JERRY OLEA
Gumawa ng tula si Gina Alajar para sa kumare niyang Superstar at National Artist na si Nora Aunor aka Ate Guy.
Binasa ito ni Gina bago ang screening ng pelikulang Faney nitong Mayo 21, 2025, Miyerkules ng gabi, sa Cinema 11 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Ang Faney ay tribute film para kay Nora, at tinampukan nina Gina, Laurice Guillen, at Althea Ablan, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.
Read: Ian de Leon, nagpasalamat sa mga nagpapatuloy ng legacy ni Nora Aunor
GINA ALAJAR'S POEM FOR NORA AUNOR
Ang tula ng pagpupugay ni Gina:
Humina man ang mga ilaw, mas lalong nagniningning
Ang pangalang minahal, hindi malilimutan
Nora Aunor, ang tala, ang alab
Isang tinig, isang mukha, sagradang pamana
Si Elsa’y kanyang naging anyo sa alikabok ng Himala
Sa panalangin at paniniwala, kami’y kumakapit pa
Isang sigaw, hilaw, totoo, tumatagos “Walang himala!” kaya’t kami’y umagos
Kung walang himala, siya ang naging isa
Isang milagro sa ilalim ng araw na kayganda
Sa Bona, siya’y tahimik ngunit matapang
Sa kanyang mukha, pag-ibig na walang pag-aalinlangan
Sa T-bird at Ako, siya’y matatag at totoo
Binasag ang hadlang, lumipad, sumulong nang buo
Bilang Andrea, ipinakita ang sakit ng ina
Bawat eksena’y sugat na hindi nasayang kundi dakila
Sa Gamu-gamo, umalingawngaw ang tinig niya
“My brother is not a pig!” sigaw ng dignidad at bansa
Sa bawat papel, binigyan niya tayo ng paningin
Ng tapang, ng buhay sa pusong malambing
Mula Banaue hanggang Thy Womb na payak na ganda
Flor Contemplacion, may bigat ng mundo sa kanyang mukha
Sa Tatlong Taong Walang Diyos, luha’y walang kapantay
Hinubog niya ang kasaysayan sa kanyang mga kamay
Hindi lang siya umaarte, siya’y nabuhay, nag-alab
At sa kanya, puso ng bayan ay lumakad
Mga tropeyo, papuri, tagumpay, lahat ay sa kanya
Isang tinig para sa masa, isang babaeng di matitinag pa
Pinarangalan ng bayan, Pambansang Alagad ng Sining
Isang alagad ng katotohanan, tapang, at giting
Isang tagapagsalaysay ng ating kuwento
Sa kanya, tayo’y naging totoo
Tahimik na ngayon ngunit hindi siya nawala
Sapagkat ang kanyang liwanag sa langit ay sumiklab
Hindi siya nagpaalam, naging bahagi ng ating alaala
Magpakailanman, si Nora Aunor, ating Superstar
Walang kaparis!
Read: Althea Ablan, nakipagtagisan kina Laurice Guillen at Gina Alajar
GORGY RULA
Matapos ang screening ng Faney, inusisa si Gina Alajar kung paano niya binuo ang tula ng pagpupugay para kay Nora Aunor.
“ChatGPT iyon. Siyempre, naglagay ako ng mga dapat ilagay. Kasi, di ba, may mga questions,” pagtatapat ni Gina.
“I really wanted to do something for Guy, ganun. Actually it’s a salaysay, e. Eulogy.
“But then I asked ChatGPT to turn it to a poem. Tapos, so ang galing naman niya. Ang galing ng ChatGPT. Kasi, in-organize niya yung thoughts ko.”
Naka-move on na ba siya sa pagpanaw ni Ate Guy?
“Well, life has to move on, hindi ba? Pero katulad ng... OK, pag nakita mo siya ulit, hindi ba, so parang meron pa ring lump na parang may kurot pa rin,” saad ni Gina.
“Pag makita ko si Ricky Davao… may kurot pa rin, ganun. So I don’t know if it’s moving on.
“Lagi naman, e, pag meron tayong kaibigan na nawawala. Tapos nakakalimutan natin sila pag hindi nakikita.
“Pag nakita natin, maaalala uli natin.”
Si Nora ay pumanaw sa edad na 71 noong April 16, 2025.
Si Ricky naman ay pumanaw sa edad na 63 noong May 1, 2025.
Read: Ricky Davao dies at 63
GINA ALAJAR ON FANEY
Anong naramdaman niya matapos mapanood ang Faney? Meron bang kurot o haplos sa dibdib?
“Well, maraming information. First of all, maraming information lalo na sa mga fans niya,” tugon ni Gina.
“Di ba, parang totoong-totoo yung pagmamahal sa kanya ng mga tao? Mga kuwento, which is, you know, alam ko naman na most of it are true, hindi ba?
“Karapat-dapat lang talaga na bigyan siya ng tribute na ganito. She deserves it.
“And kanina, sa last portion, di ba, kumakanta siya? I was imagining, sana, parang Michael Jackson, ano?
“Kung nagawa lang. Kung hindi siguro namadali ito. Mabilisan kasi, pero sana, naayos yung special effects na iyon na kumakanta siya talaga. Sayang.”
Read: Laurice Guillen, reluctant tanggapin ang role bilang Nora fan
NOEL FERRER
On point ang acting ni Gina Alajar sa pelikulang Faney na joint venture ng Frontrow International, Intele Builders, Noble Wolf, at AQ Films.
Sayang lang at medyo nawala si Gina sa one-third ng pelikula dahil ang karakter niyang si Babette ay tumulong sa pagluluto sa party ng kapitbahay.
Expect Gina to always deliver. And she did.
Sana lang talaga, naayos pa ang materyal. Kasi, may igaganda pa sana talaga yun.
Promise!
