PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jojo Mendrez, gimmick lang ang pagkaka-link kina Mark at Rainier?

Present si Rainier sa launch ng original song ni Jojo na "Nandito Lang Ako."
by PEP Troika
Published Mar 23, 2025
jojo mendrez and rainier castillo
Sa press launch ng kanta ni Jojo Mendrez (R) na "Nandito Lang Ako," present si Rainier Castillo (L).
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Inilunsad ng Star Music noong Biyernes, March 21, 2025, ang bagong single ng tinaguriang "Revival King" na si Jojo Mendrez.

Pero ang "Nandito Lang Ako" ay hindi revival kundi isang original song na likha ni Jonathan Manalo ng Star Music.

Ang first original song ni Jojo Mendrez na
Ang first original song ni Jojo Mendrez (L) na "Nandito Lang Ako" ay likha ng composer na si Jonathan Manalo (R).
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jojo Mendrez (middle) with composer Jonathan Manalo (L) and Star Music head Roxy Liquigan
Jojo Mendrez (middle) with composer Jonathan Manalo (L) and Star Music head Roxy Liquigan (R).
Photo/s: Gorgy Rula

Sabi ni Jonathan, nababagay kay Jojo ang kanta.

Siniguro naman ni Jojo huli na maganda ang kalalabasan nito.

Saad ng recording artist: “Medyo matrabaho siya, e, kasi first original song ni Jonathan Manalo [for me].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre maingat na maingat ako kasi nilikha niya ang kantang iyan especially for me.

“So, ayokong mapapahiya or mapipintasan ako with that song kasi talagang pinaghirapan ko talaga iyan.

"At hinintay ko talaga ang panahong ito para maipalabas siya.

“Nasa Spotify na nga siya at sa lahat ng streaming platforms."

Read:

Mark Herras speaks up on being linked to Jojo Mendrez

Jojo Mendrez, nag-react sa mga bashers ng Revival King title niya

jojo mendrez on mark herras and rainier castillo

Maganda ang kanta at mapapa-LSS ka, pero natatabunan ito ng ibang isyu na damay ang dalawang StarStruck 1 alumni na sina Mark Herras at Rainier Castillo.

Noong pinu-promote ni Jojo ang isa pang revival song na "Somewhere In My Past," na-link sa kanya si Mark.

Ngayon naman sa "Nandito Lang Ako," si Rainier ang nakikitang kasa-kasama ni Jojo.

In fact, sa press launch, biglang sumulpot si Rainier at yumakap nang mahigpit sa umiiyak na si Jojo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga nagsasabing gimmick lamang ang paglitaw nina Mark and Rainier para pag-usapan ang mga kantang pinu-promote ni Jojo.

Ano ang reaksiyon ni Jojo dito?

Aniya: “Actually, hindi naman para ma-promote yung single. Kasi dumadating yung pagkakataon na nagkakameron sa ganyang controversy base sa mga nakikita pag magkakasama kami.

“Siyempre, habang tumatagal, yung closeness ng tao, nagkakameron ng ano iyan, e, ng magandang samahan, parang ganun.

“So, the time na si Mark ay nawala, si Rainier naman ay laging available.

"Halimbawa meron akong gagawin, may pupuntahan ako, hindi lang dito sa collab, hindi ganun. Nandun lagi si Rainier.”

“No comment” naman ang sagot ni Jojo sa diretsahang tanong kung totoo bang malaki ang naiambag niya sa pagpapaayos ng bahay ni Mark.

Kung maaari lang ay ayaw ni Jojo na pag-usapan ang tungkol kina Mark at Rainier.

Saad niya: “Hindi ko kasi alam kung saan talaga nagsisimula yung intriga.

