GORGY RULA
Sobrang emotional si Sharon Cuneta nang humarap sila ng mister niyang si Kiko Pangilinan sa ilang showbiz reporters sa media conference na in-organize ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde.
Ginanap ito sa Valencia Events Place noong Lunes, Mayo 5, 2025.
Ipinagpatuloy nina Roselle at Keith ang tradisyon ng namayapang Regal matriarch na si Lily Monteverde na mag-sponsor ng presscon para sa mga sinusuportahan niyang kandidato tuwing eleksyon.
Ibinigay ng mag-ina ang kanilang suporta sa senatoriable na si Kiko Pangilinan.
Lumuluhang nagpasalamat si Sharon kina Roselle at Keith.
Read: Sharon Cuneta calls visit to MILF’s Camp Darapanan "one of the highlights of my life"

SHARON MISSES MOTHER LILY
Ang isa pa raw sa dahilan ng pag-iyak ni Sharon ay ang pagka-miss niya kay Mother Lily.
Sabi ng Megastar: “Yung sobrang nami-miss namin si Mother Lily. Sabi ko nga, sana napayaman ko pa lalo si Mother ng mga pelikula ko nung araw.
“Tapos ngayon si Roselle, si Keith… parang, lagi na lang ang Monteverde yung nagpapakita ng pagmamahal.
“Hindi yung pag masasayang panahon, nandiyan sila. Pero pag kailangan mo sila, nandiyan sila.
"So, ganun siguro inaasahan ko yun sana sa matagal ko nang…” lumuluha pa ring pahayag ni Sharon.
Sa loob ng mahabang showbiz career ni Sharon ay isang pelikula pa lamang ang nagagawa niya sa bakuran ng Regal, ang Mano Po 6: A Mother's Love (2009).
Hindi na itinuloy ni Sharon ang sinabi niya.
Sinundan namin ng tanong ang mag-asawang Kiko at Sharon kung ang Regal lang ba ang nagbigay ng tulong sa kanila.
Meron din kayang tulong na ibinigay ang ibang kaibigan nila sa showbiz, specifically ang Viva na dating mother studio ng Megastar?
“Meron. Meron,” mabilis na sagot ni Kiko.
“Meron naman,” sabi rin ni Sharon.
Sa tono ng sagot ng mag-asawa, may tampo ba sila sa ibang inaasahan nilang tutulong sa kandidatura ni Kiko?
“Hindi naman. Tumulong din naman,” kaswal na sagot ni Sharon.
Read: 2025 Elections: Kiko, Beaver, Dennis sasabak na sa kampanya
ISA CALZADO AND PHI RAMOS
Nagbigay rin ng suporta sina Iza Calzado at Phi Palmos na parehong dumating sa media conference para kay Kiko.
Lumuluha ring nagpasalamat si Sharon sa kanila.

“Sa lahat na mga kasamahan ko sa showbiz, mga kapwa-artista ko, mga mang-aawit. My heart is overflowing with gratitude. Thank you for your faith in Kiko.
“Wala na akong masabi kundi sa mga kaibigan ko sa press, dito sa show business sa industriya nating mahal.
“Karamihan sa inyo talaga, familiar faces. You’ve been helping me forever, now it’s my husband. Maraming salamat sa inyo. Talagang pamilya tayo.
“Simula pa nung pagkabata ko, hanggang ngayon sa asawa ko, saka para naman sa bayan, di ba? Maraming salamat for this opportunity,” sabi pa ni Sharon.
Read: Showbiz personalities na kumakandidatong senador, may advantage
NOEL FERRER
Ikinalulungkot ng mag-asawang Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang mga kumakalat na fake news at edited memes na gustong gawing katatawanan si Kiko.
“Kaloka! Natatawa kami,” bulalas ni Sharon.
“Alam kasi namin yung mga ini-edit yun, e. Hindi pinapakita yung buo. Hindi naman ito bobo obviously.”
Sabi naman ni Kiko: “Hindi ko pa nakukuwento sa yo, may mga lumalapit sa amin, natutuwa.
