GORGY RULA
Hindi napigilan ni Alynna na maiyak sa kanyang concert na pinamagatang I’m Felling Sexy Tonight noong Miyerkules, May 14, 2025, sa Viva Café, Cubao, Quezon City.
Kinanta niya ang "Tag-araw, Tag-ulan" ng pumanaw niyang partner na si Hajji Alejandro at nasa background pa nito ang mga litrato nilang dalawa.
Nakarelasyon ni Alynna si Hajji sa loob ng 27 years.
Nagkaisyu pa ang pagpanaw ng OPM icon nang hindi siya pinayagang dumalo sa burol nito.
Read: Why is Alynna "unable" to go to Hajji Alejandro’s wake?
Sabi ni Alynna nang nakapanayam ng ilang entertainment media, kabilang ang PEP Troika, hindi niya napigilang maiyak nang kinanta ang isa sa pinasikat na kanta ni Hajji.
Ilang beses daw niya itong pinraktis para hindi siya umiyak, pero bumigay pa rin siya.
Hindi pa raw kasi nagsi-sink in sa kanyang iniwan na siya ng taong minahal niya.
“It’s just hard kapag bumabalik ka sa… and to this day kasi hindi pa rin ako makapaniwala,” sabi ni Alynna.
ALYNNA ON HAJJI'S FAMILY
Ngayon lamang nagsalita si Alynna tungkol sa isyung pag-ayaw sa kanya ng ilang miyembro ng pamilya ni Hajji.
“Half of the family, hindi talaga ako gusto,” pagbabahagi ni Alynna.
“Lalo na nung naging critical si Hajji. I think, I know why.
“Ayoko na lang magbanggit ngayon but, you know, people who would read you and listen to you would know… and read between the lines.
“Hindi ko naman po sila masisisi for thinking that way.”
Hindi siya nagbanggit ng pangalan, pero nilinaw ni Alynna hindi ang mga anak ni Hajji na sina Rachel at Ali Alejandro ang tinutukoy niya.
“Si Ali and Rachel kasi reached out to me. Kasi feeling nila, last day… I thanked them. Sabi ko, ‘Thank you, tinawagan nyo ako.’
“For Ali and Rachel, God knows how much I want to thank you for reaching out to me. Kahit dati naman okay tayo.
"Salamat talaga I had the chance to see your dad for the last time.
“Thank you for the respect. Yung respect na ilang taon na is there.
“Nagulat nga ako na akala ko si Rachel na magkaroon kami ng differences.
“One time she told [me], 'You know, when you were not with us na...' Her dad said na malungkot siya nang wala ako,” sabi pa ni Alynna.
Read: Alynna opens up about Hajji Alejandro's battle with cancer
JERRY OLEA
Alam daw ni Alynna na iniisip ng mga taong ayaw sa kanya na pera lang ang habol niya kay Hajji.
Maaaring hindi nila nakita kung gaano kamahal ni Alynna ang namayapang singer.
Isinakripisyo pa raw niya ang kanyang singing career dahil mas nanaig ang pagmamahal niya kay Hajji.
Saad ni Alynna: “Of all people, ako lang ang walang interes sa pera niya. Kasi yun ang iniisip ng ibang members, e.
"Kaya pinagtatanggal sa akin… sabi ko, ang babaw naman ng pagtingin nila sa akin.
“Kung alam nila yung history namin ni Hajji, ng dad nila. Hajji naman is not… mapagbigay, e.
“Dati ang… saka wala naman siyang shows before nung nag-meet kami, 1998. Hindi pa nag-boom yung career niya, e.
“Kumbaga, ako pa lang ulit ang lumabas. But then, I felt na parang ayaw niya akong kumanta. Kasi nararamdaman ko, e, so nag-quit ako.
“Almost na, e. Almost peak na ng ano ko…
"So, huwag na lang. Tama na. Dito na lang ako sa kanya.
“And I don’t regret. It’s not like, 'Sayang, sana kumanta na ako.' Hindi.
“Ang akin, I followed my heart. Happy ako.”
Nakilala si Alynna noong 2000s dahil sa kanyang double-meaning songs gaya ng "Kahit Gaano Kalaki," "Pasumpa-Sumpa Ka Pa," "Hindi Na Masakit," at "Pinuyat Mo Ako."
Read: Alynna recounts last eight days with partner Hajji Alejandro
ALYNNA'S MESSAGE TO HAJJI'S FAMILY
Hiningan ng mensahe si Alynna para sa mga taong ayaw sa kanya at nagdududa sa pagmamahal niya kay Hajji.
Aniya: “Tingin ko, magugustuhan po ninyo ako kung hindi ako minahal ng anak niyo or ng dad niyo?
“Kasi hindi naman ako masamang tao. I think, you have a friend in me, kasi okay naman ako sa mga kaibigan ko.
"Nagkataon lang na I’ve been in a relationship with your dad or your son kaya po hindi niyo talaga ako ginusto.
“But, I promised Hajji that I would reach out to you. Hindi lang siguro ngayon.
"Pero mararamdaman ko naman yun kapag ano… makapag-usap lang tayo, which is kalimutan na lang natin lahat."
Read: Alynna alludes to "people" being "mean" to her
NOEL FERRER
Nagpasalamat si Alynna sa mga nagtitiwalang ipag-produce siya ng concert, kagaya nitong I’m Feeling Sexy Tonight.
Kailangan niya ng trabaho dahil nagsisimula siya uli, ngayong nag-iisa na lang siya at wala na si Hajji sa buhay niya.
Nang nagpaalam daw siya kay Hajji bago ito pumanaw ay sinabi niyang huwag itong mag-alala dahil babalik siya sa trabaho, sa pagkanta.
“Sinabi ko na. I think, very vocal kasi ako sa kanya. Lalo nung mawawala na siya, sinasabi ko talaga.
“'Huwag ka mag-alala sa akin. Okay lang ako.'
“Kahit na homeless ako… nung nawala siya kasi, since I depended on him, homeless ako. Wala ako kahit ano. Walang pera.
“Buti nandiyan yung family ko, nakikitira ako. Kasi, hindi naman ako prepared.
"So, okay lang. Okay lang. Nakakanta naman ako. Sana magkaroon ako ng shows,” napangiti niyang pahayag.
Pero may isang tanong lang ako: para sa isang namatayan, hindi kaya sila nakahanap ng ibang title para sa concert ni Alynna sa halip na I’m Feeling Sexy Tonight?
Read: Alynna returns to music scene weeks after Hajji's passing
