GORGY RULA
Sa gitna ng mainit na mga kaganapan sa pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, takaw-pansin ang close-in security ni Vice-President Sara Duterte na si Lt. Raven Snapper.
Trending ngayon si Lt. Raven dahil na rin sa mga netizen na curious malaman kung sino siya.
Ayon sa mga impormasyong nakalap ng netizens sa Facebook, 30 years old na si Lt. Raven.
Siya ay Philippine Navy officer mula sa Cordillera Administrative Region, Luzon.
He is the youngest among three siblings who are all Navy officers.
Nag-graduate siyang top sa kanyang class sa Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Batch 2015.
Second cousin daw siya ni VP Sara.
Read: VP Sara Duterte, dismayado sa pagkaaresto ni ex-President Duterte
VP SARA DUTERTE'S HANDSOME CLOSE-IN SECURITY
Si Lt. Raven ang palaging kasama ng VP Sara sa mga pinupuntahan nito, at kasama siya nito sa Netherlands.
Kitang-kita siya sa likod ni VP Sara, at kapansin-pansin ang kaguwapuhan ng tsinitong security ng ating bise-presidente.

Bukod sa mga nagko-comment para sa dating Pangulo at kay VP Sara, meron ding mga nagko-comment nang mahaharot na mensahe para kay Lt. Raven Snapper.
Malamang na magiging celebrity na rin siya kapag sumikat na sa social media.
At least, kahit paano napapagaan ang bigat ng mga ganitong balitang sinusubaybayan natin ngayon.
Read: FULL COPY: ICC Warrant of Arrest for Mr. Rodrigo Roa Duterte
JERRY OLEA
Mabangis at matalas ang parunggitan at balitaktakan ng netizens kaugnay sa pagkadakip kay dating Presidente Digong.
Nagpiyesta ang mga troll, marites, at fake news peddlers.
Marami ang bida-bida na kapagkuwan ay nasupalpal, at sandamukal pa rin ang bulag-bulagan o sadyang bobita vanderbilt.
Bumaha ng memes at samu’t saring pautot.
UPDATE ON EX-PRESIDENT DUTERTE
Sabi ni VP Sara Duterte sa press briefing pagkatapos ng ICC hearing ni dating Presidente Digong: “I visited President Duterte. He is in the hospital wing of the detention center.
"And he is in good spirit. He is well taken care of.
"Nag-comment lang siya na he really misses Filipino food. Yun lang.
“But very recently sa meal nila, meron nang rice. So, that was a good development.
"And then we discussed about his legal team, and we discussed about the family, and we discussed about the country."
Ano kaya kung eventually ay pumasok ang pogilicious at yummylicious na si Lt. Raven Snapper sa Bahay ni Kuya?
Abang-abang na lang tayo sa mga susunod na chapter!!!
Read: VP Sara, Robin, Roque nasa The Hague para suportahan si Duterte

NOEL FERRER
Maganda itong dinaraanang legal process ng lahat — na argumento at lohika ang pinaghahandaan at pag-uusapan.
Hindi haka-haka o drama na laging ipinapain sa mga Pinoy. Walang fake news. Panay datos at pruweba at katotohanan.
Diyan lalabas ang accountability. Na hindi entertainment at pang-aliw.
Iyan ang katotohanan na kailangan nating harapin bilang bayan.
Sa huli’t huli, kailangang tumabi-tabi na ang spin masters at mga payaso. Hayaang manaig ang katotohanan!
