GORGY RULA
Totoo kayang hindi na ni-renew ang kontrata ng iginagalang na male executive sa isang TV network?
Nakiusap ang aming source na huwag nang banggitin kung ano ang trabaho ni male executive, pero noon pa pinag-uusapan kung magpapatuloy pa rin ba siya sa TV network na kinabibilangan nito.
Ang latest na narinig namin, ilang buwan na lang ay matatapos na ang kontrata ng male executive at hindi na raw pinag-uusapan ang renewal.
Kaya ngayon pa lang ay kino-consider na raw ni male executive ang offer ng isa pang TV network.
Read: Tatlong Kuwento: Masarap, Masakit, Makulay Ang Magmahal
TV NETWORK, TATAPUSIN NA ANG COLLAB SA ISANG TV PRODUCTION?
Pinaplano na rin daw ng TV network na ito ang shows na gagawin nila.
Hindi pa tiyak kung ipagpapatuloy nila ang ilang shows dahil matatapos na rin ang collaboration nito sa isang TV production.
Kung hindi kami nagkakamali, isang taon na lang ay matatapos na ang kontrata ng kanilang collaboration, at wala pang usapan kung magkakaroon ba ng renewal.
Kaya tamang-tama na ngayon pa lang ay pinag-uusapan na kung ano ang fallback o may mga pagbabago ba dahil sa pagtatapos ng mga kontrata.
Abangan na lang natin!
NOEL FERRER
Kaabang-abang ito kung sakali.
Institusyon naman kasi itong male executive na ito kaya magandang makita kung sinu-sino ang loyal talents na sasama sa kanya.
With more shows and more stars, pabor ito sa lahat ng manonood ng telebisyon pa rin, kahit sabihin pang age of social media na ngayon.
Wait and see tayo sa magiging galawan ngayon sa telebisyon, at kung paano nito mama-maximize ang talents at airtime.
Exciting times indeed!
Read: Beautiful Actress, may possible project na, kaya lang...
JERRY OLEA
Nobody is indispensable.
Patuloy na nag-e-evolve ang landscape sa entertainment — sa teatro, pelikula, at telebisyon.
Uso na ang vertical shorts — maiikling palabas sa cellphone.
Maliban sa Drama Box, andiyan ang Pot TV, Box TV, TopShort TV, at kung anu-ano pa.
May mga institusyon sa industriya na napag-iiwanan ng panahon.
May mga posisyon na unti-unting nagiging extinct, maliban pa sa pagpapalit ng mga bantay o gatekeepers.
Tingnan natin kung mananatiling relevant ang pinagpipitaganang male executive sa gitna ng mga pagbabagong ito.
Read: Direk Joel at Direk Joey, nangangamba sa AI at vertical shorts
