GORGY RULA:
Ipinaliwanag ni Vice Ganda nang mag-live siya sa kanyang YouTube channel kung paano sila mag-decide sa mga segment na ipinapalabas nila sa It’s Showtime.
Read: TV shows na alagwa sa ratings; mga pagbabago sa iba-ibang serye
Mabuti at nilinaw niya ito sa mga netizens na iba ang viewers sa free TV at sa online.
Ang ratings pa rin sa free TV ang basehan para sa mga advertisers. Sa TV ratings pa rin daw bumabase ang mga boss nila dahil iyun ang tinitingnan ng mga advertisers.
Aniya, “It’s all about ratings. Kasi without ratings, hindi kami makakakuha ng sponsors. Yun ang truth dun.
“Sinasabi nila laging ratings. E, mahalaga ho talaga yung ratings. Kasi yung mga advertisers po, mga sponsors, sa ratings sila tumitingin.
"Pag hindi nag-rate yung program mo, pag hindi nagre-rate yung segment, hindi talaga sila mag-i-sponsor.
"Hindi sila maglalabas ng pera para mag-place ng kanilang ad dun sa aming programa, o dun sa aming segment.
"Siyempre, hindi na lang namin sinasabi, pero yun nga, minsan madaming pagkakataon na hindi niyo bet, na inaaway niyo kami, 'Bakit yun yung segment? Bakit niyo pinandigan yun? Bakit hindi niyo sinisibak?'"
Read: Kiko Estrada, di kasama ang ama sa Totoy Bato remake
VICE GANDA ON TV RATINGS AND ONLINE TREND
Dito na sinabi ni Vice Ganda na iba ang TV ratings sa trending online.
Patuloy niya: "Kasi, yun ang nagre-rate na segment. At iba yung… Merong mga segments na putok online. Pag binabasa mo, ang ganda-ganda ng review sa Twitter o sa X o sa ibang platforms.
"Sorry. Yung maganda ang review sa ibang platform. Pero hindi siya nagta-translate sa ratings sa free TV.
"E, ang ratings po, hindi nakabase sa taas ng viewership online o mga nanonood digitally.
Ang ratings ay hindi binabase sa kung ano ang madadaming o paborito online sa ibang platform.
"Ang ratings po ay nakabase sa kung ano yung pinapanood sa free TV.
"Kaya minsan, nababaliw na din ho kami, kasi eto yung gusto online, pero mababa yung ratings. Yung nasa free TV, hindi iyun ang pinapanood.
"E, talagang kailangan naming i-consider kung ano yung nagre-rate sa free TV audience, kasi iyun po yung tinitingnan ng mga sponsors."
Maganda at ipinaliwanag iyan ni Vice Ganda dahil ang galing magkomento ng iba, pero hindi nila alam na maraming pinagbabasehan para manatili ang isang programa sa telebisyon.
Wala pa sa sistema na may ratings sa online.
Kaya hanggang ngayon ay nakabase pa rin sa mga manonood sa free TV. Buhay pa rin ang telebisyon, sabi nga nila.
Read: Piolo Pascual, Kim Chiu will miss ABS-CBN old building
NOEL FERRER:
Kapansin-pansing hindi na talaga umaarya nang husto ang ratings ng It’s Showtime sa free TV.
Pero ang lakas pa rin online at palagi pa itong trending.
TV RATINGS FOR NOONTIME SHOWS
Ang nakuhang ratings ng PEP Troika sa noontime show ay steady na lang sa ganitong ratings.
Noong Biyernes, April 11 ay naka-6.1% ang It's Showtime, at ang Eat Bulaga! 3.7%.
Noong Sabado, April 12 ay 5.4% ang It's Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.4%.
Pagdating ng Lunes Santo, April 14, mas bumaba pa ang viewership na naka-4.8% na lang at 2.8% lang ang Eat Bulaga!
Medyo bumaba talaga pagpasok ng Holy Week.
TV RATINGS OF TELESERYES, OTHER SHOWS
Pero kahit paano ay na-maintain pa rin ng mga afternoon drama na okay ang kanilang ratings.
Noong Biyernes ay naka-7% ang Prinsesa ng City Jail. Nanatiling pinakamataas pa rin ang Mommy Dearest na naka-7.8%, at tumaas ang Binibining Marikit na 7.3%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4.8%, ang Red Balloon ay 2.9%, at ang Family Feud ay 7.4%.
Pero lalo pang bumaba ang viewership noong Lunes Santo, April 14. Maaring nasa labas na ang karamihan para magbakasyon.
Ang Prinsesa ng City Jail ay 6.6%; pero nanatiling mataas pa rin ang Mommy Dearest na 7.3%, at ang Binibining Marikit ay 6.7%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4%, at ang Red Balloon ay 2.4%.
Replay na muna ang mapapanood sa Family Feud, kaya medyo bumaba rin ito na naka-6.6% lang nung araw na iyun.
Read: Beautiful actress, bakit wala pang bagong teleserye?
JERRY OLEA:
Kagaya ng It’s Showtime, ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab ay malakas talaga online, pero so-so lang ang ratings pagdating sa free TV.
Ang duda namin, kaya siguro minsan ay pinapatay ang live streaming, para sa telebisyon muna manonood.
Nitong nakaraang weekend ay okay ang ratings nito sa GMA-7. Noong Sabado, April 12 kung saan ay na-evict sina Kira Balinger at Charlie Fleming, naka-6.6% ito.
Sumunod ang Pepito Manaloto na okay rin ang rating na 8.8%. Pero pagdating sa Magpakailanman ay medyo bumaba sa 7.8%.
In fairness sa Pilipinas Got Talent, may captured audience na ito dahil hindi siya nalalaglag sa 4.6%.
Noong Linggo, April 13 naman ay naka-6.1% ang PBB Celebrity Collab. Pero medyo bumaba ang sumunod na Bubble Gang na naka-7.7% lamang.
Kahit ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay bahagya ring bumaba na naka-14.5%, at ang The Boobay and Tekla Show ay okay sa 3.8%.
Ang Pilipinas Got Talent ay naka-4.8%.
Samantala, umokay ang ratings ng mga programa sa primetime noong Lunes Santo, April 14.
Ang Lolong: Pangil ng Maynila ay naka-9.5%, at medyo bumaba ang FPJ’s Batang Quiapo na 13.1%.
Nagpantay ang Mga Batang Riles at Incognito sa 8.7%.
Ang Slay naman ay 6%, at ang Saving Grace ay 5%. Medyo tumaas din ang PBB Celebrity Collab na naka-4.1%.
