PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo, maayos ang co-parenting kay Carlene Aguilar

Anak nina Dennis at Carlene na si Calix, gustong mag-artista.
by PEP Troika
Published May 10, 2025
Dennis Trillo supports son Calix's wish to enter showbiz.
Dennis Trillo (main), ibinahagi na nasa kanya ang anak na si Calix (inset) habang nasa US. ngayon si Carlene Aguilar.
PHOTO/S: @mercadojenny Instagram / Beautederm

GORGY RULA:

Mukhang interesado rin si Calix Andreas Ho, anak ni Dennis Trillo kay Carlene Aguilar, na pasukin ang pag-aartista.

Noon pa man ay binabanggit na sa amin ni Carlene na sobrang idol daw ni Calix ang ama.

Lalo na nitong nagwaging best actor si Dennis sa Metro Manila Film Festival 2024, sobrang proud daw si Calix sa achievement ng kanyang daddy.

Nakatsikahan namin si Dennis noong Huwebes, Mayo 8, 2025, nang ilunsad siya bilang bagong brand ambassador ng Belle Dolls ng Beautederm. Si Jennylyn ay endorser din ng parehong beauty brand.

Ani Dennis, suportado niya anumang tahakin ng kanyang mga anak.

"Ayokong pigilan yung mga hilig. Kung ano man yung gusto nila, lagi lang ako nakasuporta siyempre.

"Kung yun talaga yung gusto niya, susuportahan ko siya," pakli ni Dennis.

Kasama ngayon ni Dennis si Calix dahil nasa Amerika si Carlene para sa dadaluhan nitong event.

May naka-schedule raw si Calix na pictorial kasama si Dennis para sa isang endorsement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ni-request pa raw ng aktor na gusto niyang makasama ang anak sa kaarawan niya sa Lunes, Mayo 12.

Sabi pa ni Dennis, maayos ang co-parenting nila ni Carlene.

May Calix si Dennis bago sila nagpakasal ni Jennylyn Mercado; at meron ding anak ang Kapuso actress kay Patrick Garcia na si Jazz.

Dennis Trillo with wife Jennylyn Mercado, Calix, Alex Jazz and Dylan
Dennis Trillo with wife Jennylyn Mercado, Calix, Alex Jazz and Dylan
Photo/s: @mercadojenny Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DENNIS TRILLO ON BLENDED FAMILY

Noon pa man ay sinasabi rin ni Carlene na okay na okay daw sila ni Jennylyn, na tumatayo ring ina ni Calix.

Paliwanag ni Dennis: "Kami po kasi, medyo ilang taon na rin kaming magkakasama.

"Hindi ko naman ikinakaila na sa umpisa siyempre, merong mga challenges," saad ni Dennis.

"Mahirap pagsamahin ahhh… Mga hindi magkakadugo, di ba, siyempre.

"Pero, pagka nanaig yung pagmamahal, iyun talagang binale mo yung kung gaano kaimportante yung isang tao sa pamilya ninyo, magiging ano, e.

"Magiging mas maganda yung pagsasama ninyo, mas magiging magaan pag natanggap nyo yung isa’t isa, magiging maganda na yung flow ng lahat.

"Siyempre sa umpisa, kailangan talagang mag-effort, kailangan walang susuko talaga.

"Ngayon naman, nararamdaman namin na mas maganda na yung pagsasamahan.

"Kaya siguro napapansin na ng ibang brands yung samahan namin bilang isang pamilya, na kahit hindi kami magkakadugo, siyempre solid pa rin yung samahan namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Iyun yung importante. Kumbaga, hindi nasusubukan sa dugo. Sa puso, sa quality nung time na binibigay mo, yun lahat mas nagma-matter.”

Read: Dennis at Jennylyn, no-no sa cryptic messages sa social media

JERRY OLEA:

Ang isa pang ikinatuwa ni Dennis ay talagang tumatayong kuya raw sina Calix at Jazz sa bunso nilang kapatid na babae na si Dylan.

Si Dylan ang nag-iisang anak nina Dennis at Jennylyn. Three years old na pala ito.

"Natutuwa ako sa kanilang dalawa, sa mga lalaki namin, dahil first time namin nagkaroon ng isang bunso, tapos babae pa.

"Kumbaga, napaka-thankful ko na meron siyang mga kuya na laging nagbabantay sa kanya, tagasuporta, tagapagtanggol paglaki niya.

"Natutuwa ako na napaka-harmonious na yung pagsasama nilang lahat, at nararamdaman ko yung pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa," sambit ni Dennis.

Read: Dennis Trillo says Jennylyn Mercado is "maasikaso" at home

NOEL FERRER:

Kung naalala nyo, taong 2021 ay balak sana nina Dennis at Jennylyn na magka-baby through surrogacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumunta pa si Dennis sa Texas, USA para mag-store ng kanyang sperm doon.

Pero biglang dumating naman si Dylan sa kanilang mag-asawa.

Sabi ni Dennis, hindi pa raw nila pinag-uusapang mag-asawa kung ano ang plano nila sa ipina-store nila sa Texas.

Okay naman daw na sundan nila si Dylan, pero wala pa raw sa kanilang plano sa ngayon.

Halos araw-araw nang magkasama sina Dennis at Jennylyn dahil nagti-taping sila ng Kapuso action series na Sanggang Dikit, kunsaan sila ang bida.

Iyong movie nilang Everything About My Wife ay sa Mayo 29 nakatakdang mag-streaming sa Netflix.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo (main), ibinahagi na nasa kanya ang anak na si Calix (inset) habang nasa US. ngayon si Carlene Aguilar.
PHOTO/S: @mercadojenny Instagram / Beautederm
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results