PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Lamangan, may blooper sa tribute niya para kay Nora Aunor

Joel Lamangan: “Dyusko, nagkamali ako!"
by PEP Troika
Published Apr 23, 2025
Director Joel Lamangan reacts to his blooper during his tribute speech at Nora Aunor's state necrological service at the MET.
Direk Joel Lamangan (main photo and inset) on blooper at Nora Aunor's state necrological service: "E, kasi first time kong maka-attend sa ganyan at natakot ako sa dami ng mga taong espesyal, nasa harapan! Dyusko! Natakot ako. Nasabi ko tuloy, ‘Magandang gabi po.’ Mali pala." Seen with Direk Joel are National Artist Ricky Lee (center) and Charo Santos-Concio (right).
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Nagbalik-tanaw sina National Artist Ricky Lee, Direk Joel Lamangan, at Charo Santos-Concio sa Pagpupugay ng Bayan para kay National Artist Nora Aunor.

Ginanap ang state necrological service noong Abril 22, 2025, Martes ng umaga, sa Tanghalang Metropolitan ng Maynila.

Ang speech ni Sir Ricky ay humigit-kumulang pitong minuto. Kay Ma’am Charo, humigit-kumulang labing-isang minuto. Kay Direk Joel, humigit-kumulang dalawampu’t dalawang minuto.

Read: FULL TRANSCRIPT Ricky Lee tribute to Nora Aunor

Pagsamahin man ang speeches nina Sir Ricky at Ma’am Charo, mas mahaba pa rin ang hanash at kuda ni Direk Joel.

Read: Joel Lamangan on Nora Aunor’s imperfections, brilliance as actor

May “kodigo” sina Sir Ricky at Ma’am Charo. Si Direk Joel, spontaneous.

Read: FULL TRANSCRIPT Charo Santos-Concio pays tribute to Nora Aunor

Umakyat din sa entablado at nagsalita sa necrological service sina Kaye C. Tinga at Ma. Carissa O. Coscolluela ng Cultural Center of the Philippines.

Maging sina Victorino Mapa Manalo at Dr. Eric B. Zerrudo ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay may tribute din kay Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod-tanging si Direk Joel ang nag-bow sa kabaong ni Nora pagkaakyat sa entablado, at bago magsalita.

“Deserved niya yon!” bulalas ni Direk Joel nang makausap ng PEP Troika matapos ang programa.

“Siyempre naman, alangan namang isnabin ko, nasa harap ko ang kabaong. Di ba, hagdan-hagdan, tapos kabaong?

“Dapat i-acknowledge ko na nandun ako sa harapan niya. At deserving naman siya na mag-bow ako…

“Ewan ko, na-bow ako, e.”

Ang nakakaloka pa sa pagbabalik-tanaw ni Direk Joel, pinasimula niya iyon sa pagbati ng, “Magandang gabi po sa inyong lahat!”

9:46 A.M. nang magsimulang mag-speech si Direk Joel.

Pagbalik niya sa upuan, tinanong daw siya ng katabing si Ma’am Charo, “Bakit ka nag-‘Magandang gabi’?”

Ricky Lee, Ramon Santos, Ryan Cayabyab, at ibang National Artists, nag-alay ng bulaklak para kay Nora Aunor sa state necrological service para sa yumaong legendary actress.
Ricky Lee, Ramon Santos, Ryan Cayabyab, at ibang National Artists, nag-alay ng bulaklak para kay Nora Aunor sa state necrological service para sa yumaong legendary actress.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Highlights: Nora Aunor's state necrological service

JERRY OLEA:

Bakit may kahapon pa? Bakit may pag-ibig pa? Bakit bughaw ang langit?

At bakit nga ba nag-“Magandang gabi” si Direk Joel Lamangan sa umpisa ng parangal niya kay Ate Guy kahapon sa MET, gayong 9:46 A.M. nang mga sandaling iyon?

“Dyusko, nagkamali ako! Kalagitnaan na ng pagsasalita ko nang ma-realize ko na umaga pa pala!” lahad ni Direk Joel sa PEP Troika.

Dagdag niya, “Hindi ko na alam kung saan ko isisingit yung correction.”

Ano ang naramdaman niya habang ginaganap ang Parangal ng Bayan para sa nag-iisang Superstar?

Napabuntong-hininga si Direk Joel, “Nabagabag ang loob ko. This is my first time to see a National Artist na binibigyang-parangal. Ganun pala.

“Nabagabag ang loob ko. Kaming dalawa ni Charo, magkatabi. Nabagabag ang loob namin.

“Natakot kaming pumanhik sa stage! Natakot ako, Dyusko! Akala ko tuloy, gabi na!

“Mali ang sinabi ko. Kinabahan ako. Parang gabi na ang tingin ko. Nagkamali ako, hindi ko na nga nakorek, Dyusko!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Muntik na siyang maluha matapos ang more than 20 minutes na pagpupugay kay Ate Guy, huh?

“Naalala ko si Nora. Naalala ko yung pinagdaanan namin," pagmamatwid ni Direk Joel.

Dagdag niya, "Masalimuot ang buhay niya pero kaya niya, kaya yun nga, napapaiyak ako. At nagtagumpay siya!"

Maraming fans ang tumatawag na “Roda” kay Direk Joel sa MET.

Si Roda ang karakter niya sa top-rating prime-time series na FPJ’s Batang Quiapo.

"Andami, nagro-Roda-Roda! Sabi ko, ‘Psst! Huwag dito! Huwag.’ Si Tindeng, tinatawag din nila, si Charo!” bulalalas ni Direk Joel.

"‘Pssstt! Hoy! Huwag, huwag!’ sabi kong ganyan."

Read: Program flow ng necrological service para kay Nora Aunor

NOEL FERRER:

Bakit natakot si Direk Joel Lamangan sa Pagpupugay ng Bayan kay National Artist Nora Aunor?

“E, kasi first time kong maka-attend sa ganyan at natakot ako sa dami ng mga taong espesyal, nasa harapan!” bulalas ni Direk Joel.

Andiyan ang limang anak ni Ate Guy na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na National Artists ang sunud-sunod na nag-alay ng bulaklak kay Ate Guy habang tinutugtog ng Philippine Philharmonic Orchestra ang Cavatina Op. 7 ni National Artist Nicanor S. Abelardo.

Ang tagakumpas ay si Herminigildo G. Ranera.

Pagpapatuloy ni Direk Joel, “Dyusko! Natakot ako. Nasabi ko tuloy, ‘Magandang gabi po.’ Mali pala.

"Hindi ko man lang nakorek in the middle of my speech."

Nakikita niya ang reaksyon ng mga anak ni Ate Guy?

"Oo, oo. Natutuwa ako sa kanila," sagot ni Direk Joel.

Nagandahan si Direk Joel sa necrological service.

Aniya, "Maganda ang sinabi nilang lahat. Maganda yung sinabi ni Ian."

Hindi na nagtungo si Direk Joel sa state funeral sa Libingan ng mga Bayani.

Eksaktong 3:00 P.M. kasi the same day ang call time para sa celebrity premiere ng pelikula niyang Fatherland, na showing sa local cinemas umpisa Black Saturday, April 19.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan (main photo and inset) on blooper at Nora Aunor's state necrological service: "E, kasi first time kong maka-attend sa ganyan at natakot ako sa dami ng mga taong espesyal, nasa harapan! Dyusko! Natakot ako. Nasabi ko tuloy, ‘Magandang gabi po.’ Mali pala." Seen with Direk Joel are National Artist Ricky Lee (center) and Charo Santos-Concio (right).
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results