JERRY OLEA
Siyempre, malungkot si Peach Caparas sa birthday ng ama niyang si Direk Carlo J. Caparas ngayong Marso 12, 2025.
First birthday ito ni Direk Carlo J sa kabilang buhay, at nasa puso pa ni Peach ang hinagpis at pagluluksa.
Read: Carlo J. Caparas dies at 80
“Pero sa totoo lang, meron akong joy na nararamdaman,” sabi ni Peach sa PEP Troika via Messenger.
“Joy and gratitude po, kasi finally magkasama na sila ng mom namin mag-celebrate. That’s what he always wanted.”
Ang mom ni Peach ay si Donna Villa na naunang pumanaw noong Enero 17, 2017.
Pumanaw si Direk Carlo J. noong Mayo 25, 2024.

CELEBRATION IN HEAVEN
Pagpapatuloy ni Peach, “Kaya po kahit nung buhay siya, pag mag-birthday siya, gusto niya po talaga dun sa mom ko mag-celebrate.
“Kain kami dun, chikahan kami dun, basta mag-bonding kaming mag-ama, kasama si CJ, doon sa final resting place ng mom namin.
“So, kahit separated na si Dad sa amin, hindi namin siya mabati, mayakap, makantahan, alam ko naman po na nagse-celebrate siya the way he wants with our mom up there.
“Miss na miss na namin siya dito pero kapalit po nun yung makasama ulit ni Dad yung mom namin, parang enough na po yun para sa akin.”
Read: Direk Carlo J. Caparas, pumayag maging assistant director ng anak
NOEL FERRER
Ang sabi naman ng brother ni Peach na si CJ Caparas kaugnay sa birthday ng kanilang dad today: “Sa puso at isip namin ay nandiyan pa rin siya dahil sa tuluyang pagsuporta at pagtangkilik ng mga tao sa kanyang mga ginawa sa industriya.
“Our dad’s memory is always part of every decision we make as a family.
“We are also happy knowing that he will remain relevant in the mainstream popular culture.”

Kabilang sa mga karakter na nilikha ni Direk Carlo J. ay sina Bakekang, ang Panday na si Flavio, Joaquin Bordado, Totoy Bato, Kamandag, Kamagong, Elias Paniki, Gagambino, at Tasya Fantasya.
Balitang ire-remake daw ng Viva ang Durugin si Totoy Bato (1979). Sino kaya ang magbibida rito?
Read: Carlo J. Caparas: The real Panday
GORGY RULA
Napakabilis ng panahon.
Ilang buwan na lang, isang taon na ring namayapa si Direk Carlo J. Caparas.
Kapag si Direk Carlo ang napag-usapan, maaalala na rin si Donna Villa na napakabait sa lahat na taga-showbiz.
Noong pumanaw si Tita Donna, ramdam ko talaga ang pighati ni Direk Carlo kapag saglit ko siyang nakakapanayam.
Maayos kaming nag-uusap dahil natutuwa rin siya kapag may taga-showbiz siyang nakakatsikahan.
Pero habang tumatagal, gusto na niyang tapusin ang pag-uusap namin dahil nangungulila na siya kay Tita Donna.
Tiyak na masaya na si Direk Carlo ngayon sa kanyang kaarawan sa kabilang buhay dahil kasama niyang magdiriwang ang pinakamamahal niyang asawa.
Buhay na buhay pa rin ang mga obra ni Direk Carlo, at pinag-iisipan ni Senator Bong Revilla na isapelikula uli ang mga gawa nito.
Napag-usapan na raw nila noong nabubuhay pa si Direk Carlo na gawin nila uli ang Panday.
Gustong tuparin ni Bong ang pangako niya sa namayapang nobelista at direktor.
Read: Actress/massacre-films producer Donna Villa dies of cancer
