GORGY RULA
Ayon sa nakuha naming impormasyon sa ilang reliable sources, as of Sunday, March 30, 2026, ay naka-PHP54M na ang kinita ng pelikulang My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Naka-PHP12M ito sa first day nito noong March 26, 2025.
Sa second day ay bumagsak ito sa PHP7M, at ganundin ang kinita nito noong Biyernes.
Pero noong Sabado at Linggo ay naka-PHP14M ito kada araw.
Ito na ang pinakamalakas na pelikulang lokal sa first quarter ng taong 2025.
Read: My Love Will Make You Disappear, naka-PHP40M sa four days

Ayon sa iba pang napagtanungan ng PEP Troika, kapag naka-PHP100M angMy Love Will Make You Disappear ay happy na ang Star Cinema.
Ewan ko kung maaabot nila ito.
Kaya todo pa rin ang mga block screening na mukhang aabot ng isa pang linggo.
Pero okay na yun dahil ito pa lang ang pelikulang umabot ng ganun kalaking halaga ang kita this year.
Kahit paano ay nabubuhayan ng loob ang producers na patuloy sa paggawa ng pelikula.
Sana magtuluy-tuloy na ito dahil sa Miyerkules, Abril 2, ay magso-showing na ang Sinagtala.
Sa Black Saturday, April 19, naman ay magkasabay magso-showing ang Samahan Ng Mga Makasalanan at ang Fatherland.
Interesting ang dalawang pelikulang ito, kaya sana parehong tangkilikin.
Read: FDCP Chair Joey Reyes, tiniyak na tuloy ang Cinemalaya sa 2026
THIRD MOVIE FROM BENTRIA PRODUCTIONS
Bale pangatlong pelikula ng BenTria Productions ang Fatherland at mataas ang expectations ng producer ng pelikulang ito na si Engr. Benjamin Austria.
Gusto raw ni Engr. BenTria na makatulong sa movie industry, dahil mahilig talaga siya sa pelikula.
“Sana buhayin natin yung pelikulang Pilipino. Yun lang ang hinihingi ko sa inyo. Hindi lang yung magpa-mediacon tayo,” sabi ni Engr. BenTria.
“Tulungan po sana natin. Kasi maraming producers din na gustong mag-produce, lalo na marami tayong talented na mga actors.
“Sana matulungan din tayo ng government, di ba?
“Sana lahat tayo magtulungan. Para maraming mga producers na gustong mag-produce.”

CHAVIT SINGSON-GMA PICTURES COLLAB
Ang politician-businessman na si Chavit Singson naman ang producer ng Samahan Ng Mga Makasalanan, kung saan ka-partner niya ang GMA Pictures.
Ang bentahe ng pelikulang ito, ngayon pa lang ay nakikita na ang trailer sa mga programa ng GMA-7.
Wala raw gaanong pangamba si Manong Chavit kung mababawi niya ang ipinuhunan niya rito.
“Hindi naman. Yun nga ang sabi naman, hindi naman sa iyo yung pera pag hindi mo magastos,” pakli ni Manong Chavit.
Tuluy-tuloy raw ang paggawa nila ng pelikula, at sa katunayan meron na silang binubuong malaking project na ka-partner uli ang GMA Pictures.
“Tuluy-tuloy yun. Marami pa akong gagawin. Kaya gusto kong gawin dahil nanay ko, producer nung araw.
“Meron ding mga iba na nagpapatulong. Gusto ko lang makatulong sa industriya para may hanapbuhay din sila. Pino-produce ko din ang iba,” saad ni Chavit.
Read: Chavit-GMA movies, pagbibidahan nina Sanya-David, Dingdong-Alden

JERRY OLEA
Hindi raw iniisip ni Engr. Benjie Austria ang ROI (return of investment) sa mga pelikulang iprinodyus niya.
“Ang advocacy ko is makatulong tayo sa ating industriya,” pakli ni Engr. BenTria.
Nagandahan daw siya sa kuwento ng Fatherland kaya hindi na niya tinanong kung kakayanin bang ibalik ang ipinuhunan niya sa pelikulang ito.
“Nakita ko naman ang storyline before, diniscuss ni Direk [Joel Lamangan] sa akin, maganda naman,” napangiting pakli ni Engr. BenTria.
Ang first three movies ng BenTria Productions ay Broken Blooms na launching film ni Jeric Gonzales; ‘Wag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, at JC de Vera; at Fatherland nina Allen Dizon at Iñigo Pascual.
Nag-start na ng shooting ang fourth movie project ng BenTria, ang Graduation Day kung saan tampok bilang maglola sina Jeric Gonzales at Elizabeth Oropesa.
Read: Joel Lamangan, nilinaw na walang iniendorsong kandidato ang Fatherland
NOEL FERRER
Ayon sa Star Cinema, umabot na sa PHP100M ang global gross ng KimPau movie.
Post ng Star Cinema sa X ngayong Monday, 6:35 P.M. (Manila time), “We love you, 100M times!
“Thank you for supporting the kilig we offer! MLWMYD has now reached 100 million pesos in box office WORLDWIDE! At dahil ‘yan sa love niyo!
“My Love Will Make You Disappear is NOW SHOWING in cinemas WORLDWIDE!”
