PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allen Dizon, franchisee ng dalawang kilalang restaurants

Mga anak ni Allen Dizon, sasabak bilang waiter o dishwasher bilang summer job.
by PEP Troika
Published Apr 13, 2025
Allen Dizon reveals he's a franchisee of KFC and Gerry's Grill branches in the North.
Allen Dizon on his children doing summer jobs at his restaurants: “Iba-iba, e. Puwede silang waitress, puwede ring dishwasher. Dapat napag-aralan nila."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Hindi lang ang pagiging aktor ang kinakarir ni Allen Dizon kundi ang pagiging restaurateur na rin.

Read: Allen Dizon, may nakalinyang walong pelikula at isang teleserye

Marami ang hindi nakakaalam na isa si Allen sa franchisee ng KFC sa may NLEX.

Pero sabi ni Allen, nang nakatsikahan namin sa nakaraang media conference ng pelikula niyang Fatherland, mas naka-focus siya ngayon sa kanyang Gerry’s Grill sa may San Fernando, Pampanga.

May dalawa pa raw siyang partners sa naturang bar and restaurant, at ngayon ay kinuha na rin daw nila ang katabi ng Gerry’s dahil patatayuan daw nila ito ng isang Korean restaurant.

ALLEN DIZON ON PUTTING UP A BUSINESS

Naniniwala ang premyadong aktor na hindi forever ay artista siya, at naisip niyang mas okay raw talaga ang food business.

“Wala, e. Necessity yun, e. Kailangan talagang kumain, e. Lahat ng mga tao, kailangan nilang kumain.

“Actually, malakas yung Gerry’s namin dun. Kailangan, e. Kasi nandun yung ipapamana ko sa mga anak pagdating ng araw, e. Negosyo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Business pa rin kasi ang gusto nilang pasukan,” pahayag ni Allen.

Kaya ngayon pa lang ay naging bahagi na raw ang mga anak niya sa naturang negosyo.

Apat ang anak ni Allen. Ang dalawa niyang anak na sina Nella at Xia ay nagsisimula na raw magtrabaho sa kanilang restaurant.

“Tumutulung-tulong sila. Kamakailan nga, nag-OJT yung anak ko sa Gerry’s, e. Si Nella.

"Tapos this summer, gusto nila mag-summer job. Gusto nila. Para matutunan nila,” sabi pa ni Allen.

Nag-aaral ng kursong Management si Nella, kaya hinayaan niyang mag-training ito sa kanilang restaurant.

Read: Allen Dizon, nabili ang dream car dahil sa Abot-Kamay Na Pangarap

NOEL FERRER:

Ayaw ni Allen Dizon na boss agad ang mga anak niyang mag-summer job sa kanilang restaurant. Gusto niya na magsimula sila sa ibaba.

“Iba-iba, e. Puwede silang waitress, puwede ring dishwasher. Dapat napag-aralan nila,” dagdag ni Allen tungkol sa papasuking summer job ng mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat na harapin daw ng mga anak niya ang lahat ng hirap bago nila maabot ang kanilang goal sa buhay.

Gusto ring mag-artista ng mga anak niyang sina Nella at Xia, pero kailangan ay tapusin ang pag-aaral.

ALLEN DIZON LETS CHILDREN CHOOSE THEIR CAREER PATHS

Pagdating sa pag-decide para sa kanilang buhay ay hinahayaan daw niya kung ano ang gusto ng kanyang mga anak.

“Kanya-kanyang journey, e. As long as makakatulong sa buhay mo, makakatulong sa career mo. Alam mo naman na makakatulong sa iyo o hindi, it’s your choice, e," saad ni Allen.

“At the end of the day, ikaw naman ang magde-decide. So para sa akin, kung ano yung gusto mo, follow your heart.

“Sa mga course nila, hindi ako nakikialam, e. Kung ano yung gusto nyo, sige. Kung ano yung gusto niyo, suportahan ko kayo. Pero, dapat tapusin nyo.

“Si Nella, Architecture yan before, e. E ,dahil pandemic, ayaw niya ng online class. So, nag-shift siya ng management naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So kaya ngayon, third year college pa lang siya. Dapat graduate na siya, e.

"Sabi ko, 'Last course mo na yan. Baka mag-shift ka na naman ng ibang course,'” napapangiting pahayag ni Allen.

JERRY OLEA:

Kakaibang tatay ang ipapakita ni Allen Dizon sa pelikulang Fatherland.

Siya ang tatay na hinahanap ng anak niyang ginagampanan ni Iñigo Pascual. Tatlong vignettes ito na pagdadaanan lahat ni Iñigo.

Mahirap kay Allen ang pagganap sa tatlong karakter sa pelikulang ito. Ang laking challenge nga raw.

Read: Direk Joel Lamangan says Fatherland not endorsing any candidate

Allen Dizon stars in Fatherland, directed by Joel Lamangan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na raw niya inisip kung ano ang maaaring mangyari sa kanila nung nag-shoot sila sa Cotabato.

Kailangan daw kasing makita talaga ang Mindanao sa isang karakter niya bilang Muslim.

Mabuti at inalalayan naman daw silang mabuti nung nasa Cotabato sila.

"Nung nandun ako, yung pinuntahan namin yung kapitan. Very welcome kami dun, tapos sa mga location na pinupuntahan namin may mga bodyguard kami,” lahad ni Allen.

"May mga baril silang hawak. Siyempre, nakakatakot in a way, kasi siyempre dayo lang kami dun.

"Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa amin. Kung makakauwi ba kami ng buhay o hindi.

"Pero sa awa ng Diyos, at dahil na rin sa tulong nila, okay naman. Kahit one day lang kami dun.

"Kahit kinabukasan, uwi na kami, nagawa namin yung gusto ni Direk at maayos naman yung mga tao sa Cotabato. Napakaganda ng Cotabato."

Sa April 19, Black Saturday, ang showing ng Fatherland na dinirek ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Star-studded ang pelikulang ito. Ilan sa mga bigating artistang kasali ay sina Cherry Pie Picache, Richard Yap, Angel Aquino, Max Eigenmann, Jeric Gonzales, Mercedes Cabral, Ara Davao, Abed Green, Bo Bautista, at Jim Pebanco.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon on his children doing summer jobs at his restaurants: “Iba-iba, e. Puwede silang waitress, puwede ring dishwasher. Dapat napag-aralan nila."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results