GORGY RULA
Hindi pa man natatapos ang Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka sa Lupa, kasado na ang ipapalit sa timeslot nito sa TV5 na 7:15 ng gabi.
Ito ang Totoy Bato na obra pa rin ng namayapang nobelista, producer, at direktor na si Carlo J. Caparas.
Si Kiko Estrada pa rin ang bida.
Read: Kiko Estrada, bibida bilang Totoy Bato; naalala si Paquito Diaz
Nagpapasalamat si Kiko sa TV5, sa Viva, sa direktor niyang si Direk Albert Langitan at sa buong team ng dalawang serye.
“This is a collaborative effort,” pakli ni Kiko sa media conference ng Totoy Bato nitong Lunes, April 28, 2025, sa Studio 6 ng TV5, Reliance St., Mandaluyong City.
“This is not me. Hindi lang po ako ito. Lahat po na nandito, ang motto namin is to do simple things extraordinarily well.
“That’s Lumuhod Ka Sa Lupa. At Totoy Bato, ito po ang unang project na kadikit ang Lolo Paquito [Diaz] ko na gagawin ko.
“I can’t wait for you to watch. Maraming salamat sa inyong lahat. Thank you.”
KIKO'S LOLO PAQUITO
Kasali ang lolo ni Kiko na si Paquito Diaz sa mga pelikulang Totoy Bato (1977) at Durugin si Totoy Bato (1979) na pinagbidahan ng namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Lumaki si Kiko sa lolo at lola niya, ang magulang ng ina niyang si Cheska Diaz.

Malaki raw ang impluwensiya ng Lolo Paquito niya kaya naging artista si Kiko.
“Hindi ako aarte kung hindi sa lolo ko. So, wala ako dito kung wala siya,” sambit ni Kiko.
Sabi pa ni Kiko, mas close pa siya sa lola niyang si Josefa Gutierrez-Diaz na nung nabubuhay pa raw ito ay talagang pinapanood ang lahat ng ginagawa niya.
“Sobra! Siya lang naman ang nanonood ng mga ginagawa ko, e.
“Siguro si Lolo Paquito yung nagiging jumpstart ko, kasi siyempre yung sinabi niya… kasi siyempre yung sa lolo ko nun.
“Lola always watched my show. Sinasabi niya, ‘Okay ka dun, boy. Medyo pagod ka dun, boy.’
“I love her so much. This is for her,” madamdamin niyang pahayag.
Magsisimula na ang Totoy Bato sa TV5 bago ang FPJ’s Batang Quiapo sa Mayo 5, Lunes.
Read: Kiko Estrada, bibida bilang Totoy Bato; naalala si Paquito Diaz
JERRY OLEA
Ang laking challenge nito kay Kiko Estrada dahil magkasunod itong mga teleserye na siya ang bida.
Pati sa taping ng pagtatapos ng Lumuhod Ka Sa Lupa ay nag-overlap sa simula ng taping ng Totoy Bato.
Saad ni Kiko: “Kailangan galingan n'yong lahat. It’s a team effort.
"My team is the best. They helped me through the transition, dun sa overlap.
“Kampante ako, at sobrang sigurado ako dahil sa team na meron ako.
“Nag-overlap po kasi ang taping namin sa Totoy Bato, tapos nag-taping pa kami ng Lumuhod, tapos bumalik po ako sa Totoy.
“You know, you take the wins, you take the losses, and kailangan mong i-appreciate yung journey.
“Kung yun yung journey ko sa Totoy Bato, then thank you. It’s the challenge that I accept,” sabi ni Kiko.
“Gusto ko lang sana… eto na ang pagkakataon, e. Ito na yung ibinigay sa akin na biyaya ng Diyos. So, I have to do my best.
"At sana, maramdaman nila yung espiritu ni FPJ, to be honest.
“Yun yung goal ko ngayon to be honest. Sobrang focused ko dito sa obra ni Carlo J. na 'to.
