PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino, magpapaka-stage lola muna sa kanyang apo

Lorna Tolentino, hindi pa sinasabi kung ano ang susunod na teleserye.
by PEP Troika
Published Apr 4, 2025
lorna tolentino
Award-winning actress Lorna Tolentino has yet to return to work as she focuses now on accompanying her granddaughter Tori in Barcelona, Spain for a choir competition.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez on Instagram

GORGY RULA

Hindi muna babalik sa trabaho si Lorna Tolentino pagkauwi niya galing sa Manila International Film Festival na dinaluhan niya sa Los Angeles, California.

Ini-enjoy muna ng premyadong aktres ang mga apo niya.

Nagpapakalola raw muna siya sa dalawang apo niya kay Ralph at sa baby boy ni Renz.

Read: Lorna Tolentino, bakit inabot ng 17 years bago bumalik sa USA?

LORNA ACCOMPANIES APO IN BARCELONA

Ang isa raw sa kinakarir niya ngayon ay ang magpaka-stage lola sa unang apo niya kay Ralph — si Tori, na magaling kumanta.

Sinamahan ni Lorna si Tori patungong Barcelona, Spain, noong Huwebes, April 3, dahil may sasalihan ang bagets na choir competition sa naturang bansa.

Bahagi si Tori sa choir ng kanilang school na makikipag-compete sa Golden Voices of Montserrat.

Dalawampung estudyante raw ang members na bumubuo sa choir ng school nina Tori na lalaban sa choir competition na gaganapin sa Lloret de Mar, na matatagpuan sa southern part ng Costa Brava na bahagi ng Barcelona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin daw ang mommy ni Tori, pero excited si Lorna na sumama para sumuporta sa kanyang apo.

“Five days lang kami dun, mas mabilis pa sa biyahe namin. Okay lang, magpapaka-stage lola muna ako ngayon,” napangiting pakli ni Lorna T.

Wala muna siyang ini-entertain na guestings o bagong drama series dahil mas type daw niyang maka-bonding ang mga apo niya, at nakaalalay muna siya sa choir competition ni Tori.

Hindi pa ako masagot ni Lorna kung magte-teleserye siya ulit pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo, dahil meron namang inaalok na pelikula sa kanya.

So far, committed muna siya sa movie project na inalok sa kanya ni Sylvia Sanchez na balak nilang i-submit sa Metro Manila Film Festival 2025.

Read: Lorna Tolentino, tikom pa rin ang bibig tungkol kay Lito Lapid

JERRY OLEA

After FPJ’s Batang Quiapo, nabalitaan nating may offer kay Lorna Tolentino para mag-guest sa isang Kapuso drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang sinusunog na tulay si LT, ika nga, kaya keri niyang tumawid-tawid sa mga TV network.

Mas bet yata ni Lorna na full role ang next niyang gawin kesa mag-guest lamang.

For sure, hindi mauubusan ng project ang multi-awarded actress.

NOEL FERRER

Buti naman, sinusulit ni Lorna Tolentino ang kanyang bakasyon kasama ng pamilya niya.

Deserve niya yun — ang bakasyon sa U.S. at bonding sa anak at apo, at walang isyu-isyu na may kinalaman sa politika rito at all.

Nakaka-excite ang pelikula niyang pambata kasama ng isang magaling na lady director.

Go, go, LT!!!

Read: John Estrada grills Lorna Tolentino about her secret boyfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actress Lorna Tolentino has yet to return to work as she focuses now on accompanying her granddaughter Tori in Barcelona, Spain for a choir competition.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results