"Kasi, the time na nakunan kami ni Mark sa Okada, nagkaroon na ng malicious na ano sa tao. Nagkakaroon na ng mga speculations na kung may nangyayari ba o whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That time, hindi ako makapagsalita kasi sa social media ang dami kong nababasa na hindi ko talaga kaya. Hindi ko naman puwedeng patulan ang ibang nagko-comment na feeling nila alam na nila yung nangyayari.

“Sabi sa akin ni Mark, huwag nang pansinin yung mga intriga.

"Tapos, dumating naman yung time na ipinakilala ako ni Mark kay Rainier.

"Si Rainier naman kasi makuwento, masayahing tao.

“Nung nagkaroon ng chance na nagkasama kami ni Rainier, nabigyan ng kulay yun.

“Parang ang hirap tanggapin, e. Hindi ko ma-explain.

"Pag magsalita ako na hindi naman totoo, hindi naman maniniwala yung tao. So, ano pa ang i-explain ko?” sabi pa ni Jojo.

Sa kabila ng mga balitang ito, laging sinasabi ni Jojo na kahit sino man ang nali-link sa kanya, ang pamilya pa rin daw niya ang laging nandiyan para sa kanya.

Ang kanyang pamilya ang laging nagsasabing “nandito lang ako” sa lahat ng highs and lows ng buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana, mag-focus na lang sa kanta lalo pa’t original song ito.

Huwag nang idawit pa sina Mark Herras at Rainier Castillo.

Kasi, walang ganyan si Anna Dizon noon. Kailangang gumawa ng sariling ingay si Jojo on his own merits.

Ayaw rin niyang matawag na "StarStruck Revival Royalty," di ba?

No, no, no, Jojo Mendrez deserves better.

(Ed's Note: Sa mga hindi nakakaalam, si Anna Dizon ay isang businesswoman na sumikat noong late 1990s at early 2000s. Nag-produce siya ng sarili niyang album, ang A Dream… A Reality, with songs composed by top composers Vehnee Saturno, Rey Valera, and Nonoy Tan.)

JERRY OLEA

JoMar ang tandem nina Jojo Mendrez at Mark Herras.

Kung “third party” si Rainier Castillo, JoMaRain na ba ito?

Nito ring Marso 21, Biyernes, ang Body of Work: The Bench Show sa SM MOA Arena kung saan tampok sina Kathryn Bernardo, Alden Richards, Joshua Garcia, David Licauco, Michele Dee, at SB19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasiklab din sa star-studded fashion extravaganza ang mga hot mommas, mga leading men and ladies, mga athletes na pinangunahan ni Hidilyn Diaz, mga beauty queens, mga love teams and newbies, at marami pang iba.

Read:

Bench show hot mommas: bongga ang pagrampa at paghahanda

KathVid, KathDen, at mga tinilian sa Body of Work: The Bench Show

Noong Biyernes din ng gabi, nag-mini concert ang Eraserheads matapos ang 7:00 P.M. screening ng Eraserheads: Combo on the Run sa isang sinehan sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Inanunsiyo rin ang Eraserheads: Electric Fun Music Festival ng grupo na gaganapin sa Mayo 31, sa SMDC Festival Grounds.

Ayon kay Nathalie Tomada ng The Philippine Star, dumagsa ang fans sa nasabing screening.

Pinag-usapan din kahit paano ang mediacon ni Jojo, pero sana’y ipinagpaliban na lang muna ang press launch niya para na-maximize ang paandar.

Nagmadali pa ngang umalis sa mediacon si Roxy Liquigan ng ABS-CBN Star Music para manood ng Body of Work, at namataan ko rin sa lobby si Jonathan Manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero move on lang dahil tapos na iyon.

After Mark Herras and Rainier Castillo, mali-link kaya si Jojo sa iba pang lalaki na produkto ng StarStruck, lalo pa’t ire-revive din niya ang kanta ni Michael Pangilinan na "Pare, Mahal Mo Raw Ako?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa press launch ng kanta ni Jojo Mendrez (R) na "Nandito Lang Ako," present si Rainier Castillo (L).
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results