PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kobe Paras at Kyline Alcantara, 1st week ng April pa naghiwalay

Benjie Paras: “Silang dalawa dapat ang mag-usap at mag-ayos ng problema nila."
by PEP Troika
Published Apr 23, 2025
Kyline Alcantara and Kobe Paras called it quits around first week of April, according to PEP Troika source.
Kobe Paras at Kyline Alcantara, naghiwalay matapos ang magkakasunod na matinding alitan, ayon sa source ng PEP Troika. Benjie Paras, ayaw nang makialam sa isyu ng couple.
PHOTO/S: Kobe Paras Instagram

JERRY OLEA:

First week ng April naghiwalay sina Kobe Paras at Kyline Alcantara.

Read: Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?

Ayon ito sa ilang napagtanungan ng PEP Troika na may konek sa dalawa.

Sinasabing nagkaroon ng matinding away ang couple noong una, pero nagkaayos din.

Pero pagkalipas ng ilang araw lang ay nag-away uli sila, hanggang sa tinapos na nila ang kanilang relasyon.

Hindi idinetalye ng aming source kung sino ang unang nakipag-break.

Did Kyline Alcantara, Kobe Paras break up?
Kyline Alcantara and Kobe Paras in their U.S. vacation, January 2025
Photo/s: Kapuso PR Girl on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KOBE PARAS AT KYLINE ALCANTARA, PINAGBAWALAN MAGSALITA

Ang utos umano sa couple ay huwag munang ipaalam sa publiko ang break-up dahil may endorsements pa silang magkasama.

Noon ay napansing nagtanggal ng pictures si Kobe na magkasama sila, pero iniwan ang pictures nilang may kaugnayan sa kanilang brand endorsement.

Utos kaya ito ng Sparkle, ang talent management company na nagha-handle kay Kyline?

Pero marami ang nakapansing si Kyline pa ang unang nag-unfollow kay Kobe, na sinundan naman ng huli.

Read: Kyline Alcantara unfollows Kobe Paras on Instagram

PAMILYA NINA KOBE PARAS AT KYLINE ALCANTARA, MAY REAKSIYON

Meron pang ilang posts ang pamilya ni Kyline na, duda ng karamihan, ay patama kay Kobe.

Sabi ng aming source, naunang mag-post ng kampo ni Kyline kaya kumalat ang usapin ng breakup.

Paano ito maaayos kung meron pa silang commitment sa brand na ineendorso nila?

ALLEGED THIRD PARTY LINKED TO KOBE PARAS

Sa kabilang banda, may alingasngas na third party sa panig ni Kobe ang dahilan ng breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang kumakalat na Facebook post, may netizen na nakasaksi raw sa tatlong babaeng lumapit kay Kobe sa isang bar opening noong mid-February.

Nangyari raw iyon bago dumating si Kyline sa bar.

Sinasabing binigay ni Kobe ang cellphone niya sa non-showbiz girl, at doon nagsimula ang pag-follow nila sa isa't isa sa Instagram.

Diumano, nalaman ni Kyline na nagpapalitan ng mensahe si Kobe at ang non-showbiz girl.

Nag-react dito ang non-showbiz girl. Pinabulaanan nito ang aniya'y pag-uugnay sa kanya kay Kobe.

Happily married daw for two years na ang non-showbiz girl na iyon.

Read: Kobe Paras unfollows Kyline Alcantara on Instagram

GORGY RULA:

Sinubukan kong kausapin ang dad ni Kobe na si Benjie Paras, dahil siya naman ang sumasagot tuwing may tanong ako tungkol sa mga anak.

Noong April 11, tinanong ko si Benjie tungkol kina Kobe at Kyline. Sagot niya noon, okay ang dalawa at kamakailan ay nagkainuman pa raw sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sa isyu ngayon nina Kobe at Kyline, ayaw nang magkomento ni Benjie.

Hindi na raw niya inalam kung talagang break na ang dalawa at kung ano ang problema.

Nang tinawagan ko si Benjie noong Martes, April 22, 2025, sabi ng ama ni Kobe:

“Hindi na rin naman ako nagtatanong na. Buhay na ng anak ko yun, e.

“Matanda na siya, saka hindi naman siya nakatira na sa akin. May sarili na siyang buhay. Hindi na ako nakialam.

“Silang dalawa dapat ang mag-usap at mag-ayos ng problema nila,” pakli ni Benjie.

Sa isyu ng break-up, madalas na dehado ang lalaki.

Lalo na itong si Kobe, kung anu-anong isyu ang ibinabato sa kanya ng netizens.

May malisya pang inilabas ng isang content creator ang kuha kay Kobe sa isang party sa Bali, Indonesia.

Maaaring break na noon ang dalawa nang tumungong Indonesia si Kobe.

Ang sabi lang ni Benjie, ang pagkakaalam niya ay dumalo roon ang anak para sa birthday party ng isang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Andre Paras, ang babaeng kasama ni Kobe sa kumalat na pictures ay girlfriend ng kaibigan ni Kobe.

Nandoon din daw sa video na iyun ang boyfriend ng babae.

Sabi ng isa pang pinagtanungan namin, ayaw magsalita ni Kobe dahil hindi maganda sa isang lalaki ang magsalita tungkol sa problema nito sa isang babae.

Tiyak na meron daw puwedeng ibahagi si Kobe, pero pinipili nitong manahimik na lang.

Read: Andre Paras defends brother Kobe against netizen

NOEL FERRER:

Very telling din ang post ni Kobe sa IG na halaw sa kanta ni Tony Lanez na "Wish I Never Met You."

Pati si Jackie Forster, na nanay ni Kobe, ay may nakakaintrigang post sa IG.

Sabi rito: "when someone realizes they can no longer manipulate you, they rewrite the story to protect themselves. Because telling the truth would require them to face the harm they caused and to sit with everything they’ve been avoiding within themselves."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Jackie Forster's IG Stories her reaction to rumored Kobe-Kyline breakup?

Same kaya ang views nina Jackie Forster at Carmina Villarroel? Si Carmina ay ina ni Mavy Legaspi, na naging boyfriend ni Kyline bago ito na-link kay Kobe.

At si Kyline, bakit siya mas nakikilala sa pagkakaroon ng boyfriend kaysa sa kahusayan sa pagiging aktres? Ano kaya ang masasabi ng mga fans ni Kyline—ang Sunflowers—dito?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kobe Paras at Kyline Alcantara, naghiwalay matapos ang magkakasunod na matinding alitan, ayon sa source ng PEP Troika. Benjie Paras, ayaw nang makialam sa isyu ng couple.
PHOTO/S: Kobe Paras Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results