"Gusto nilang ulitin, kaming dalawa. ‘Isama niyo si ano, ha? Puwede ba nating ano…’ Yung mga lumalapit sa akin, gustong magpakuha na ganun ang gagawin.
“Wow! 'Senator, puwede ba yung…' in other words, wala naman kasing isyung masama. So, okay lang sa akin.”
REHASHED ISSUES AGAINST KIKO
Lagi na lang daw inuulit-ulit ang mga tsismis na ibinabato kay Kiko, pero hindi naman kayang maglabas ng pruweba ng mga ito.
Sabi ni Sharon: “Wala na nga silang masabi, kasi nag-offer na nga kami ng ilang milyon dun sa makapagpruweba sa akin na may chicks siya, e, di ba?
“Meron pa ngang may anak pa. Sana… kawawa naman yung bata, paaralin natin. Pero wala siya ngayon, mga memes na, hindi kumpleto.”
Sambot ni Kiko: “Rehashed. Paulit-ulit na tuwing eleksyon lumalabas.
"Talagang may mga nakikita mong hidden agenda na nais kaming siraan, because they know, my family is one of my biggest… how do you call it?
“My love for my family is one of my biggest assets, plus the voters… yung mga kababayan, makapamilya, e.
"So, para siraan ako, gusto nilang sirain yung pamilya.
“Talagang nakakalungkot. May mga taong napakadesperado, gagawin yun para siraan.”
Pero iba na raw nga ngayon, sabi ng mag-asawang Kiko at Sharon.
Sa gitna ng pag-dominate ng social media, ang fake news daw talaga ang matinding kalaban nila.
“Oo ngayon, iba na talaga!” bulalas ni Sharon.
Pagsang-ayon ni Kiko: “Yes! And that’s why yung ating mga mainstream media, yung mga legitimate media outlets, should fight back.
"Let’s take back our media’s face and make it… di ba? About the goodness na lang."
Read: Vic Sotto, tinawag na "susunod na Presidente" ang anak na si Vico
JERRY OLEA
Nakausap din ng PEP Troika si Iza Calzado sa media conference ng Regal para kay Kiko.
Sa pananaw niya, sinu-sino ang mga tamang kandidato ang dapat nating iboto?
Tugon ng aktres: “Sa ating mga kapwa Pilipino, pagdating po sa pagpili ng tamang kandidato para mamuno sa ating bayan, kung meron na siyang previous experience, sana ay maganda ang track record, sana ay klaro ang plataporma.
“Kung wala mang political experience, makikita niyo naman sa body of work niya.
“So, these are the people that we need, who really know the law, who really know the people.
"Kasi, we’re electing Senate, Congress, Mayor, iba-iba po kasi ng pangangailangan yun.
“At sana, really has the heart to serve the Filipino people.”
ON SHOWBIZ PERSONALITIES WHO RUN FOR PUBLIC OFFICE
Hiningan din reaksiyon si Iza sa ilang mga kasamahan sa entertainment industry na tumatakbo, pero kinukuwestiyon ang kanilang kakayahang magsilbi at gumawa ng batas.
“I love everybody, and I pray for all of my loved ones,” napangiting sabi ng premyadong aktres.
“Mahirap pasukin ang pulitika. Whenever I know somebody… now Senator Kiko, kahapon si Sen. Bam [Aquino], lahat ng mga kaibigan ko, nasa pulitika.
“It’s a tough life, it’s a tough job. It’s such a great responsibility.
"So when somebody is entering politics, ang sinasabi ko, ‘Are you sure?’
“If you are and your heart is there, then I will just pray for you. And that’s the best they can do.
“And of course, I will pray for your constituents… I pray for the nation.
“Siyempre, everything now is considered through the lens of my child.
“Kaya ang iniisip ko lagi, kung ano ang mas magiging maganda yung bayan, yung Pilipinas, para paglaki ng anak ko, mas maganda yung Pilipinas at yung ma-experience niya.
“Yun lagi yung iniisip. So, I really wish our country the best.”
Read: Kalaban ni Vilma, sinita ng Comelec dahil sa pang-iinsulto sa aktres
Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.
