JERRY OLEA
Ni-reshoot ni Direk Joel Lamangan ang ending ng social drama film na Fatherland, kung saan bida sina Allen Dizon at Iñigo Pascual bilang mag-ama.
“Inayos ko lang yon para it will be more palatable to the taste of the Filipino audience,” sabi ni Direk Joel sa mediacon noong Marso 25, 2025, Martes, sa Manila Hotel.
“It’s more dramatic this time. Last time, it was less dramatic. I wanted to try a less dramatic approach.
“But when I saw it, and some of the people that I trust saw it, sabi, parang kailangan pa ng crying scene.
“So I extended it. I did a reshoot of it.”
Read: Direk Joel tinanggihan ang biopic ng controversial politician
Na-achieve ba ng pelikula ang mensaheng nais niyang iparating sa mga manonood? May bahid ng pulitika ang kuwento nito.
Tumango si Direk Joel: “Yes, especially on the relationship between the father and the son. The very title of the film is Fatherland.
“It connotes something political already. But this is not the kind of politics that you will understand as far as the politics going on now is concerned.
“Which is… I will not say anything anymore.”

THE SEARCH FOR THE FATHER OF THE LAND
Abril 19, 2025, Black Saturday, nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Fatherland. At sa Mayo ay mag-eeleksyon muli tayo.
“Hindi naman ito nag-e-endorse ng sinumang kandidato,” paglilinaw ng 70-anyos na premyadong direktor.
“Nagsasabi lang ito ng totoo, ng kalagayan ng bayan natin sa pamamagitan ng paghahanap ng isang anak sa kanyang ama.
“Kasi tatlo ang personalidad ng kanyang ama. Sa journey na iyon, sa paghahanap, nakita niya ang problema ng bansa. In the process.
“Walang ineendorso, walang binabanatan. Wala, nothing. It’s just an exposure of what’s going on in the country.”
Paghahanap din ba ito sa tamang ama ng ating bayan?
“Kayo na ang magde-decide, hindi ako. Kayong mga manonood ang magde-decide,” sambit ni Direk Joel.
Ano ang napagtanto niya after shooting Fatherland, lalo pa’t aware siya sa mga kaganapan sa ating bansa?
“Gusto ko lang sabihin, ang sumulat nito, hindi ako. Ang sumulat nito ay si Roy Iglesias,” saad ni Direk Joel.
“In every time that I do a film, I would like to say something. I am not a director who does a film that does not say anything.
“Every film that I did would like to say something. At this particular point, I would like to say something.
“The son looking for the dad, at the same time looking for the love, at the same time exposing the ailment of the society. That’s what I would like to say.
“I think, I have achieved that.”
Read: Direk Joel, nasasaktan pa rin sa mga kaibigang kumampi sa kalaban
NOEL FERRER
Maliban kina Allen Dizon at Iñigo Pascual, nasa cast ng Fatherland sina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, Richard Yap, Angel Aquino, Jeric Gonzales, Jim Pebanco, Ara Davao, Abed Green, Rico Barrera, Max Eigenmann, Kazel Kinouchi, at Bo Bautista.

Ang karakter ni Allen ay schizophreniac.
Tatlo ang katauhang ginampanan niya sa pelikula — magsasakang Kapampangan, Muslim, at bakla.
Ang bawat karakter ni Allen ay sangkot sa mga nangyayari sa lipunan.
Pahayag ni Direk Joel Lamangan: “I just would like to point out that film should not only entertain. Film should not only make you laugh and cry.
“Film should also be able to enlighten, to say things properly. To expose the truth.
“Kaya tayo nagiging bayan na ganito, e, puro na lang entertain-entertain. Akala sa ating lahat na nagtatrabaho sa industriya, akala e hindi tayo seryoso.
“Kaya hindi tayo sineseryoso. Akala tagapagpaiyak lang tayo, tagapagpatawa. Hindi.
“Ang pelikula ay dapat ding nagsasabi ng katotohanan sa paligid niya.”
At na-achieve daw niya iyon sa Fatherland…
“Hindi lang dito, marami akong pelikulang ganun. Pero dito, ginawa ko rin yun!” bulalas ni Direk Joel.
Read: Allen Dizon, may nakalinyang walong pelikula at isang teleserye
DIREK JOEL'S REMINDER TO FILIPINO VOTERS
Ano ang mensahe o payo niya sa mga botante?
“Sa mga kapwa ko botante, ang pakiusap ko lang — intindihin natin ang problema ng bayan,” tugon ng beteranong direktor.
“Intindihin natin ang korapsyong pumapalaot sa kasalukuyan. Intindihin natin ang mga pagnanakaw na nagaganap.
“Intindihin natin, ang pinakamalawak na problema ay ang fake news. At dapat hindi tayo maniwala sa mga balitang hindi naman totoo.
“Alamin natin kung ito ay totoo o hindi. Isa pa, pumili na tayo ng totoong maglilingkod para sa interes ng nakararami. Hindi lang sa interes ng kakaunti — nila at ng kanilang pamilya.
“Iwasan na natin ang pagboto ng isang buong pamilya. Kasi hindi iyan nakakatulong sa ating bayan.
“Bigyan natin ng tsansa iyong mga taong alam naman natin na maaaring gumawa ng kabutihan sa ating bayan.”
Ilan sa pelikulang idinirek ni Direk Joel ang Pangako ng Kahapon (1994), The Flor Contemplacion Story (1995), Bakit May Kahapon Pa? (1996), The Sarah Balabagan Story (1997), Mila (2001), Mano Po (2002), Dukot (2009), Sagrada Familia (2009), Sigwa (2010), Patikul (2011), Migrante (2012), Burgos (2013), Hustisya (2014), Felix Manalo (2015), Sekyu (2016), at Oras de Peligro (2023).
Siyangapala, ang Fatherland ay rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB.
GORGY RULA
Ang pelikulang Fatherland ay co-produced ng BenTria Productions ni Engr. Benjamin Austria, at Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.
Pagsisiwalat ni Direk Joel Lamangan: “Alam niyo ba na si Engineer, ang BenTria, hindi naman sila ang original na producer nito.
“Nagkaproblema kami sa mga producers na aming in-assemble. Sinabi namin kay Engineer na nag-backout ang isang producer.
“At wholeheartedly, in-assume niya yung responsibility. At malaki ang utang na loob namin kay Engr. BenTria for producing the movie Fatherland.”

