PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Althea Ablan, nakipagtagisan kina Laurice Guillen at Gina Alajar

Althea Ablan, nakilala si Nora Aunor dahil sa Faney
by PEP Troika
Published May 22, 2025
gina laurice althea faney
Kapuso young actress Althea Ablan (right) on acting alongside actress-directors Gina Alajar (left) and Laurice Guillen (center): “Sa una po, siyempre, na-intimidate po ako. Dahil veteran po sila, ang tagal na po nila sa industriya na ito. Pero siyempre po, hindi ko kailangang iparamdam yun sa kanila. Kailangang iparamdam ko na kaya kong gawin..."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

First movie ni Althea Ablan ang Faney, ang tribute film kay Superstar at National Artist Nora Aunor na isinulat at idinirek ni Adolf Alix Jr.

Nakipagtagisan dito ng akting ang 20-anyos na Kapuso actress sa mga beterana at premyadong artista na sina Laurice Guillen at Gina Alajar, na mga direktor din.

Read: Faney special screening, itataon sa birthday ni Nora Aunor

“Sa una po, siyempre, na-intimidate po ako,” lahad ni Althea sa mediacon matapos ang screening ng Faney nitong Mayo 21, 2025, Miyerkules ng gabi, sa Cinema 11 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Dahil veteran po sila, ang tagal na po nila sa industriya na ito. Pero siyempre po, hindi ko kailangang iparamdam yun sa kanila.

“Kailangang iparamdam ko na kaya kong gawin para di ba po, naibibigay ko yung best ko, naibibigay ko yung lahat ko.

“And siyempre, without Direk Adolf, hindi ko naman po ito magagawa. Nandiyan po siya to guide me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sabi ko, ‘Direk, ikaw na ang bahala sa akin. Hi! Hi! Hi! Hi!’ Lagi akong sinasabihan ni Direk, lagi niya akong gina-guide.

“At sa totoo lang po, napansin niyo po ba? Na ito pong film na ginawa namin ay ‘no script’!

“Dahil nga po mabilisan lang ito ipinalabas.”

Noong Mayo 12, Lunes, araw ng eleksyon, nag-first shooting day ang Faney sa Golden Hills Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Pagpapatuloy ni Althea: “Nung sinabi po ni Direk Adolf yun, sabi ko, ‘Direk, first time ko po ito na walang script pero kayo na po ang bahala.’

“So, nagtiwala po ako sa tatlong direktor na kaeksena ko. Hi! Hi! Hi!

“Opo, tatlong direktor. Kaya po pag tinatawag nila ako sa tent, ‘Direk Althea, tara na po!’ Hi! Hi! Hi!

“Direktor na rin po nila akong tinatawag pero, ayun po, sobrang nagpapasalamat po ako na binigyan po ako ng ganitong karakter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Laurice Guillen, reluctant tanggapin ang role bilang Nora fan

GINA ALAJAR ON ALTHEA'S ACTING

Inusisa si Gina kung ano ang masasabi niya sa akting si Althea.

Ayon kay Gina, siya ang nagturo kay Althea na umakting.

Halos dalawang taon niya itong idinirek sa Kapuso drama series na Prima Donnas, na pinagbidahan din nina Jillian Ward at Sofia Pablo.

Read: Gina Alajar on teen stars of Prima Donnas: "Kung nagiging problematic sila... makakarating sa akin."

“Siyempre sasabihin ko, magaling siya! Totoo namang magaling siya,” sey ni Gina.

“Si Althea, bata pa ito, lalaban ito. Lumalaban na yan kahit na… you know what, she’s 20 years old and then she reminded me that I directed her when she was 14.

“So, ang dami nang nagdaang panahon. So, 14 pa lang siya, lumalaban na yan.

"Siya yung batang nakikinig at nag-a-absorb ng lahat ng sinasabi ko sa kanya. Para yang sponge.”

athea ablan gina alajar faney
Althea Ablan and Gina Alajar
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasama rin sa cast ng Faney sina Angeli Bayani, Roderick Paulate, Ian de Leon, Perla Bautista, Bembol Roco, Henrie Chavarria, Bianca Tan, Atty. Aldwin Alegre, at ang P-pop group na Bilib.

