JERRY OLEA
Ikinatuwa at ipinagpapasalamat ni Gardo Versoza na nagtagal ang karakter niyang si Judge Benito Balmores sa teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa.
“Kinabahan ako, kasi nabaril ako sa ulo,” lahad ni Gardo sa mediacon noong Abril 2, 2025 sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.
Ang tinutukoy ni Cupcake (taguri kay Gardo) ay ang story arc ng kanyang karakter.
Dagdag ni Gardo: “Akala ko, katapusan ko na nun, e! Parang nagsisimula pa lang… so, di ba, salamat sa TV5 at sa Viva Films! Di ba?!
“Ninerbiyos ako. Parang aatakehin uli ako sa puso, e. Pero praise the Lord! Yun, kumbaga, umabot ako hanggang sa anibersaryo.”
Read: Gardo Versoza recalls heyday as top ST actor in the '90s
GARDO VERSOZA ON KIKO ESTRADA
Ngayong Abril 8, Martes, ang unang anibersaryo ng Lumuhod Ka Sa Lupa, ang teleserye na unang pinagbidahan ni Kiko Estrada.
“Yung tipo ni Kiko, bibidahin yan! Mahaba pa ang lalakbayin niyan!” bulalas ni Gardo.
Sabi pa ni Cupcake, pareho silang mama’s boy ni Kiko. Naniniwala si Gardo na basta mama’s boy won’t go wrong.
“Sabi ko nga sa kanya, nakikita ko yung kabataan ko sa kanya, pero siyempre mas malakas yung sex appeal niya sa akin,” sambit ni Gardo.
“Kumbaga, napaglipasan na ako, e. Pero ipapamana ko na sa iyo ang pagiging Machete! Malay mo, gawin ng TV5, kasali tayo diyan! Di ba?! Machete 4!”
Ang unang nag-Machete sa pelikula ay si Cesar Montano noong 1990, at sumunod si Gardo noong 1994. Pareho iyong prinodyus ng Seiko Films.
Read: Gardo Versoza, 51, aminadong "lawanit" na si Machete

Noong 2011 ay nagbida si Aljur Abrenica sa telefantasyang Machete ng GMA-7. Willing ba si Kiko na mag-Machete just in case?
Sagot ni Kiko, “Para sa akin, isa lang yung Machete — si Gardo Verzosa lang yon. Para sa akin.”
Hirit ni Gardo: “Tapos na kasi yung panahon ko. Seiko Films pa yon.
"E, ngayon, di ba, siyempre kailangang merong magpatuloy. TV5 ang magpapatuloy ng Machete mo, di ba?”
Deskripsiyon pa ni Gardo kay Kiko: “Bukod sa pagiging mama’s boy, sabi ko nga, siguro like for me, ang magiging edge niya sa ibang action stars, karinyoso.
“Malambing. So no wonder, siyempre, yan yung mga hinahanap-hanap ng mga ano, di ba?! So, lapitin, di ba?!
“Hindi pinipilit, di ba, na parang kailangan ilalapit mo pa yung sarili mo. Kusang may magnet!
“Sabi ko, di ba, sayang! Sayang, nalipasan na ako, may edad na ako. Puwede sana akong tagasalo, e! Di ba? So, maraming maaano.
“And then acting-wise, palagi siyang open. So, yun ang kagandahan, di ba? Kumbaga, he’s always on fire, he’s always on his toes.
“So, hindi niya sinasara na parang… siguro minsan may nae-encounter ako na iba na parang bago pa lang, parang alam na niya lahat.
“So, mahirap pag ganun. Kasi kahit ako, kahit sa edad ko, mas maganda yung palagi kang bukas, e. Dahil, di ba, non-stop naman iyan?
“Kumbaga you always learn. So he’s always willing to learn, and magaling. Magaling na magaling!
“Suwerte ng magiging asawa niya kung sakali… napakasuwerte!
"Actually sabi ko nga sa kanya, e, kung naging babae lang ako, susuyuin ko ito nang husto.
“Iuuwi ko ito sa mga magulang ko. Kasi all rolled into one, wala ka nang hahanapin pa!”
Read: Kiko Estrada, inaming non-showbiz ang current girlfriend
NOEL FERRER
Pahayag pa ni Gardo Versoza: “Kidding aside talaga, sabi ko nga, di ba, like pag malapit ka sa magulang mo lalo na sa nanay mo, kumbaga andami ko nang na-encounter na…
“Hindi ko na lang babanggitin kung sino, sobrang babaero. Pero kaya pala siya babaero, ang dahilan is wala siyang makitang kagaya nung nanay niya.
“So sabi ko, ‘Ahh na-justify ko na yung sa akin, kaya rin pala ako ganun nung kabataan ko. So now, I know. Di ba? Kahit papaano, na-justify.
“Iyon ang makakakumpleto sa deskripsiyon kay Kiko Estrada. Kasi actually, hindi ko sukat-akalain na ganyan siya.
“Kasi unang tingin, kunyari kung babae ako, unang tingin parang suplado. Di ba, parang mayaman, parang hard to get along with. Di ba?”
Maliban kina Gardo at Kiko, nasa cast ng Lumuhod Ka Sa Lupa sina Sid Lucero, Rhen Escaño, Ryza Cenon, Althea Ruedas, Mon Confiado, Marco Gallo, Heaven Peralejo, Andre Yllana, Andrew Muhlach, Angela Morena, at JC Tiuseco.

GORGY RULA
Na-enjoy ni Gardo Versoza ang pagiging kontrabida kay Kiko Estrada sa teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa, na napapanood Lunes hanggang Biyernes ng 7:15 P.M. sa TV.
“Super na-enjoy! Ramdam na ramdam ko, lalo na ngayon, malapit na ang eleksyon!” bulalas ni Gardo.
“Nabitin nga ako kay Judge, e. Oo, ramdam na ramdam at kumbaga, thankful nga ako na nabigay ang role na yun.
“And again, thank you so much. Kasi, after nung atake, ninerbiyos din ako siyempre.
“Like hindi ko alam ahh kung makakapag-work ako uli kaagad. And yan, thankful ako sa TV5, sa Viva.
“Kumbaga, galing na galing pa lang sa atake sa puso, kumbaga pinagkatiwala nila yung role ni Judge na mainitin ang ulo, palaging gusto ng away.
“Pero na-enjoy ko dahil nga maraming mga bits and pieces na in real life, yun yung kinaiinisan ko. Yung character ni Judge Benito Balmores.”
Marso 2023 na-heart attack si Gardo, at noong Abril 2023 ay sumailalim siya sa operasyon.
Read: Gardo Versoza suffers heart attack from "too much exercise"
Siyangapala, isa si Gardo sa mga bida sa pelikulang Jackstone 5 na tungkol sa limang magkakaibigang bading na senior citizens na.
Nasa Jackstone 5 din sina Eric Quizon, Joel Lamangan, Arnell gnacio, at Jim Pebanco.
