng tanong kung okay ba ang mga anak niya sa kapatid nila. Ang napapabalitang anak nina Aljur at AJ Raval ang aking tinutukoy.

Hinampas ako ni Kylie na natawa at nakaturo pa sa akin na parang gusto ko pa raw siyang ipahamak.

“Di ko alam yan! Ilalagay mo pa ako sa…anyway…

“Basta okay sila.

"Balita ko naman na maalaga din naman si AJ. So. happy ako dun,” maingat na pahayag ni Kylie.

Mag-uusap daw sana sila ni AJ, pero hindi ito natuloy.

“Ahh, we tried, but then na-realize namin na hindi na muna kailangan i-push yung… oo, wala pa naman dun, e,” sabi pa ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Padilla admits she never really wanted to get married

AJ Raval shows support for boyfriend Aljur Abrenica
AJ Raval and Aljur Abrenica
Photo/s: Courtesy: Instagram

JERRY OLEA

Masaya raw si Kylie Padilla ngayon dahil ang gaganda ng projects na napupunta sa kanya.

Matagal na raw naikuwento sa kanya ng taga-Mavx Productions itong The Lotto Winner, at sinabing gusto niya itong gawin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, nabanggit na itong project na ito nung nag-shoot pa kami sa Switzerland. 'Oh my God, gusto ko siya. Ako na yan, ha?'

“Ayun nga, they kept their promise,” saad ni Kylie.

MAY ALBERT NA, MAY GABBY PA

Ang unang pelikulang ginawa ni Kylie sa Mavx Productions ay ang Unravel, kung saan kasama niya si Gerald Anderson. Kinunan iyon sa Switzerland.

Ang isa pang ikinaka-excitte ni Kylie sa The Lotto Winner ay si Albert Martinez ang kasama niya.

May ginagawa ring drama series ngayon si Kylie sa GMA-7, ang My Father’s Wife, kasama naman si Gabby Concepcion.

Kaya may Albert na siya, may Gabby pa.

Sina Albert at Gabby ang dalawa sa pinakasikat na matinee idols noong dekada '80, at pareho na ngayong award-winning actors.

Saad ni Kylie: “Alam kong marami akong matututunan sa craft kaya na-appreciate ko yung mga project na dumadating sa akin.

“It’s good for me as an artist. It’s like I can use it to heal things. Some things inside in myself na hindi ko magagawa in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, it’s a nice way to heal myself. If I’m talking selfishly.

"Kasi, outside of me naman, maganda talaga yung mga project. Maganda ‘tong My Father’s Wife, maganda rin itong The Lotto Winner.

"Maraming makaka-relate sa story na ito.”

Read: How Kylie Padilla battles self-doubt as a single mom

NOEL FERRER

Doon pa lang sa look test ng The Lotto Winner nagkakilala sina Albert Martinez at Kylie Padilla.

Kaya nagpakitang-gilas talaga ang Kapuso actress nang sinubukan nila ang isang mahalagang eksena ng naturang film project.

Albert Martinez, Kylie Padilla
Albert Martinez and Kylie Padilla dueing their look test for the upcoming movie The Lotto Winner.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang ganda ng chemistry namin,” bulalas ni Kylie.

“May connection na kami agad when we’re doing the shoot kanina. So, wow, faney!

"So, excited ako, because ibig sabihin nun, dito pa lang in our shoot here, maganda na yung magiging pelikula namin.

“Dun mo malalaman sa first day pa lang, if magiging maganda at kung meron talagang makikita sa screen.

"So, I’m really really excited,” dagdag ni Kylie.

ALBERT, INAMING DI KILALA SI KYLIE

Na-impress naman si Albert sa Kapuso actress.

Sabi ng veteran actor: “I was so impressed a while ago. Kasi, we did the parang audition scenes, and we got parang emotional about it.

"Dun pa lang, I said, 'Wow! It’s been, you know, good project.'”

Pero nakakatuwa ang kuwento ni Albert nang nagkakilala sila ni Kylie sa look test.

Doon pa lang daw sila nagkakilala at walang kaide-ideya si Albert kung sino si Kylie Padilla.

“Honestly, I’m not really into showbiz. I don’t know much people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Coz, the last Kylie I worked with was another Kylie [Verzosa]. So, I’m so confused when I saw Kylie.

“But, of course, I have to research to find out who Kylie is. She’s the daughter pala of Robin [Padilla]. So, ahh okay. Ngayon ko lang nalaman.

“I have a different world. I’m in this industry but I’m not in it at the same time,” napapangiting pahayag ni Albert.

Read: Kylie Padilla reflects on breakup with husband Aljur Abrenica: "I have been so afraid of life."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on relevant projects she's currently doing: “Alam kong marami akong matututunan sa craft kaya na-appreciate ko yung mga project na dumadating sa akin. It’s good for me as an artist. It’s like I can use it to heal things. Some things inside in myself na hindi ko magagawa in real life."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results