JERRY OLEA
Ang lakas ng palakpakan sa curtain call ng opening night ng dulang Anino Sa Likod ng Buwan nitong Marso 1, 2025, Sabado, sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Nag-standing ovation ang audience.
GLADYS REYES
Bahagi ng Facebook post ni Gladys Reyes na kabilang sa mga nanood sa opening night: “Grabe! Malala, matapang! Kung mahina-hina ka, baka di mo kayanin!
“Unang eksena pa lang, todo na! Ang tindi nyo Joel (Martin Del Rosario), Nardo (Ross Pesigan) at Emma (Elora Españo).”
Nasa opening night din sina National Artist Ricky Lee, Hilda Koronel, Eugene Domingo, Jackie Lou Blanco, Cherry Pie Picache, at Vice Ganda.
Read: Martin del Rosario nagpasilip ng "tangkay" sa entablado

VICE GANDA
Bahagi ng reaksiyon ni Vice na pinost ng The IdeaFirst Company sa socmed: “Ang lala ng experience ko. I was super in awe. Yung ganung pagtatakal.
“Sabi ko, isa ito sa pinakamagagandang napanood ko na performances, kasama na yung mga pelikula at sa mga napanood ko sa telebisyon.
“After watching this play, grabe yung pagsaludo ko, yung respeto ko, yung paghanga ko sa talent, sa brilliance, sa passion, sa discipline, sa dignidad, sa talino nung mga actors na pinanood ko.
“Grabe! Ang taas-taas ng pagtingin ko sa kanilang lahat. Ayokong magbigay ng ano mang clue kung anong napanood ko. Kasi, kailangan nilang mapanood nang personal.
“Sobrang daming emosyong naramdaman ko. Andami kong itinanong, tapos andami kong ikinagulat, natuklasan…”
Ang dulang Anino sa Likod ng Buwan ay strictly for adults only.
Idinirek ito ni Tuxqs Rutaquio, mula sa panulat ni Jun Robles Lana.
Read: Elora Espano, "nag-orgasm" pagkatapos ng Anino sa Likod ng Buwan
JUN LANA
Post ni Direk Jun sa X (dating Twitter) nitong Sunday afternoon: “Last night, Anino sa Likod ng Buwan opened, and it felt like a culmination of years of shared stories and trust. It was a raw, beautiful unfolding, an emotional rollercoaster from start to finish. To everyone who joined us, thank you for making it truly magical.
“More than anything, I'm grateful for the artists who've walked this path with me. You've become my troupe, my confidants, my muses in this creative journey. Meme, Uge, Gladys, Ms. H — your presence meant the world. Collaborating with you isn't just work; it's a deep, shared language.
“To Elora, Ross, and Martin, your performances were breathtaking. And to Tuxqs, your vision made this brave, mind-blowing production a reality.
“Congratulations to everyone who contributed their unique talents. Here's to the stories we continue to tell.”
Palabas ang Anino sa Likod ng Buwan kung weekends sa PETA Theater Center hanggang Marso 23, 2025.
GORGY RULA
Buhay na buhay ang local theater scene ngayong Marso 2025.
KISAPMATA
Mag-o-open ang dulang Kisapmata sa Marso 7, Biyernes, sa Tanghalang Ignacio Gimenez, CCP Complex.
Handog ito ng Tanghalang Pilipino.
Tampok sina Jonathan Tadioan, Lhorvie Nuevo-Tadioan, Toni Go-Yadao, at Marco Viaña.

Adaptation and direction by Guelan Varela-Luarca with the Tanghalang Pilipino Actors Company.
Hango ang dula sa 1981 movie na Kisapmata, idinirek ni Mike de Leon. Bida rito sina Charito Solis, Jay Ilagan, Vic Silayan, at Charo Santos.

LIWANAG SA DILIM
Marso 7 rin ang opening ng Liwanag sa Dilim sa RCBC Plaza sa Ayala cor. Buendia Ave., Makati City.
It features the songs of Rico Blanco.
Nasa cast nito sina Khalil Ramos, Alexa Ilacad, Vien King, Rita Daniela, Anthony Rosaldo, Neomi Gonzales, CJ Navato, Nicole Omillo, Jon Abella, Raul Montesa, Boo Gabunada, at marami pang iba.
Book and direction by Robbie Guevara.

PARA KAY B
Marso 14-30 naman ang run ng Para Kay B: A Stage Adaptation sa Doreen Black Box Theater sa Ateneo de Manila University, Quezon City.
Base ito sa nobela ni National Artist Ricky Lee.
Ang direktor ay si Yong Tapang Jr.
Read: John "Sweet" Lapus returns to theater via musical Delia D.

NOEL FERRER
Tama!
Habang medyo salat ang nanonood ng pelikula sa sinehan, may sektor ng ating mga kababayan, mas hinahangad na manood ng mga dula sa teatro.
Meron pa nga akong kaibigan tulad nina Ronald Arguelles, Rico Gonzales, Ivy Lisa Mendoza, at Eric Cabahug na nagsho-showbuy ng mga palabas tulad ng Kisapmata nila sa March 22 ng 3:00 P.M., at Liwanag Sa Dilim sa March 28 ng 8:00 P.M.
Tinatanong ko sila kung gaano kabilis ang bentahan ng tickets, sabi nila, OK pa naman ang kanilang investment.
Pero ang bagong shows na binili nila ay kailangan din ng matinding push.
INTO THE WOODS
Siyempre, ang phenomenal ang sales ngayon sa teatro ay Into The Woods na ubusan at sold-out na agad.
May ire-reveal pa ngang cast member na talagang interesting follow-up ito after niyang manalo ng award, kaya exciting talaga!!!

UPCOMING THEATER PRODUCTIONS
Tapos may Othello pa with my dear talent Gab Pangilinan, na katatapos din ng kanyang successful solo concert.
Hindi pa man nagsisimula ito ay may nakalinya na ring We Aren’t Kids Anymore with husband Myke Salomon under Barefoot Theatre Collaborative.
Tapos, totoo bang may rerun ang Pingkian: Isang Musikal at kasama naman doon ni Gab si Vic Robinson under Tanghalang Pilipino?
May open sked pa kaya sila?
Buhay na buhay ang teatro.
Dahil na rin siguro sa live experience dito na hindi mae-experience sa streaming.
At willing magbayad ang mga tao kahit may kamahalan, ha!
E, paano na kaya ang ordinaryong tao, ano na ang kanilang libangan?
Asahan ninyo, diyan lumalabas ang pagka-creative ng mga Pinoy!
