PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aicelle Santos: End of an era ang pagpanaw ni Nora Aunor

Aicelle Santos, kumanta ng "Walang Himala" sa state necrological service para kay Nora.
by PEP Troika
Published Apr 23, 2025
Nora Aunor, Aicelle Santos
Singer Aicelle Santos (main photo) on performing at the necrological service for Nora Aunor (inset): "Ito’y parangal sa lahat ng nagawa niya."
PHOTO/S: Cultural Center of the Philippines on Facebook

NOEL FERRER:

Tatlo ang awit sa Pagpupugay ng Bayan (necrological service) kay National Artist Nora Aunor noong Abril 22, 2025, Martes ng umaga, sa Tanghalang Metropolitan ng Maynila (MET).

Una, “Walang Himala” ni Aicelle Santos at ng Philippine Madrigal Singers.

Aicelle Santos performs at state necrological service for Nora Aunor at the MET.
Aicelle Santos performs at state necrological service for Nora Aunor at the MET.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikalawa, “Handog” ng Philippine Madrigal Singers.

At ikatlo, “Superstar ng Buhay Ko” nina Jed Madela at Angeline Quinto.

Inawit ni Aicelle bilang Elsa ang “Walang Himala” sa stage play na Himala Isang Musical noong 2019, maging sa rock-musical film na Isang Himala na kalahok sa 50th MMFF noong December 2024.

Ano ang halaga ng pagpunta ni Aicelle sa Pagpupugay ng Bayan sa nag-iisang Superstar?

“Ahhmm, una sa lahat, makapagbigay ng huling paalam,” sabi ng singer nang makausap ng PEP Troika matapos ang programa sa MET.

Huling paalam daw ang kanyang performance para sa "idolo" at sa "inspirasyong" ibinigay ni Nora "sa aming mga artista."

Pagpapatuloy ni Aicelle: "Mahirap awitin kanina. Kagabi, iniisip ko pa lang, paano ko siya aawitin nang hindi ka magbe-break?

“Pero ito’y parangal sa lahat ng nagawa niya. Sabi ko kanina, while papaalis na si Superstar, sabi ko, ‘It’s the end of an era.’”

Read: Nora Aunor’s legacy: a Superstar onstage and onscreen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA:

Ibang klaseng pagpe-perform iyon ng "Walang Himala." The first and only of its kind, hindi na mauulit.

Tumango si Aicelle, “Ang hirap! Sabi ko talaga, ‘Paano mo siya gagawin?! It’s different. Nandiyan siya sa tabi mo, di ba?’”

Ano ang sasabihin niya sa kanyang henerasyon tungkol kay Ate Guy?

“Sabi ko, I’ve been trying to compose something to post on social media,” tugon ni Aicelle.

“I haven’t posted anything. Pero sabi ko talaga — matayog siya, maningning. Pero napakababa ng loob.

“And yung few times na I met her, ganun siya. Yung presensya niya, yayakapin ka niya agad.

“Sino ba naman ako? Sino ba naman kaming maliliit na artista?

“Pero hindi. Niyayakap niya kaming lahat. That’s how she is, now hearing all the eulogies. Yun talaga siya.”

Read: Richard Merk, humingi ng tawad sa mga labi ni Nora Aunor

GORGY RULA:

Sana, makilala at maalala pa ng bagong generation ang nag-iisang Superstar ng local showbiz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Definitely, definitely. There’s no one like her. And yun nga, siya ang nagdala sa atin sa mapa sa mundo,” sambit ni Aicelle.

“So, siya ang peg. Ang peg talaga! Ha! Ha! Ha!”

Sa pagpanaw ni Pilita Corrales ay paulit-ulit na pinatugtog ang signature song niyang "A Million Thanks to You."

Para kay Ate Guy, ang paulit-ulit namang pinatugtog ay "Handog" at "Superstar ng Buhay Ko."

Magbalae sina Pilita at Nora. Naging mag-asawa noon ang anak ni Pilita na si Ramon Christopher, aka Monching Gutierrez, at ang anak ni Nora na si Lotlot de Leon.

Apat ang anak nina Monching at Lotlot: sina Janine, Diego, Jessica, at Maxine.

Naihimlay na ang mga labi ni Ate Guy sa Libingan ng Mga Bayani matapos ang necrological service sa MET.

Ang cremains (cremated remains) ni Tita Pilita ay nasa bahay pa nina Jackie Lou Blanco. May inaayos pa bago ilagak ang abo ni Tita Pilita sa Himlayang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Aicelle Santos (main photo) on performing at the necrological service for Nora Aunor (inset): "Ito’y parangal sa lahat ng nagawa niya."
PHOTO/S: Cultural Center of the Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results