PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tribute film para kay Nora Aunor, nagsimula na ang shooting

Tribute film para kay Nora, may special screening sa birthday ng Superstar.
by PEP Troika
Published May 13, 2025
faney adolf nora
(Main photo, from left) Angeli Bayani, Gina Alajar, Laurice Guillen, and Althea Ablan star in Direk Adolf Alix Jr.'s Faney, a tribute film for the late National Artist Nora Aunor (inset).
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA

Nag-first shooting day ang tribute film kay National Artist Nora Aunor kahapon, Mayo 12, 2025, Lunes, election day, sa Golden Hills Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Pinamagatang Faney, isa itong full-length feature film kung saan bida si Laurice Guillen bilang isang Noranian na ang taguri ay Lola Bona.

Co-stars ni Laurice sina Gina Alajar, Althea Ablan, at Angeli Bayani, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Isa sa producers si RS Francisco.

faney cast
Faney female cast: (from left) Angeli Bayani, Gina Alajar, Laurice Guillen, and Althea Ablan
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Mayo 13, Martes, ang second shooting day ng Faney sa Quezon City.

Sa Sabado, Mayo 17, nakatakda ang fourth and last shooting day.

Sa Mayo 19, Lunes, ay naka-schedule na itong rebyuhin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

At sa gabi ng kaarawan ng Superstar na si Ate Guy sa Mayo 21, Miyerkules, ay may libreng screening ang Faney sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City.

“Napag-usapan po namin ni RS Francisco two weeks ago na masarap gumawa ng parang tribute kay Ate Guy,” lahad ni Direk Adolf sa eksklusibong panayam ng PEP Troika sa first shooting day ng Faney.

“And noong nandoon nga po ako sa wake, nakita ko, ang daming magagandang stories ng mga fans.

“Sabi ko, magandang way din para kami — a way of parang moving on doon sa nangyari kay Ate Guy — at the same time, bigyan din siya ng tribute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And what best way po is through her fans. Kasi alam ko na mahal na mahal niya yung mga fans niya.”

Read: Director Adolf Alix Jr. recalls last meeting with Nora Aunor

faney shooting
Direk Adolf Alix Jr. (kneeling) gives instructions to Laurice Guillen (seated at the center table) for her scene with Angeli Bayani (beside Direk Adolf).
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TRIBUTE MOVIE FOR THE SUPERSTAR

Pumanaw si Ate Guy noong Abril 16, Miyerkules Santo.

Ibinurol ang kanyang mga labi sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Abril 22, Martes, ang libing sa Libingan ng mga Bayani.

“Ito pong Faney is tribute to her from the point of view of a fan,” dagdag ni Direk Adolf.

Paano nabuo ang istorya ng Faney?

“Pinagsama-sama po namin ang mga kuwento ng mga fans na nakita ko noong wake,” tugon ni Direk Adolf.

“Tapos mga kuwento na nai-share sa akin nina Sir Jojo de Vera na nasa Amerika. Si Kuya Edgar po na presidente rin ng fans club ni Ate Guy.

“At saka yung marami pong fans ni Ate Guy na na-meet ko sa iba’t ibang pelikula na nakatrabaho ko po siya.

“So based on that, sabi ko, gumawa kami ng kuwento tungkol sa isang avid fan ni Ate Guy na senior nga, na ngayon nalaman niyang patay si Ate Guy, at gumagawa siya ng paraan paano siya makakapunta sa wake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi given na siya rin po, e, may sakit. Kasi kagagaling lang niya sa operasyon at ayaw ng anak niya na payagan siyang pumunta sa wake.”

Naidirek ni Direk Adolf si Nora sa anim na full-length films.

Ang mga ito ay Padre de Familia, Whistleblower, Laro, Kontrabida, Pieta, at Mananambal.

Meron din silang ginawang short film, ang Kinabukasan, kung saan tampok din si Alden Richards.

Read: Direk Adolf Alix Jr., may updates about pending movies ni Nora Aunor

Director Adolf Alix Jr. says Nora Aunor was preparing for the shooting of their film that was supposed to start in June 2025.
Adolf Alix Jr. directed Nora Aunor in six films.
Photo/s: @aalixjr Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Paano napili sina Laurice Guillen at Gina Alajar na mai-cast sa Faney?

