GORGY RULA:
Naungkat na naman ang isyu ni Ivana Alawi tungkol sa pagkalas niya sa LVNA by Drake Dustin, dahil sa inilabas na statement ng legal counsel ni Rabiya Mateo na hindi na ito endorser sa jewelry brand ni Drake Dustin Ibay.
Nilinaw ng lawyer ni Rabiya na hindi siya shareholder o part-owner ng jewelry brand. Investor lamang daw si Rabiya sa kumpanya, pero may isyu raw siya rito.
RABIYA MATEO ON ASSOCIATION WITH JEWELRY BRAND
Bahagi ng statement ng legal counsel ni Rabiya, “Ms. Mateo’s endorsement engagements with LVNA are exclusively for its jewelry products and do not, in any way, include the solicitation of investments or securities in LVNA.
“As current investor, Ms. Mateo was not issued any shares, stocks, or ownership interests in LVNA — her investment being restricted solely to the receipt of guaranteed interest returns for a specified period."
Sabay pahiwatig sa problema ni Rabiya sa brand: “In fact, LVNA has been failing to comply with its obligations to pay Ms. Mateo the purported ‘guaranteed’ interest returns.”
May babala rin ang lawyer ni Rabiya na mag-ingat ang publiko sa mga transaksiyong ginagamit ang pangalan ng Kapuso actress sa pag-solicit ng investment sa brand.
Ni-repost ni Rabiya ang sulat mula sa Gimenez, Eubank, Cruz, Ocampo Law Offices noong April 13, 2025.
Read: Rabiya Mateo, itinakwil ng kanyang biological father
IVANA ALAWI'S CASE
Si Ivana ay dating endorser at investor ng LVNA by Drake Dustin na Cebu branch.
Nagtanong kami sa kampo ni Ivana kung naayos na ba ito, dahil nasa statement na inilabas nila noong January ng taong ito, na ipinapa-rescind nila ang agreement na in-acknowledge naman ni Drake Dustin.
Pero hindi pa rin nagbigay ng pahayag si Ivana tungkol dito, dahil ang legal counsel niyang si Atty. Joji Alonso ang nag-aasikaso nito.
Mas mabuting tahimik na lang daw muna siya dahil nag-uusap naman daw sina Atty. Joji at Drake Dustin para ma-formalize na ang verbal rescission ng kanilang agreement na limited lang sa pagiging endorser at investor ni Ivana.
Ang latest na balita namin kay Drake, nasa ibang bansa na raw ito ngayon. May iniiwasan siya rito sa Pilipinas?
May iba pang kuwentong lumalabas tungkol dito kay Drake Dustin Ibay.
Ang inaasahan na lang ng kampo ni Ivana ay tuluyan na siyang ma-out at wala nang koneksyon sa LVNA by Drake Dustin.
Read: Ivana Alawi, hindi na konektado sa inendorsong jewelry brand
JERRY OLEA:
Getz natin kung bakit gusto nina Ivana Alawi at Rabiya Mateo na maging malinaw ang pagkalas nila sa LVNA by Drake Dustin.
Nagulo ang buhay nina Neri Naig, Rufa Mae Quinto, at Ricardo Cepeda nang madawit sila sa problema ng kumpanyang ineendorso nila.
Sinisiguro lang nina Ivana at Rabiya na tama ang representasyon ng mga brand na nauugnay sa pangalan nila.
Read: Jeric Gonzales, dinamayan si Rabiya Mateo matapos itakwil ng ama
NOEL FERRER:
Truth in advertising and credibility in reality ang pinanghahawakan ng mga personalidad—kaya naiintindihan natin kung bakit ayaw nang ma-associate nina Ivana at Rabiya sa ganitong mga deals.
Dapat din kasi, bago pa man mag-endorse ng produkto, may due diligence na ang lahat sa nature ng business na ito.
Sadly, meron pa rin tayong mga kilalang endorsers na basta lang tumatanggap ng deal na hindi naman talaga nila pine-patronize ang produktong iyon.
Hindi natin nilalahat, ha. Dahil meron naman talagang effective and real endorsers. Pero kailangan talaga na may sapat kang kaalaman sa background ng produkto o kumpanyang sinasalihan mo.
Kaya hangga’t kayang kumalas, tama sina Rabiya at Ivana, takas na!
