PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beautiful Actress, may possible project na, kaya lang...

Wala pang idea yung kausap kung ano ang gagawin niya.
by PEP Troika
Published Mar 15, 2025
Blind Item, Beautiful Actress, Magandang Controversial Actress, Dating Beauty Queen-Actress
Si Beautiful Actress (kaliwa), may gagawin na raw project. Samantalang si Magandang Controversial Actress (gitna), binawian ng proyekto na ibinigay kay Dating Beauty Queen-Actress (kanan). The who??!!

GORGY RULA

Ipinadala sa akin ng isang kaibigan ang kuha ni Beautiful Actress—na tinaguriang "Banyo Queen"—ng groufie sa isang production team.

Sabi ng aming friend na nagpadala ng litratong iyon, meeting daw iyon ni Beautiful Actress sa isang production team na magpo-produce ng drama series na gagawin niya.

Parang sampal niya sa akin ang litratong iyon para sabihing, “Sino ang nagsasabing wala siyang naka-line up na projects? Eto, o!”

Yes, nakipag-meeting si Beautiful Actress para sa possible project na gagawin niya. Pero ibang team ito.

READ

Dahil so far ay wala ngang plano sa kanya ang dating production team na gumagawa ng mga series niya.

Wala pa raw silang maibigay sa akin na idea kung ano ang gagawin niyang series at kung sino ang makakasama dahil kinausap pa lamang si Beautiful Actress sa binabalak nilang project.

Wala pa raw napag-usapan kung sinu-sino ang makakasama ni Beautiful Actress.

Sabi sa akin ng kaibigan ko, siguro naman napapag-usapan naman nila ang oras ng trabaho, at titiyaking hindi makakaabala sa taping ang madalas niyang paliligo sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Merong isang aktor na nagdidirek din na nagkukuwento tungkol dito kay Beautiful Actress na madalas ang paliligo sa set.

Okey lang daw iyon, basta huwag lang daw magpahintay sa co-actors.

Kahit itong si Aktor ay naliligo rin daw sa set lalo na kapag matindi raw ang mga eksenang ginawa niya.

Siya raw kasi ay gusto niyang fresh lahat ang susunod na isusuot niya. Bago ang damit, pati ang underwear ay nagpapalit siya pagkatapos niyang maligo.

May ilang co-actors ding ipinagtanggol si Beautiful Actress. Hindi naman daw ito abala sa set.

Noong una raw ay medyo hindi siya kumportable sa production team na katrabaho niya. Pero nakikita raw na nag-e-effort si Beautiful Actress para makisama sa production team.

Kaya lang, hindi na talaga siya type makatrabaho ng ilang members ng production team.

NOEL FERRER

May latest din kami sa isang magandang drama series na pagbibidahan ng dalawang lead actress ng TV network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Blind Item, Magandang Controversial Actress, Dating Beauty Queen-Actress

Hindi pala natuloy ang pagbabalik-acting ni Maganda at Kontrobersyal na Aktres dahil hindi raw sila nagkaayos sa kanilang pag-uusap.

Maaring hindi pa talaga handa si Magandang Aktres sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Ang latest, ibinalik daw nila uli kay Dating Beauty Queen-Actress ang project at napapayag na raw ito.

Maganda kasi ang role at mas bagay raw kay Dating Beauty Queen-Actress ang role na mala-Miranda Priestly sa pelikulang The Devil Wears Prada (2006).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman daw ito mahabang soap. Ang plano raw nila ay mga 8 weeks lang ito. Pero kung maganda ang feedback at ratings, malamang na pahahabain pa ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Beautiful Actress (kaliwa), may gagawin na raw project. Samantalang si Magandang Controversial Actress (gitna), binawian ng proyekto na ibinigay kay Dating Beauty Queen-Actress (kanan). The who??!!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results