“Noong nag-iisip po ako kasi, sabi ko, what best way to give tribute to Ate Guy than siyempre, unang-una, yung mga nakatrabaho niya po sana,” pagtatapat ni Direk Adolf.

“At saka meron po sana siyang, of course, magandang working relationship.

“So, unang-unang naisip ko, si Direk Gina. Bukod sa nakakatrabaho ko siya lagi rin, lagi rin silang magkatrabaho ni Ate Guy.

“Magkumare sila at marami silang pelikulang pinagsamahan. So sabi ko, magandang nandito si Direk Gina.

“Tapos nag-isip po kami ngayon yung sakto sa age ng profile ng mga fan ni Ate Guy.

“Sabi ko, ang maganda kung papayag ay si Direk Laurice Guillen dahil, yun nga, nakatrabaho niya si Ate Guy sa iba’t ibang pelikula and, at the same time, naging direktor din po siya ni Ate Guy sa Kung Ako’y Iiwan Mo.

“Yung pinakamalaking koneksiyon na naalala ko, sabi ko nga kay RS, is nung teleplay pa po sa TV ang Bona, ang original po na gumanap doon ay si Direk Laurice Guillen, bago po siya naging film na pinagbidahan at prinodyus ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So sabi ko, parang full circle na si Direk Laurice ay isang fan doon sa Bona, at ngayon po ay fan din siya pero siya po ay fan na ni Ate Guy.

“Tapos ang tawag din po sa kanya dito sa pelikulang Faney ay Lola Bona dahil fan siya ni Ate Guy at isa sa paboritong karakter ni Direk Laurice ay yung pelikulang Bona.”

Ang 1980 drama film na Bona ay idinirek ni National Artist Lino Brocka para sa NV Productions.

Sa istorya, si Bona ay avid fan ng bit actor na si Gardo, na ginampanan ni Phillip Salvador.

Bago pumanaw ang Superstar, ikinakasa na ni Direk Adolf ang sequel ng Bona kung saan co-star sana ni Ate Guy si Sid Lucero.

Read: Nora Aunor, pumayag gawan ng sequel ang classic film niyang Bona

nora aunor phillip salvador bona
Nora Aunor and Phillip Salvador in a scene from Bona
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Legendary ang rivalry ng Superstar at Star for All Seasons. Matindi ang bangayan noon ng Noranians at Vilmanians.

Bahagi ba ng kuwento ng Faney ang avid fans ni Vilma Santos?

“Siyempre meron din pong mga ganung eksena. May inaayos po kaming magge-guest din,” tugon ni Direk Adolf.

“Siyempre kasali po yan na may konting rivalry ni Ate Guy at ni Ate Vi.”

Read: Cinemalaya screening ng Bona ni Nora, katapat ng Vilma exhibit

FANEY FIRST SHOOTING DAY

Kumusta ang first shooting day ng Faney?

“OK naman po. Masaya kami. Si Direk Laurice at si Direk Gina, nakatrabaho ko na sila regularly sa iba’t ibang capacity sa TV at sa pelikula,” saad ni Direk Adolf.

“So, masaya po na nagsama-sama kami ulit. Si Angeli, matagal ko na ring hindi nakatrabaho. Si Althea, sa Arabella ko nakatrabaho.

“So, ang sayang tingnan yung iba-ibang generation na magkakasama sila sa isang project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasabay ba si Althea sa mga beterana at premyadong artista na sina Laurice, Gina, at Angeli?

“Opo. Kailangan niya. Nape-pressure nga daw siya. Pero sabi ko, ‘Huwag kang ma-pressure.’ Kasi it’s an opportunity na bihirang mangyari,” sabi ni Direk Adolf.

“So ngayon sa edad niya, magandang ma-experience niya na makatrabaho… si Direk Gina po, nakatrabaho niya si Direk Gina as director sa Prima Donnas.”

Read: Why Ruby Ruiz declined offer to be Nora Aunor's PA

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Main photo, from left) Angeli Bayani, Gina Alajar, Laurice Guillen, and Althea Ablan star in Direk Adolf Alix Jr.'s Faney, a tribute film for the late National Artist Nora Aunor (inset).
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results