PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Misalucha, aminadong nasisintonado sa pagkanta

Lani Misalucha, may takot pa ring masintonado sa concert.
by PEP Troika
Published May 19, 2025
lani misalucha still lani
Lani Misalucha on fear of singing out of tune in her concert: “I’m gonna admit it. I’m not gonna lie about it. Yes, I still have that fear na baka alam mo yun. But with the people behind me who’s going to do the show, we have a great sound system, we’re going to have a great sound engineer.”
PHOTO/S: Lani Misalucha Facebook

JERRY OLEA

Nagsisintonado ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

“Oh yes!” bulalas ni Lani sa mediacon ng 40th anniversary concert niyang Still Lani noong Mayo 7, 2025, Miyerkules, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“Oh yes, yes!!! Yes. Oh my gulay! When talking about out of tune, yes.”

Nagka-bacterial meningitis si Lani at ang husband niya noong Oktubre 2020. Naapektuhan ang kanilang pandinig.

Read: Lani Misalucha, tanggap ang kapalaran dulot ng naging sakit

Pagpapatuloy ni Lani: “Kasi nga... di nakalabas na kami sa ospital, ano, siyempre hindi na ako nakabalik sa The Clash that time.

“So, nakapag-taping pa ako and na-air pa yung time na yon, two weeks I think. Two weekends.

"Tapos after that, wala na. Hindi na ako nakabalik sa The Clash."

Ang The Clash ay ang singing search ng GMA-7 kung saan isa sa mga hurado si Lani.

Lahad pa niya: “Tapos, sinabi nila, ‘Uy! Meron pang ano, first na The Clash concert, and they asked me to do that Christmas special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, ‘Omigosh, tama ba ito?’ I actually turned it down. And then sabi nila, ‘Sige na, Lani, try mo, try mo.’

“So to make it short, ginawa ko nga, and then ano nga ba yung kakantahin ko? ‘O holy night, the stars are brightly shining…’

“Take. Shoot. Roll! I had to redo it. Sintonado pala ako for the most part. Kasi nga, ang nadidinig ko, iba.

“Lahat ng music, lahat ng nadidinig ko, sintonado. Siyempre iyon ang susundan mo na tono. Kung ano yung nadinig mo.

“Yun yung pumapasok na registration sa brain ko. Yun ang susundan ko.

"And then also siguro, I was having a hard time singing that time, nung 2020, because we were under steroids for over a month.

“For over a month. And I feel na talagang kumapal yung boses ko.

"Di ba, yung mga athlete? Di ba, yung iba dun, di ba, nag-steroids sila para mag-build ng muscle easily and quickly?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos lumalaki yung mga boses. Parang ganun yung feeling ko, lumaki yung boses ko, bumaba, and then hindi ko nahi-hit yung mga notes.

“So yes, I wanna let you know na oo, nagsintonado talaga ako.”

STILL DEALING WITH HER HEARING

Kailan bumalik sa tamang tono ang kanyang pag-awit? Iyong tama na ang pandinig niya sa mga tono?

“Nadidinig ko na naman siya nang tama but pag talagang, yung sound, masyadong malaki, masyadong maingay, iba na yung nadidinig ko,” pagsisiwalat ni Lani.

“Talagang nagkakaroon siya ng distortion. Iba yung… I don’t know, hindi ko talaga honestly ma-explain kung papaano ma-describe yung nadidinig ko.

“Kasi talagang iba. Iba talaga. Na pag malakas na malakas yung music, or malakas yung sound sa paligid ko, talagang para siyang §*#@€~%&}{!

“Nagrarambol siya. Nagrarambol siya, ganun.”

Sa pagtatapos ng mediacon ay nagsampol ng pagbirit si Lani.

Aba, bonggang-bongga! Sakdal husay!

Ang Still Lani concert ay nakatakdang ganapin sa Agosto 21, Huwebes ng 8:00 P.M., sa The Theatre at Solaire.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang producers ay sina Nate Quijano at Cris Mananquil ng Backstage Entertainment (a division of Backstage Manila).

still lani concert

GORGY RULA

May takot pa ba siyang baka magsintonado siya sa kanyang comeback concert?

“Yes, of course, I have that fear,” mapagkumbabang pag-amin ni Lani Misalucha.

“I’m gonna admit it. I’m not gonna lie about it. Yes, I still have that fear na baka alam mo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But with the people behind me who’s going to do the show, we have a great sound system, we’re going to have a great sound engineer.”

STILL LANI CONCERT

Ikinalugod ni Lani na ang musical director ng Still Lani ay si Toma Cayabyab, na anak ni National Artist Ryan Cayabyab.

“Nakakatuwa itong concert na ito. Na parang si Lani na nasa industriya na ng 40 years at, somehow, I’m also at the... kumbaga yung sa sinehan, merong exit na pintuan,” pagmamatwid ng Asia’s Nightingale.

“I’m almost, you know, few steps away from that exit door, and now these young talented people are starting to enter… actually nandito na sa industriya.

“Na ang mga paa nila, nandito na sa industriya, and I’m just really excited to be able to experience the kind of work we’re going to have in this concert."

Pagbabahagi pa niya: “Si Toma Cayabyab ang ating musical director and conductor ng ating 40-piece orchestra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And siyempre ang ating direktor ng concert, si Calvin Niera, na ngayon ko lang uli makakatrabaho.

“May mga shows kami na ginawa noon na matagal-tagal na, kaya excited akong makatrabaho siya uli.

“So yun, with the help of all these amazing people, I know I’m gonna be okay.

“With God’s help! With God’s help, I’ll be okay.”

NOEL FERRER

Nakaka-excite ang concert na ito ni Lani Misalucha dahil she also gives way for young talents and musicians to be featured.

Sana, in the next days leading to the concert, Lani releases a new single para may susuportahan at kakantahin na naman ang fans niya.

Masikip ang live concerts at theater scene ngayon.

Kailangang magkapit-bisig ang mga nagmamahal kay Lani para suportahan siya, di ba, Direk Calvin?

(Teka, Direk, uso na rin ang mga Direks na nagpe-perform sa concert, gagawin mo kaya ito for Lani?)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Misalucha on fear of singing out of tune in her concert: “I’m gonna admit it. I’m not gonna lie about it. Yes, I still have that fear na baka alam mo yun. But with the people behind me who’s going to do the show, we have a great sound system, we’re going to have a great sound engineer.”
PHOTO/S: Lani Misalucha Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results