May special participation ang Noranians na sina Lourdes Recella, Marcy Santos, at Teresita Magallanes.

Prinodyus ang Faney ng Frontrow Entertainment, Intele Builders, NobleWolf, at AQ Films.

GORGY RULA

Ano ang reaksyon ni Althea Ablan matapos mapanood ang sarili sa big screen?

Napangiti si Althea: “Speechless po ako at nararamdaman ko po ngayon, sa totoo lang po, hindi ko po ma-explain dahil ang laki po ng screen dito! Hi! Hi! Hi!

“First time ko pong makita yung sarili ko, pinapanood ng maraming tao, at lalung-lalo na po, hindi lang basta-bastang film.

“Ito po ay tribute para kay Miss Nora Aunor. Isang Superstar po.”

ALTHEA ABLAN ON NORA AUNOR

Ano ang natutunan niya sa paggawa ng pelikulang Faney?

“Sa totoo lang po, never ko pa po na-meet or naka-work si Miss Nora Aunor,” tugon ni Althea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nga po nabanggit ko pa rin kay RS [Francisco] na never pa po. Kaya sabi niya sa akin, ‘Ah, e, di mabuti, ginawa mo itong film na ito!’

“At para po sa akin, pasasalamat po ito kay Miss Nora Aunor sa mga alaala na iniwan niya po sa atin.

“Dahil nga po, siya ang Superstar natin. Kaya habang ginagawa po itong film na ito, ayan po, nandiyan nga po ang mga Noranians.

“Sina Lola Lourdes, nakausap ko din po sila. Actually po, pag-upo ko pa lamang, bumati ako kay Lola Lourdes, automatic na po yun, ‘Alam mo ba, si Nora, ganyan-ganyan. Ganyan.’

“Andami na po niyang ikinukuwento. At during naman po sa Libingan [ng mga Bayani], doon po ako mas nalinawan or mas nabigyan din po akong idea kay Miss Nora Aunor.

“And especially kay Direk Adolf, dahil tulad nga po ng sabi niya, sobrang tagal niya na pong nakakatrabaho si Miss Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At totoo nga po na isa siyang napakabuting tao. Hindi lang siya magaling na artista or singer or kung ano pa man.

“Pero mismo as tao po. Sobrang bait po niya at meron po siyang mabuting puso, lalo na po sa mga sumusuporta sa kanya.

“Kaya po tingnan niyo po ngayon, talagang nandito sila para suportahan ang tribute namin kay Miss Nora Aunor na film na Faney.”

Related Stories:

NOEL FERRER

Habang pinapanood ko ang Faney, hindi mawala sa isip ko na kamukhang-kamukha ni Althea Ablan ang asawa ni Luis Alandy na si Joselle.

In any case, OK naman si Althea for a newcomer.

Maganda ang effort ng pelikulang itaon ang release sa mismong birthday ni Ate Guy, at hindi naman matatawaran ang husay sa pagganap nina Laurice Guillen, Gina Alajar, at Angeli Bayani.

Pero since gagawa na lang, itinodo na lang sana ang pagpapaganda nitong Faney.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka naman puwede pang i-synch ang last part ng "Handog" sa kumakantang Ate Guy.

Medyo forcing through na ang pagdidiin ng pagiging National Artist ni Ate Guy compared kay Vilma Santos o Ate Vi.

Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng pelikula, pero this might create more divide than good — lalo pa’t napakaganda ng ipinakitang pagdamay ni Ate Vi sa wake ni Ate Guy.

In fairness sa Vilmanians, hindi naman sila nag-behave nang ganun sa burol at nanatili silang marespeto kay Ate Guy.

Magagamot pa kaya ito by the time may block screenings by June?

Read: RS Francisco recalls encounter with Nora Aunor in the '90s

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso young actress Althea Ablan (right) on acting alongside actress-directors Gina Alajar (left) and Laurice Guillen (center): “Sa una po, siyempre, na-intimidate po ako. Dahil veteran po sila, ang tagal na po nila sa industriya na ito. Pero siyempre po, hindi ko kailangang iparamdam yun sa kanila. Kailangang iparamdam ko na kaya kong gawin..."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results