Dalawang beses nang naka-work ni Direk Joel si Engr. BenTria.
Ito rin ang nag-produce ng pelikulang ‘Wag Mo ‘Kong Iwan starring Rhian Ramos, JC de Vera, and Tom Rodriguez na pinamahalaan ni Direk Joel.
“Sa more than three decades ko nang nagdidirek ng pelikula, he is the most generous producer that I have ever met.
“More than all the existing mainstream producers that we have. Sa kanya ko na-experience ang totoong pagmamahal sa mga taong nasa likod at nasa harap ng kamera.
“Ganun siya kaimportante para sa amin.”
Read: Direk Joel, nasasaktan pa rin sa mga kaibigang kumampi sa kalaban
THE CHALLENGE OF PRODUCING A MOVIE
Mahirap bang makahanap ngayon ng movie producer, lalo na kung ang pelikula ay social commentary na gaya ng Fatherland?
“Napakahirap. Napakahirap! Kasi pag hiningan ka ng ROI [return of investment], wala kang ma-explain,” pagtatapat ni Direk Joel.
“Kasi iba naman ang kondisyon ngayon ng panonood ng pelikula kumpara two years ago, three years ago, five years ago.
“Hindi ka nakasalalay lamang sa pagpapalabas. Maraming type of marketing na dapat mong gawin para mai-market ang pelikula.
“Marami na. Maraming mga uri ng paraan ng pagma-market na kailangang malaman.
“Pero meron pa ring mga kumikitang pelikula, especially yung mga tinatawag nating nagtatampok sa mga artistang malalaki ng telebisyon. OK?
“Hindi na kasi ngayon kasinlakas ang pelikula ng lakas ng TV. Iba na siya.
“Merong kakanyahan ang pelikula na dapat nating hanapin, dapat nating idiskubre at pag-aralan para mailapit sa mga manonood ang interes nila.
“Nawala ang interes, e. Lalung-lalo na ngayon na napakamahal ng pelikula. Ang panonood ng pelikula ngayon ay mahal.
“Lalung-lalo na ngayon na nasa mall. Noon kasi, isang ano lang. Ngayon, nasa mall.
“Pag manonood ka at kasama mo ang pamilya mo, hindi kasya ang PHP1,000. Kasi kakain pa. At PHP350, PHP450, PHP500 na ang pelikula.
“Yun ang parati kong sinasabi. Yun ang aking parating inilalaban.
“Sinabi ko na ito sa mga producers, ‘Please do something.’ I hope the government can subsidize it, that’s what I’m trying to say.
“If governments of other countries like South Korea, like Thailand, like Vietnam can do something about it, sana we can also.
“What the government is giving, palliatives to the industry. Because they do not see the [movie] industry as an industry.
“No, they don’t see it like that. They don’t see it as a dollar-earning venture.
“Mas tinitingnan nilang industry ang sugar, ang suha, ang saging, ang coconut. Yon, tinutulungan nila.
“Pero ang produktong pelikula, they don’t see it as a product that can earn dollars for the country.
“Dapat mabago ang attitude na yun. Sinabi ko na yan sa mga tao. I’m a voice in the wilderness.”
Read: Direk Joey Reyes urges Pinoy filmmakers to "think globally"
