PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Esnyr, apple of the eye ng PBB Celebrity Collab male housemates

Dustin Yu, hinangaan ng netizens dahil sa kanyang "bro code."
by PEP Troika
Published Mar 18, 2025
esnyr brent manalo river joseph
Social media influencer Esnyr seems to steal the hearts of the PBB Celebrity Collab male housemates, like Brent Manalo (left) and River Joseph (right).
PHOTO/S: YouTube / X

GORGY RULA

Ramdam sa social media na marami ang sumusubaybay sa reality show ng GMA-7 at ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab.

Hindi ganoon ka-consistent na mataas ang rating nito sa free TV, pero nahahatak nito pataas ang ilang programa sa GMA-7.

Lagi rin itong nagte-trending sa X at padami nang padami ang fans ng karamihan sa housemates sa Bahay ni Kuya.

Ilan sa boys na kinagigiliwan sa Bahay ni Kuya ay sina River Joseph, Josh Ford, Michael Sager, at Dustin Yu.

Ngayong Martes, March 18, 2025, trending si Esnyr dahil inilabas nito ang mga karakter na pinasikat niya sa kanyang vlogs.

Read: PBB Celebrity Collab: Ivana Alawi, "kinukuyog" ng male housemates

esnyr pbb celeb collab
Esnyr brings his different online characters inside the PBB house.
Photo/s: @reign_fangirl on Twitter
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na kinaiinggitan ng sangkabaklaan si Esnyr dahil sa dami ng mga nagguguwapuhang housemates na nakakaharutan niya.

Aliw ang closeness nila ni Brent Manalo na “Mahal” ang tawag sa kanya.

Ang sweet din nila ni River, at nakakaiinggit ang hugging nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sinu-sino ang agaw-pansin sa Day 1 ng PBB Celebrity Collab?

DUSTIN YU HONORS THE "BRO CODE"

Nakikita sa Facebook kung sino sa PBB housemates ang padami nang padami ang sumusuporta.

Isa na rito si Dustin Yu na may kilig-kiligan moments sa dating houseguest na si Ivana Alawi.

Kung nagtagal-tagal lang si Ivana sa Bahay Ni Kuya, malamang na may mabuong tandem sa kanilang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inamin naman ni AZ Martinez na crush niya si Dustin noon pa mang nagkatrabaho sila. Hindi lang daw niya alam kung bakit napanaginipan niya si Dustin noong nakaraang gabi.

Pero bilang magkaibigan si Dustin at ang boyfriend ni AZ na si Larkin Castor, tumanggi ang Kapuso hunk na mag-“chemistry test” sila ng tinaguriang "Miss Sunuring Daughter ng Cebu."

Nirerespeto raw ni Dustin ang "bro code" nila ni Larkin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post naman si Larkin sa kanyang X account at nagpasalamat kay Dustin.

Aniya, “Love you bro, biggest respects to you. Appreciate you [pray emoji].”

Okay ang ratings ng PBB Celebrity Collab magmula noong weekend, pero mukhang mas malakas talaga ito online.

Noong Sabado, March 15, ay naka-7% ito.

Noong Linggo, March 16, ay 6.2% ang rating nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Lunes, March 17, ay naka-4.7% ang PBB Celebrity Collab.

Read: Meet the 15 housemates of PBB Celebrity Collab Edition

JERRY OLEA

Samantala, medyo mababa pa rin ang viewership sa afternoon slot kung saan consistent na nangunguna ang Family Feud.

Noong Biyernes, March 14, ay naka-6.3% ang It’s Showtime, at 3.3% ang katapat nitong Eat Bulaga!.

Ang Prinsesa ng City Jail ay naka-6.8%, at 2% naman ang Frontline Express. Sumunod dito ang rewind ng Saving Grace na naka-0.7%.

Ang Mommy Dearest ay naka-6.8% din.

Sumunod ang Binibining Marikit na 5.5%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.6%, at ang Will To Win ay 1.3%.

Ending na rin ng Perfect Marriage Revenge na naka-2%, at sumunod ang Family Feud na naka-6.7%.

SATURDAY AND SUNDAY RATINGS

Noong Sabado, March 15, naman ay naka-6% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.3% pa rin.

Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na naka-6.5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Tadhana ay 5.8%, at sumunod ang Wish Ko Lang! na 5%.

Ang Maka ay 4.7%.

Samantala, mukhang nasa labas ang karamihan dahil bagong suweldo. Kaya hindi rin ganoon kataas ang viewing level noong araw na yun.

Ang All-Out Sundays ay 2.8%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2%.

Sumunod ang Regal Studio Presents na naka-3.4%, at ang Resibo ay 3.7%.

Ang FPJ Sa GMA ay naka-5%.

Noong Lunes, March 17, ay naka-5.5% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.4%.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 5.5%, at ang Frontline Express ay 2.3%.

Ang Mommy Dearest ay 6%, at ang Binibining Marikit ay 5.6%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4%, at sumunod ang nag-pilot na Red Balloon na naka-2.6%.

Ang Will To Win ay 1%.

Ang Family Feud ay 7.1%.

NOEL FERRER

Kumalat noon pa ang tsismis tungkol sa isang poging aktor na meron daw video scandal. Hindi ito gaanong pinag-usapan noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumitaw lang uli ito ngayon dahil nasa PBB Celebrity Collab na umano ang poging aktor at napapansin na ng netizens.

Posibleng nakatulong ang PBB sa rating ng pagtatapos ng My Ilonggo Girl.

Pataas nang pataas ang rating ng drama series na ito nina Jillian Ward at Michael Sager na matatapos na sa Huwebes, March 20.

Naka-7.8% ito noong nakaraang Lunes, March 17.

Read: Is Jillian Ward ready to do kissing scenes in her projects?

WEEKEND RATINGS

Narito pa ang ratings ng primetime noong Biyernes, March 14…

Naka-12.3% ang 24 Oras.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay 8.3%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 15.7%.

Ang Mga Batang Riles naman ay 7.5%, at ang Incognito ay 8.6%.

Nagtabla sa 4.9% ang Amazing Earth at Saving Grace.

At ang sumunod na PBB Celebrity Collab ay 3.8%.

Noong Sabado, March 15, pagkatapos ng PBB ay naka-9.5% ang Pepito Manaloto.

Ang Magpakailanman naman ay 8.8%, at sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-5.7%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Linggo, March 16, pagkatapos ng PBB ay sumunod ang Bubble Gang na naka-8.3%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 12.2%.

Pagkatapos nito ang The Boobay and Tekla Show na naka-3.4%.

Read: TV show, nag-last taping day na dahil sa mababang ratings

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Social media influencer Esnyr seems to steal the hearts of the PBB Celebrity Collab male housemates, like Brent Manalo (left) and River Joseph (right).
PHOTO/S: YouTube / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results