GORGY RULA
Dalawang beses nang inalok si Lorna Tolentino mag-guest sa TV drama series, pero tumanggi ang premyadong aktres.
Pagkatapos niyang mag-FPJ’s Batang Quiapo, gusto raw muna niyang magbiyahe nang magbiyahe.
Itong huling biyahe niya sa Barcelona, Spain, ang na-enjoy niya dahil sinamahan niya ang kanyang apong si Tori na member ng Woodrose Chorale.
Nag-compete ang Woodrose Chorale sa Golden Voices of Montserrat sa Costa Brava, Spain.
Read: Choral group na kinabibilangan ng apo ni Lorna, wagi sa Spain
“Nag-enjoy ako, kasi yung group parang ang saya na meron na silang schedule, e,” pakli ni Lorna nang naka-lunch namin kamakailan pagbalik niya galing Spain.
“Like, pagpunta sa ibang church, sa Familia Sagrada, may itinerary na schedule every day. So, natutuwa ako, sama-sama lang ako.”
LORNA GIVES ALL-OUT SUPPORT FOR GRANDDAUGHTER
Nagpahayag si Lorna ng all-out na suporta sa hilig sa pagkanta ng kanyang apo.
Sabi pa ni Lorna, sa ngayon ay pahinga muna si Tori dahil mas gusto raw muna nitong mag-focus sa pag-aaral.
Lahad niya: “Ngayon yata nahihirapan na ang ibang students kasi kailangan nilang mag-practice tapos nag-aaral sila.
“So, ang iba nilang lead na singer dun, medyo time out muna sila. Kasi meron yatang gagawin dito sa Palawan… tayo naman ang nag-invite, ang Philippines naman ang nag-invite na sa Palawan naman… chorale din.
“Pero ayaw na nila mag-commit dun, kasi naaapektuhan na yung school nila, yung grades nila, sa kapa-practice practice, ganun. Parang athlete lang, no?
“Naapektuhan yung ano, so time out daw muna.”
Si Tori ay nakakontrata sa Star Magic, pero mas priority raw muna nito ang pag-aaral. Yun daw ang napag-usapan na tapusin muna ni Tori ang pag-aaral.
Read: Lorna Tolentino, bakit inabot ng 17 years bago bumalik sa USA?

NOEL FERRER
Nilinaw muli ni Lorna na ang galing sa pagkanta ng apo niyang si Tori ay namana sa kanilang pamilya.
Nakikita naman daw ito sa pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla.
“Kay Zsa Zsa Padilla talaga yan, 'no! Kay Zsa Zsa Perez Padilla… Perez talaga,” sabi pa ni Lorna.
ZSA ZSA'S REACTION
Sa media conference ni Zsa Zsa para sa nalalapit niyang concert na Through The Years, na gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati City sa Mayo 17, Sabado, hiningan siya ng reaksiyon sa sinabi ni Lorna.
Ayon kay Zsa Zsa, nakakatuwa na meron talagang kumakanta sa susunod na henerasyon ng kanilang pamilya.
“Nakakatuwa na palaging may lumalabas na singer o gustong mag-artista,” pakli ng Divine Diva.
“I heard her sing, kasi napo-post ng kanyang dad sa Facebook. So, napapanood ko rin yung mga performances niya.
“Parang pinapanood niya si Karylle kapag may play. Ang hilig niya sa mga play, ganyan.
“Nakakatuwa, and feeling ko marami pang lalabas.”
Si Karylle ang panganay na anak ni Zsa Zsa.
Read: Lorna Tolentino, inalala ang huling pagbisita kay Gloria Romero
JERRY OLEA
Si Lorna naman ay gusto pa munang magbiyahe nang magbiyahe.
Pumapayat daw siya kapag nasa ibang bansa siya dahil nakakapaglakad daw siya nang husto.
Saka na raw muna mag-soap dahil magandang pang-recharge itong pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa.
Dapat ay kasama si Lorna sa pagpunta ni Sylvia Sanchez sa Cannes International Film Festival, kaya lang hindi siya nakakuha agad ng visa na umaabot na pala ng tatlong buwan.
Pagbalik daw ni Sylvia ay sisimulan na ang pelikulang pagsasamahan nila.
“Naka-commit na ako kay Sylvia ng June and July. Dapat itong kay Adolf, May dapat mag-start,” sambit ni Lorna.
Read: Lorna Tolentino reveals name of fellow actress who scolded her before
LORNA'S SUPPOSED MOVIE WITH NORA
Tinanggap din ni Lorna ang movie offer ni Direk Adolf Alix Jr. na dapat ay pagsasamahan nila ni Nora Aunor.
“Sabi naman ni Direk, pag may schedule na, anuhin na niya sa akin. Hindi pa naman nabigay, kasi nga itong nangyari kay Ate Guy.
"Maganda ang istorya. Bago. Kakaiba for me,” nakangiti niyang pahayag.
View this post on Instagram
Nakakalungkot lang daw dahil dapat ay magsasama sila uli ni Ate Guy sa isang pelikula.
Tampok sila noon sa Mga Uod at Rosas (1982), pero hindi sila nakunan na magkasama sa isang eksena.

“Ngayon talaga dapat magkaeksena kami. Doon dati sa Uod at Rosas, magkaeksena kami sa isang eksena. Pero hindi kami magkasama.
“Nagkasama kami sa TV5, thirteen episodes yun after Glamorosa, e. Kasama si Eddie Garcia, hindi ko na maalala e,” dagdag ni Lorna.
Ang tinutukoy ni LT ay ang horror series na Third Eye, na pinagbidahan ni Eula Caballero, at umere noong Hulyo-Oktubre 2012 sa TV5.
Kasama rin sa series na iyon sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, at Jenny Miller.
Read: Lorna Tolentino, tikom pa rin ang bibig tungkol kay Lito Lapid
