PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eleksyon 2025 ng GMA-7, tinalo ang Batang Quiapo sa ratings

GMA-7, isinakripisyo ang mga teleserye para tutukan ang eleksyon.
by PEP Troika
Published May 14, 2025
eleksyon 2025
Atom Araullo, Vicky Morales, and Ivan Mayrina lead GMA-7's May 12, 2025 coverage, Eleksyon 2025.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo sa ratings ang FPJ’s Batang Quiapo.

Mas tinutukan ng televiewers ang election coverage ng GMA-7, na pinamagatan nilang Eleksyon 2025, noong Lunes, May 12, 2025.

Tumama sa primetime ang bilangan ng boto kaya na-preempt ang mga programa sa GMA-7 para sa election coverage.

Bago ang 24 Oras sa GMA-7 ay nagsimula na ang coverage sa botohan, kung saan sa mga oras na yun ay pasara na ang polling precincts.

Naka-7.1% ang Eleksyon 2025 ng GMA-7 na mataas na iyan sa oras na yun.

Pagkatapos nito ay pumasok ang 24 Oras na naka-12.9%.

Mahaba ang coverage nito kaya nakatapat pa nito ang FPJ’s Batang Quiapo at iba pang teleserye.

Read: How did celebrities fare in the 2025 elections?

ELEKSYON 2025 VS BATANG QUIAPO

Noong Lunes ay naka-8.6% lang ang FPJ’s Batang Quiapo, at tumuloy pa sa Incognito na 6.6%.

Tumuluy-tuloy pa ito hanggang sa late night, kaya na-preempt na rin ang Slay at Pinoy Big Brother Celebrity Collab ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa oras na yun ay naka-6.9% pa ang Eleksyon 2025, at ang nakatapat na Saving Grace ay 3.2% lamang.

Sabi nga nila, pahinga raw muna ang mga tao sa teleserye dahil mas gusto nilang tutukan ang teleserye ng totoong buhay.

Read: Celebrities who lost in 2025 elections concede defeat

NOEL FERRER

Actually, nagtataka nga ako bakit hindi mai-let go ang soap opera for a national election coverage.

Pati TV5 ay bumitaw sa coverage kaya umarangkada sa mainstream TV ang GMA-7.

Na-enjoy ko lalo na noong sina Vicky Morales, Pia Arcangel, at Atom Araullo ang anchors simula nang pumasok na ang mga numero at nakausap na nila ang mga frontrunner sa senate race.

Isang worth mentioning ay ang presence ni Ted Failon na nakaka-miss sa free TV kasi may insight siyang dala from his being a former public servant.

At ang pinaka-insightful na napanood ko sa pagtalakay ng datos noong halalan ay si Edson Guido ng Cignal TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati na siyang magaling noong nasa ABS-CBN siya, and he proved to be an asset in the MVP Group’s broadcast.

Read: UPDATED Iba pang celebs na nanalo at natalo sa 2025 elections

JERRY OLEA

Bago pa ang primetime, medyo mababa na ang mga programa sa afternoon prime noong Lunes, Mayo 12.

Maaring nasa labas ang mga tao niyan na pumipila sa mga presinto.

Ako nga ay mahigit tatlong oras nakapila bago nakaboto sa Makati City.

At any rate, ang It’s Showtime ay 5.4% noong Lunes, at 2.8% ang Eat Bulaga!.

Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na 5.7% at ang Mommy Dearest ay 5.8%.

Ang Binibining Marikit ay 4.9%, ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.6%, at ang Red Balloon ay 2.5%.

LEO MARTINEZ AND ANGELI KHANG IN BATANG QUIAPO

Samantala, sasabak muli sa matinding bakbakan si Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo, at magpapasiklab na rin sa hit primetime series sina Leo Martinez at Angeli Khang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabagsik ang pakikipagharap ng mag-amang Tanggol (Coco Martin) at Ramon (Christopher de Leon) laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto (Albert Martinez) matapos magka-aberya ang isang malaking transaksyon nila sa droga.

Mukhang may mas matinding bakbakan pa ang naghihintay kay Tanggol dahil muli niyang kakalabanin ang amang si Ramon.

Gusto na kasing kumalas ni Tanggol sa mga iligal na transaksyon ni Ramon at handa na siyang magbagong-buhay.

Read: Luis, Sam, at Cynthia tinanggap ang pagkatalo sa 2025 elections

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atom Araullo, Vicky Morales, and Ivan Mayrina lead GMA-7's May 12, 2025 coverage, Eleksyon 2025.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results