"Gaya ng sinabi ko, kadikit po ng pamilya ko ito,” salaysay pa ni Kiko.
Bigatin ang major support ni Kiko sa Totoy Bato — sina Eula Valdes, Diego Loyzaga, Bea Binene, Cindy Miranda, Art Acuña, Mark Anthony Fernandez, Nonie Buencamino, at Mon Confiado.
May special participation sina Joko Diaz, Katya Santos, Kean Cipriano, at Ms. Jackie Lou Blanco.
Nasa cast din sina Andrew Muhlach, Billy Villeta, Ivan Padilla, Lester Llansang, Benz Sangalang, Gold Aceron, at CJ Caparas.
Introducing dito sina Lawrence dela Cruz, Benedict Lao, Natania Guerrero, Jeremiah Cruz, Dwayne Bialoglovski, at Stanley Abuloc.
Directed by Albert S. Langitan, with Zyro Radoc and Ambo Gonzales, Totoy Bato is produced by MavenPro and Sari Sari Network Inc., under the production of Studio Viva.

NOEL FERRER
Inamin ni Kiko Estrada na mas close siya sa side ng kanyang ina.
Mas kumpleto raw sana kung kasama ang papa niyang si Gary Estrada sa Totoy Bato, dahil inalok din pala na makasama ito sa teleserye.
“Actually, funny fact, dapat kasama si Papa dito. Sayang,” bulalas ni Kiko.
Sa pagkakaalam daw niya ay talagang kasali na at pumayag na nga raw sa talent fee ang kanyang ama. Pero hindi na raw niya alam bakit hindi ito natuloy.
Dahil sa contractual obligation ni Gary sa ibang TV network?
“I don’t know. I really don’t know… I wish him well. Sana, sana, nagsama kami,” tila may tampong saad ni Kiko.
“Pero I guess, God said that this is not destiny yet. Kasi feeling ko talaga, tinadhana akong gampanan itong role na ito.”
Read: Kiko Estrada, di kasama ang ama sa Totoy Bato remake
KIKO ON LIVING WITH HIS FATHER
Tumira rin siya noon sa farm ni Gary, di ba?
Tumango si Kiko, “Yeah, but when is that? Parang… parang sinabi mo na 31 years ng buhay mo, lumaki sa nanay mo.
“Tapos every two months that you stayed there, how do you compare that kung… I mean, di ba?
“Pero siyempre, I love my dad. I love him, I wish him the best.
"Pero sana, sana, kasama siya dito. Pero I guess he chose a different option.”
May communication ba sila ni Gary?
“Akala ko, kasama siya dito. Yung huling sinabi sa akin, tinanggap niya. Tapos hindi na pala,” sabi pa ni Kiko.
Baka hindi nagkasundo sa budget?
“I doubt dahil I heard they gave him the price.”
Baka may special participation si Gary later on sa Totoy Bato?
“Nah. I guess, hindi na rin puwede, di ba? Kasi, kaya niya… yun yung sinabi… I wish him the best.”
KIKO'S PREFERRED SCREEN NAME
Ini-reveal din ni Kiko na mas gusto sana niyang gamiting screen name noon ay Kiko Diaz-Estrada.
Aniya, “I fought for Kiko Diaz-Estrada, to be honest. Actually, gusto ko, yung pangalan ko, Kiko lang. None of the last names.
“Actually they told me to take out the Diaz because it’s too much. Kasi parang you’re bragging.
“Pero sa akin, di ba, heritage yon? So I just followed my manager before. So, I respect where I came from. And I’m very proud of where I came from.”
Gusto niya talaga, may Diaz sana?
“It doesn’t matter. Mas OK nga na Kiko lang, e. To be honest, I wanted Kiko ever since the start,” sey ni Kiko.
“But of course, you know, you have to pave your way in the industry, and I’m really proud of where I came from.
“I can’t wait for papa to watch this. Tell him to watch.”
Read: Gary Estrada signs with Sparkle; wants to be leading man again
