GORGY RULA:
Sa mga darating na araw ay may mababalitaan tayong maganda at malungkot na balita sa mga drama series na sinusubaybayan natin.
May mae-extend, at may matatanggal na karakter sa napapanood nating teleserye.
Read: Lolong at Mga Batang Riles, tumataas ang ratings
May magandang ibabalita ang isang drama series na consistent na umaalagwa ang ratings. Meron ding isang leading man na tatanggalin na raw sa seryeng ito.
Malalaman din natin iyan kapag patuloy nating susubaybayan ang mga seryeng ito.
Sa afternoon slot ngayon ay consistent pa ring mataas ang Prinsesa ng City Jail.
Pero patuloy na namamayagpag at nangunguna ang Mommy Dearest nina Camille Prats, Katrina Halili at Shayne Sava.
Mukhang nahatak nito pataas ang sumusunod na Binibining Marikit.
TV RATINGS FOR APRIL 9 AND 10
Mababa ang viewership noong Miyerkules, Abril 9, Araw ng Kagitingan. Holiday noon, at maaaring nasa labas ang mga tao at walang panahong manood sa telebisyon.
Bumalik ang mataas na ratings noong Huwebes, April 10.
Ang It’s Showtime ay tila napako na sa halos 6% na rating. Naka-5.7% lang ito noong araw na iyun, at ang Eat Bulaga ay 3.7%.
Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na 7.1%, at ang Rewind ng Saving Grace ay 0.6%, at ang Frontline Express ay 2.5%.
Ang Mommy Dearest naman ay 7.5%, at ito na ang most-watched drama ng Kapuso Network.
Sumunod dito ang Binibining Marikit na naka-6.9%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.2%.
Ang Red Balloon ay 2.5%, at ang Family Feud ay 7.3%.
Read: Box-office Report: Sinagtala, naka-P2.25M sa first day
NOEL FERRER:
Pagdating sa primetime ay nangunguna pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo. Kahit paano ay dumidikit ang Mga Batang Riles sa Incognito.
Narito ang ratings ng mga prime-time shows noong Huwebes, April 10: Ang 24 Oras ay naka-11.9%, at ang Frontline Pilipinas ay 3%. Ang TV Patrol ay 2.8%, at ang Lumuhod Ka Sa Lupa ay 3.7%.
Ang Lolong: Pangil ng Maynila ay 9.5% at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 14.3%.
Naka-8.2% ang Mga Batang Riles at ang Incognito ay 8.4%.
Okay rin ang rating ng Slay na 5.1%, at 4.6% ang Saving Grace.
Sumunod ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab na 3.5%.
Read: Ysabel at Miguel, "going strong" kahit bihirang magkita
JERRY OLEA:
Nagsisimula na ring bumuo ang TV5 ng mga sarili nilang drama series. Marami rin daw tayong aabangang mga bagong shows nila.
Ang GMA 7 ay tuluy-tuloy rin ang paggawa ng mga bagong materials kagaya ng Akusada ni Andrea Torres, meron pang Sanggang Dikit nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, at ang Cruz Vs. Cruz nina Vina Morales at Gladys Reyes.
Totoo kayang super sa pagtitipid ngayon ang mga ginagawang drama series?
Pero mukhang mamahalin at talagang ginastusan nang husto itong Sang’gre. Hanggang Mayo na lang ba ang Lolong: Pangil ng Maynila at papalitan na ng Sang’gre sa Hunyo?
May narinig kaming kuwento na ang isang drama series ay nag-stop taping daw muna pagkatapos ng ilang linggong taping.
Kapag maganda ang feedback sa seryeng ito, saka nila ire-resume ang taping. Pero kung hindi at lotlot sa ratings, wala nang kasunod na taping, tigok na ito!
Natuto na yata sila sa ibang teleserye na ginastusan nang husto, hindi naman umeepek sa mga manonood.
Kaya ang suwerte kung maganda ang ratings at patuloy na pinapanood, ibig sabihin, mae-extend at tuluy-tuloy ang trabaho.
Aba! Iyong PBB Celebrity Collab ay mainit na pinag-uusapan online, at hindi na tayo magtataka kung i-stretch ito nang i-stretch.
Basta, Team Michael Sager tayo, at bet na rin natin sina River Joseph at Ralph de Leon na gaya ni Michael ay paboritong i-nominate ng housemates.
Para sa sa mga hitod at hitad na inookray sina Michael, River, at Ralph… namnamin na ninyo ang bagong eviction night theme song na kinanta ni Darren Espanto, iyong "Paalam Muna Sandali." Stop me! Don’t me!!!
