JERRY OLEA
Emotional si Kiko Estrada sa finale mediacon ng teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa nitong Abril 2, 2025, Miyerkules, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.
“Dumating itong project na ito sa punto ng buhay ko na wala na akong ganang umarte,” pagtatapat ni Kiko.
“Pero nung makita ko yung project, tapos nakasama ko yung cast, nakasama ko yung direktor ko, nabuhayan ako ulit.
“First time I was given a lead project in 12 years. Nilagay ko lahat ng eggs ko sa isang basket.
“I focused. Nag-aral ako paano maging magaling na artista. Sinubukan ko. Mga idol ko, yan,” pagmumuwestra ni Kiko sa co-stars na sina Sid Lucero at Gardo Versoza na nasa presscon.
Kabilang din sa cast ng Lumuhod Ka Sa Lupa sina Heaven Peralejo, Rhen Escaño, Mon Confiado, Marco Gallo, Ryza Cenon, Althea Ruedas, Andre Yllana, JC Tiuseco, Andrew Muhlach, at Phoebe Walker.
Read: Kiko Estrada, kapansin-pansin ang "Coco Martin vibe"
Pagpapatuloy ni Kiko: “So, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng team, unang-una sa Diyos, sa pamilya ko, Boss Vic [del Rosario Jr.], my TV5 bosses, Sir Guido [Zaballero].
“I just wanna say thank you to my producers, to my directors, to my castmates, maraming salamat.”
Siyempre pa, binanggit ni Kiko na ang pinagbidahan niyang teleserye ay obra ni Carlo J. Caparas.
Ang movie version niyon na ipinalabas noong 1986 ay pinagbidahan ni Rudy Fernandez sa direksiyon ni Manuel "Fyke" Cinco.
Pahayag pa ni Kiko: “I put my best foot forward, and tried to deliver my version… at nagpapasalamat po ako na binigyan ako ng pagkakataon, at pinaghirapan ko po iyon.
“And it’s heartwarming to see people that interviewed me when I was a kid, and the trust that my bosses gave to me.”
Last four weeks na lamang ng Lumuhod Ka Sa Lupa.

KIKO ESTRADA TO STAR IN TOTOY BATO NEXT?
Sa pagtatapos ng open forum ay may teaser ng kamao para sa next teleserye na pagbibidahan muli ni Kiko.
Ipinagkatiwala ni Direk Carlo J. sa Viva ang kanyang mga obra. Another Carlo J. Caparas character ang bibigyang-buhay ni Kiko.
Na-penetrate na niya ang mainstream. So, hindi na siya babalik sa VMX (dating Vivamax)?
Read: Kiko Estrada may butt exposure, AJ Raval "napuruhan" sa Sitio Diablo
Ngumiti si Kiko, “Malay mo, malay mo, malay mo. Bakit naman hindi?
"In all seriousness, bahala na po si Boss Vic diyan. I really like the path that I am on.
“At sobrang grateful ko dito sa Lumuhod. At actually, to be honest, may taping pa kami. May isang araw pa kami, may April 6 pa kami.
“So there’s one more day, and we’ll wrap it up. Yeah, may April 6 taping pa kami and we’ll wrap it up.
“And then… actually, nag-stunt training na kami for that new project yesterday. So, I just can’t say anything yet.
“I think sa teaser, I don’t know kung anong makukuha niyo sa teaser, pero it’s Carlo J. Caparas.”
Anong sports ang pinagsasanayan o pinagkakaabalahan niya nowadays?
“Boxing, and nagba-bike ako ngayon. Binigyan ako ni Cupcake ng bike, so…”
Ang "Cupcake" na tinutukoy ni Kiko ay si Gardo Versoza.
Nagbiro pa si Gardo na bagay si Kiko na gumanap bilang Machete. If ever, pang-apat nang Machete si Kiko.
Nauna si Cesar Montano, sumunod si Gardo, and then si Aljur Abrenica.
Napapanood ang Lumuhod Ka Sa Lupa tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 7:15 P.M. sa TV5 pagkatapos ng Frontline Pilipinas, at may catch-up replay ng 8:00 P.M. sa Sari-Sari Channel.
Read: Kiko Estrada, gustong i-remake ang Totoy Bato, Panday ni FPJ
NOEL FERRER
Wala muna siyang lovelife dahil naka-focus siya sa trabaho?
“Bakit? Sinong nagsabing wala akong girlfriend?” sabi ni Kiko Estrada.
Meron?!
“For me to know and for you guys to find out.”
Inamin ni Kiko na non-showbiz ang kasalukuyan niyang girlfriend.
Siyempre, mas inspired magtrabaho si Kiko dahil sa kasintahan.
Sabi pa ni Kiko: “Gagalingan at gagalingan ko lang. Itong next project na pinaghihirapan ko ngayon…
“Actually yung Lumuhod Ka Sa Lupa was parang trial and error, tapos parang training siya para dito [sa next project].
“So ito, malapit talaga sa puso ko, kasi gaya ng sinabi ko kanina, first project na may dikit ang Lolo Paquito Diaz ko.
“So, ito ang magiging obra maestra na gagawin ko sa buong buhay ko.”
Boxing?
So, malamang na Totoy Bato na likha rin ni Carlo J. Caparas ang susunod na project ni Kiko.
Ang suwerte nga niya sa projects, ha?!
Read: Kiko Estrada, gustong i-remake ang Totoy Bato, Panday ni FPJ
GORGY RULA
Okay lang kay Kiko Estrada na may pressure sa follow-up teleserye niya. Excited siya nang husto!
“Pressure makes diamonds. You cannot have diamonds if there’s no pressure,” sambit ni Kiko.
“And this is the first one, na Paquito Diaz was in that movie. Imagine yung reason kung bakit ako naging artista.”
Ang ina ni Kiko ay si Cheska Diaz na anak ni Paquito Diaz.
Ang kanyang ama ay si Gary Estrada na anak ni George Estregan (na kapatid ni Joseph “Erap” Estrada).
Paborito ni Kiko sa movies ni Erap ang Asiong Salonga (1961).
Paborito rin ni Kiko ang pelikulang Nunal sa Tubig (1976) na pinagbidahan ng kanyang Lolo George, kasama sina Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez, sa direksiyon ng favorite director niyang si National Artist Ishmael Bernal.
“Beautiful film! I have the poster in my house… Tita Oro has a signature,” sambit ni Kiko.
“I love Ishma. Yung meaning nung shot. Every frame had a meaning.
"There’s a wide shot of this kubo, tapos may inilalagay na umbilical cord sa ilalim.
“May ibig sabihin yun. It’s a blessing. "Every frame is not wasted on that film. How can you not want to do a film like that?
“Simple pero tagos. But it’s hard to make that kind of film. Kasi kailangan nating bumagay sa industriya natin ngayon.
“At ngayon, serye ang gusto. So, dito muna tayo. Gagawin nating quality ng pelikula yung serye. Yun ang misyon ko.”
Read: Kiko Estrada and his romantic dalliances, past and present
