GORGY RULA
Matuloy kaya ang pagbabalik-acting ng magandang aktres na matagal nang tumigil sa pag-aartista?
Nasagap ng PEP Troika na inalok ng isang TV network si magandang aktres na lumabas sa binubuo nilang teleserye.
Bida sa teleseryeng ito ang dalawang lead actress ng TV network. Pero malaki at mahalaga raw ang role na inalok kay magandang aktres.
Read: Pretty actress na nasa 20s pa lang, nagpa-facelift na agad
Ayon pa sa kuwentong nakarating sa PEP Troika, unang inalok ang role na ito sa isang beauty queen-actress.
Ewan kung ano ang nangyari sa usapan, pero hindi ito natuloy.
Ang naisip daw nilang ipalit sa beauty queen-actress ay si magandang aktres na kontrobersiyal din.
MAGANDANG AKTRES, PUMAYAG NA?
Kung hindi kami nagkamali, nabanggit ng magandang aktres na hindi na niya babalikan ang pag-arte.
Panindigan niya kaya ito o nagbago na ang desisyon niya?
Ang sabi ng aming source, mukhang okay na si magandang aktres, pero wala ito sa story conference ng binubuong teleserye.
Tinanong namin ang ilang taga-production kung bakit wala si magandang aktres sa storycon. Baka raw hindi pa tapos ang usapan.
Pero ang pagkakaalam daw nila ay umokay na raw ito.
Kapag matuloy itong si maganda at kontrobersiyal na aktres, tiyak na siya ang pag-uusapan sa teleseryeng ito.
Read: Tatlong Kuwento: Masarap, Masakit, Makulay Ang Magmahal
NOEL FERRER
Ang title daw ng project na tampok ang magandang aktres ay may konek sa kagandahan, at maganda raw ang kuwento.
Ito kaya ang ipapalit sa teleseryeng maka-cut short daw dahil hindi nagre-rate?
Kung totoo ito, baka mag-iiyak uli ang bidang aktres dahil tatapusin na agad ang teleserye nito.
Nagsusumbong daw si bidang aktres sa ilang katrabaho na bakit sa kanya lang isinisisi na hindi nagre-rate ang programa niya.
Hindi lang naman daw siya ang artista sa serye nito.
JERRY OLEA
Dalawang teleseryeng hilahod sa ratings ang inaasahan nating ire-reformat o tatapusin sa lalong madaling panahon.
Nakaka-excite kung magka-comeback sa acting ang magandang aktres, na matagal-tagal nang nagpahinga sa TV at pelikula.
Hindi niya kailangang magbalik-akting. Kaya dapat worth it ang comeback project niya!
Read: Tatlong boy toys, nakikinabang sa kani-kanilang benefactors
