JERRY OLEA
Umaarangkada pa rin ang South Korean drama series na When Life Gives You Tangerines sa listahan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
No. 1 ang naturang serye nina IU at Park Bo Gum mula Marso 9, 2025, Linggo, hanggang Marso 26, Miyerkules.
Noong Marso 27 at 28 ay pumuwesto sa No. 1 ang South Korean drama series ding Weak Hero, pero mula Marso 29 hanggang ngayong Huwebes, Abril 3, ay topnotcher muli ang When Life Gives You Tangerines.
Read: Hello Love Again at Tamang Panahon, parehong No. 1 sa Netflix
Nag-debut sa second place today, April 3, ang six-episode How To Cheat Death kung saan bida ang magsyotang Khalil Ramos at Gabbi Garcia, sa direksiyon nina Mike Mendoza at Macy Mendoza.
Ang titles ng episodes — “When Opposites Attract,” “Sparks Fly,” “A Gift or A Curse?,” “What Difference Does It Make?,” “Breaking The Curse” at “Cheating Death.”

Sa Abril 10 ay streaming na sa Netflix ang Season 7 ng British anthology series na Black Mirror.
Sa Abril 16 naman nakatakdang mag-Netflix streaming ang Widows’ War nina Bea Alonzo, Carla Abellana, Jean Garcia, at Rita Daniela, sa direksiyon ni Zig Madamba Dulay.
Read: Widows' War at Gabbi-Khalil movie, mapapanood na sa Netflix

TOP 10 TV SHOWS TODAY
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- When Life Gives You Tangerines
- How To Cheat Death
- Weak Hero
- Incognito
- Gone Girls: The Long Island Serial Killer
- Solo Leveling
- I Parry Everything
- Adolescence
- The Weakest Tamer Began a Journey to Pick Up Trash 1
- The Residence
GORGY RULA
Nasa 55th episode na sa Netflix ang Incognito, pero hindi pa ito nalalaglag sa Top 10 trending.
Mas binubuo ang kuwento ng karakter ni Daniel Padilla bilang si Andres, at ganundin kay Richard Gutierrez bilang si JB.
Pasulput-sulpot lang ang kina Maris Racal, Baron Geisler, at panaka-naka lang ang kay Anthony Jennings.
Pero napakagaling nina Maris at Anthony kapag eksena nila.
Bilib ako kay Maris na nakakaarte nang maayos kahit nag-i-Ilonggo ito kaeksena si Joel Torre.
Ang kuwela ni Anthony at talagang lutang na lutang siya sa ilang eksenang magkagrupo kasama si Contractor, na ginagampanan ni Ian Veneracion.

Maganda ang pagkakagawa nitong Incognito.
Nabubuo nila ang kuwento at talagang na-choreograph nang maayos ang action scenes, lalo na yung mga eksenang habulan nila sa Baguio.
Nakakapagtaka lang na sa mahabang habulan at barilan na yun sa kabuuan ng Baguio, wala man lang ginawa ang mga pulis.
Pero sabi nga ng ibang artista, kapag ganyang mga naghi-hit na series, huwag na ninyong hanapan ng logic.
Hanggang Hulyo pa ang installment ng mga bagong episode ng Incognito.
Read: Incognito: kumusta ang premiere sa Netflix?
ADOLESCENCE
Nasa Top 10 pa rin ang British series na Adolescence na tiyak na marami sa mga magulang ang makaka-relate.
Apat na episodes lang ito pero napakabigat sa dibdib, dala na rin sa napakagaling na pagkakaganap ng mga artista, lalo na ang gumaganap na father na si Stephen Graham at ang batang si Owen Cooper.
Ewan ko kung magugustuhan ng audience natin kung gagawa tayo ng tipong ganitong teleserye.

Samantala, lalo pang tumaas sa top 20 series ng VIU ang Slay ng GMA-7 nang nagsimula na itong umere sa primetime.
Nasa No. 3 na ito sa VIU ngayong nasa 19th episode na.
Read: Julie Anne, Mikee, Gabbi, Ysabel unafraid to show vulnerability
NOEL FERRER
Isa na lamang ang pelikulang Pilipino sa Ang Top 10 Movies ng Netflix Philippines ngayong Abril 3, Huwebes.
Ito ay ang Guilty Pleasure nina Lovi Poe, Jameson Blake, JM de Guzman, at Dustin Yu.
Iyong Sampung Utos Kay Josh na ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 29, 2025 ay streaming na sa Netflix umpisa Abril 17.
Tampok sa Sampung Utos Kay Josh sina Jerald Napoles at Pepe Herrera, sa direksiyon ni Marius Talampas.
Ang logline ng movie: “Josh was a devout Christian until everything unexpectedly went sideways. Now, he's on a hilarious mission to break all of the Ten Commandments.”
Nasa cast din sina Debbie Garcia, Albie Casiño, James Caraan, GB Labrador, Bobot Mortiz, Irma Adlawan, Ashley Rivera, at Blucher Abang.

Sa Abril 24 naman ang streaming ng Happy Crush, starring Maymay Entrata and Kelvin Miranda, sa direksiyon ni Carlo Enciso Catu.
Ang logline ng pelikula: “When her mother passes away, a celebrity returns to her hometown and reconnects with an old flame while looking back on her high school days.”
Kasama sa Happy Crush sina Zach Castañeda, Peewee O'Hara, Ric Galing, Sheila Francisco, Teroy Guzman, Moi Bien, Bombi Plata, Lesley Lina, Gaye Piccio, Andre Miguel, John Arcenas, Beatriz Teves, at Jade Orona.

TOP TO MOVIES ON NETFLIX TODAY
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Operation Fortune: Ruse de Guerre
- Memory
- Kraven The Hunter
- Fast X
- The Life List
- The First Slam Dunk
- Transformers: The Rise of the Beasts
- Guilty Pleasure
- The Core
- Jules
