JERRY OLEA
Si Martin Escudero ay isa apat na Ultimate Survivors sa fourth season ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7 (2006-2007).
Sa finals ng nasabing contest noong Marso 25, 2007, itinanghal na Ultimate Loveteam sina Martin at Kris Bernal, Ultimate Hunk si Aljur Abtenica, at Ultimate Sweetheart si Jewel Mische.
May communication pa ba si Martin sa mga kasabayan niya sa StarStruck?
“Sina Aljur, nagkasama pa kami, gumawa kami ng Wild Boys, di ba, last year,” tugon ni Martin.
Read: Martin Escudero, "pinakamagaling na aktor sa movie industry," ayon kay Direk Ceasar Soriano
Ang pelikulang Wild Boys ay isinulat at idinirek ni Carlos Morales.
Kuwento iyon ng macho dancers, at kasama rin doon sina Vin Abrenica, Kristoff Garcia, Rash Flores, Nico Locco, Hashtag Jimboy Martin, Pedro Red, Arwin Santos, Billy James, Christian Ty, Ina Alegre, Cataleya Surio, at Inday Garutay.

Bumalik na sa U.S. si Direk Carlos. Hindi pa alam ni Martin kung kailan at saan ipalalabas ang movie.
Naghubad ba siya sa Wild Boys?
“Alam mo, gusto ko nga, e. Kaso, ako ang kontrabida dun,” sambit ni Martin.
“Yung character ko dun, businessman. Na medyo ginawan ko lang ng twist, nilagyan ko ng konting comedy para lang mabalanse natin yung pelikula.”
IS MARTIN WILLING TO PERFORM IN A GAY BAR?
Naka-lineup noon sa cast ng Wild Boys ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras, di ba?
“Isa talaga siya sa mga original cast. Ang naging problema lang, sa dami ng cast, ang hirap buuin nung schedule,” sagot ni Martin.
“So, kung sino lang yung nagbigay talaga ng open na schedule nila, sila na yung natuloy.”
Noong Enero 11, 2025 ng madaling-araw ay nag-perform si Mark Herras sa Apollo gay bar na malapit sa Baclaran Church sa Parañaque City.
Fully clothed si Mark sa performance, pero may moment na nag-lap dance ito sa isang babae sa stage.
If ever ba, willing si Martin na magsayaw sa gay bar?
Napakunot-noo si Martin: “Sa totoo lang, hindi lang natuloy — yung kalaban dati ng Vivamax, yung Goblin Films, may script na, e.
“Sayang. Magsu-shoot na kami. Ready na sana ako, may butt scene, may ganun.
"Siyempre, makagawa naman tayo ng mga ganung klase ng pelikula. Ibang challenge din.”
So far ay wala pang butt exposure sa pelikula si Martin.
NOEL FERRER
Willing pa rin ba siyang maghubad, if ever, sa VMX na rebranded Vivamax?
“Hindi ko alam, kasi hindi ko naman sure kung kukunin naman tayo,” sagot ni Martin.
Okay lang ba sa fiancée niya na gumawa siya ng daring movie?
“Wala namang problema. Alam naman niya yung mundo natin. Kumbaga, pag magandang istorya, magandang materyal, gagawin ko yan.”
Kaya ba niyang mag-frontal nudity sa pelikula?
“Hindi naman tayo... kumbaga, lugi sa biyaya ng Diyos. Ha! Ha! Ha!” paghalakhak ni Martin.
BEYOND CALL OF DUTY
Siyanga pala, nasa cast din ng Beyond the Call of Duty sina Martin del Rosario, Maxine Trinidad, Paolo Gumabao, Devon Seron, Christian Singson, Jeffrey Santos, Alex Medina, Dindo Arroyo, Lance Lucido, Lovely Rivero, Valerie Concepcion, at Bella Thompson.
Ang direktor ay si JR Olinares, na nagdirek ng Sagrada Luna (dating The Virgin Sisters), Badge of Honor: To Serve and Protect, at The Buy Bust Queen.
Itong Beyond the Call Of Duty ay collaboration ng Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc. sa film production ni Chavit Singson at ng Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, at ng PNP Officers Ladies Club Foundation.
Read: Will TV5 actor Martin Escudero be returning to GMA-7?
GORGY RULA
Grabe ang disiplina ni Martin Escudero kung bakit siya pumayat at na-maintain na niya ang ganoong katawan.
Pero healthy siya at hindi na raw siya nagkakasakit.
Ang kuwento ng aktor sa nakaraang presscon ng Beyond The Call of Duty, nine months siyang nagdusa sa gout noong pandemic.
Nag-research daw siya kung ano ang dapat niyang gawin para gumaling at hindi na bumalik ang naturang sakit. Okay na okay na raw siya.
“Fruits and vegetables lang ang kinakain ko. Ang pinaka-meat ko na, yung mushroom. So, malalim na pag-aaral po yun e.
“Mahirap i-explain, hindi siya basta basta naiintindihan,” pakli ni Martin.
Tatlong taon na raw siyang nakasanayan ang ganitong lifestyle.
“Nag-aral po ako, nagsaliksik ako kung paano pahabain ang buhay. Yun na lang ang labanan ngayon e. Pahabaan ng buhay.
“Mahirap lang kasi hindi sanay yung mga tao sa ganitong sukat, na low body fat.
“Naging lifestyle na po siya e,” dagdag niya.
MARTIN ESCUDERO RETURNS TO GAY ROLE
Hindi nawawalan ng trabaho si Martin.
Kasama rin siya sa pelikulang My Love Will Make You Disappear at masaya siya sa magandang resulta nito sa box office.
Bumalik siya sa gay role na ginawa niya sa horror movie na Mananambal.
“Alam mo, na-miss ko uli ang gumawa ng character katulad ng ginawa ko sa My Love Will Make You Disappear.
“Nagpahinga ako sa gay role ng ilang panahon, pero nabigyan ako ng pagkakataon na gumawa uli at na-miss ko siya.
“Parang… next time naman, gusto ko siyang mas mapalaki naman, outside the box naman tayo,” sabi nito.
Read: Martin Escudero not bothered being typecast in gay roles
VICTOR WOOD MOVIE
Ang isa pang pinanghihinayangan ni Martin ay ang pinagbidahan niyang The Victor Wood Story na prinodyus ng NET25, pero hindi na ito natapos.

“Yung Victor Wood kasi, 95 percent na namin natapos yung film. Ang nangyari nga lang, yung aming producer at si Victor Wood, halos sabay silang pumanaw.
“So, iba na yung management, et cetera… hindi ko na alam kung anong plan nila.
“High hopes lahat dun, e. Wala na ako sa position para magkuwento o magsabi pa ng movement dun. Nasa management na po ng NET25.
“Siyempre idol natin si Victor Wood, di ba? Hopefully and faithfully, sana matapos na at tuloy nang maipalabas,” saad ni Martin.
Read: Victor Wood biopic, nahinto ang shooting dahil sa pagpanaw ng singer at ng isang INC leader
