PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Poging aktor, todo-mando; daig ang direktor sa pagmamarunong

Byuting aktres, tinotoo ang sampal sa poging aktor dahil sa asta nito.
by PEP Troika
Published Apr 13, 2025
blind item non-showbiz personality
Poging aktor, feeling galing-galingan at tinalo ang director sa pagmando sa set.
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA:

Nagmamarun at nagmamagal ang isang pogilicious actor na nagbida sa ilang pelikula at drama series.

Okey ang pagtanggap ng televiewers sa mga TV show niya, pero pagdating sa pelikula ay wala pa siyang napapatunayan.

Pero kung umasta raw nowadays si pogilicious actor sa set, para bang napakarunong niya at pagkagaling-galing.

“Buhkit?! Stop me, don’t me!” tili ng direktor sa isang drama series kung saan tampok si pogilicious actor.

Read: Marjorie Barretto slams Dennis Padilla's "lies" in Claudia issue

POGING AKTOR, DEDMA SA DIRECTOR

Sa set, maayos na ipinaliwanag ni Direk kay pogilicious actor at co-star nito kung ano ang gusto niyang lumabas sa eksena.

Nag-blocking. Nag-rehearse. Malinaw ang instructions ni Direk. Pag-roll ng cameras, aba, may sariling diskarte si pogi.

Dedma sa prinaktis na blocking, at nagbibigay pa minsan ng instructions sa kaeksena niya.

Sa kalagitnaan ng isang intense na eksena, biglang nag-cut daw si pogilicious actor para purihin ang co-star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-high blood Di direk sa trip ni pogilicious actor.

Read: Dennis Padilla recounts convo with Claudia on her wedding day

NOEL FERRER:

Malapit na raw buminggo plus si pogilicious actor sa TV executives dahil sa pag-a-attitude niya sa set.

Nababanggit ng ilang direktor sa ibang artista na huwag gayahin si pogilicious actor.

Ginagawa siyang halimbawa sa hindi magandang attitude sa set. Kahit naman ang pinakamagagaling na aktor ay hindi naggaganitong attitude.

Nabibilang na ba ang mga araw niya sa kanyang TV network? Mararamdaman iyan ng pogilicious actor sa lalong madaling panahon.

GORGY RULA:

Pinag-uusapan na nga raw si pogilicious actor na nagtataka sila kung ano ang drama nito.

Parang iba raw siya talaga kapag matagal-tagal mo nang nakakatrabaho sa isang project.

Nakarating din sa amin ang kuwentong nairita na rin daw si byuting aktres kay pogi dahil sa attitude nito sa set.

Kapag may ganyang drama raw si pogilicious actor sa set, nadadamay si byuting aktres dahil umuulit siya, tumatagal daw ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naikuwento iyan sa amin noon na sa irita raw ni byuting aktres, tinotoo na raw niya ang pagsampal kay pogi sa isang madramang eksena.

Muntik daw umalpas ang diwa ni pogilicious actor nang lumapat ang mabigat na kamay ni byuting aktres sa napakaamong mukha niya.

Namula raw ang mukha ni pogi at nakita raw ni aktres na nasaktan ito nang bongga.

Kaya ilang beses din daw na nag-sorry si byuting aktres.

Pero hindi knows ni pogilicious actor na sinadya talaga ni byuting aktres dahil sa sobrang irita.

Siguro, dapat kausapin nang mabuti si pogilicious actor ng kanyang manager para malaman niyang kalat na kalat na ang ganoong kuwento tungkol sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Poging aktor, feeling galing-galingan at tinalo ang director sa pagmando sa set.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results