PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV show, nag-last taping day na dahil sa mababang ratings

Binibining Marikit at Lolong: Bayani ng Bayan, ma-extend kaya?
by PEP Troika
Published Feb 26, 2025
dingdong dantes coco martin tv ratings
THE CURRENT KINGS OF PHILIPPINE TV; Dingdong Dantes's Family Feud PH is currently the No. 1 afternoon program, while Coco Martin's Batang Quiapo is the No. 1 primetime show.
PHOTO/S: Family Feud PH / Dreamscape Entertainment

GORGY RULA

Meron palang isang TV show na nag-last taping day na kamakailan lang.

Hindi matiyak ng aming source kung naka-one season ito pero kailan lang ito nag-pilot, kaya nagulat kami nang nabalitaan naming tatapusin na pala ito.

Ayon sa mga napagtanungan namin, hindi raw maganda ang performance nito sa ratings kahit minsan ay pinag-usapan pa sa social media ang ilang episodes nito.

Maganda pa naman ang concept at ngayon lang nabigyan ng chance na mag-host itong talented actress. Kaya sayang naman.

Read: Binibining Marikit, hindi pa humahataw nang todo sa ratings

FEBRUARY 24 RATINGS

Nakakalungkot kasi pahirapan na rin talagang mapag-rate ang mga programa.

Ang suwerte mo na kapag consistent kang mataas, kagaya nitong Prinsesa ng City Jail nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Noong Martes, February 25, ay naka-6.1% ito. Habang ang katapat nitong Frontline Express sa TV5 ay 2.6%, at ang rerun ng Huwag Kang Mangamba ay 0.5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo bumaba naman sa 5.8% ang Mommy Dearest na kasisimula lang noong Lunes, February 24.

Ganundin din ang Binibining Marikit na 4.9% ang naitalang rating.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4%, at ang Perfect Marriage Revenge ay 2.7%.

Tumaas naman ang Family Feud kung saan naglaro ang mga radio personality. Naka-8.1% ito.

Ang game show ni Dingdong Dantes pa rin ang pinakamataas sa mga programa sa afternoon slot.

Read: Kapuso afternoon shows, patuloy na namamayagpag sa ratings

family feud radio hosts
Photo/s: Family Feud Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

As expected, ang FPJ’s Batang Quiapo pa rin ni Coco Martin ang namamayagpag sa primetime.

Simulan muna natin sa 24 Oras na naka-12.7%, at ang TV Patrol ay 4.2%, at ang Frontline Pilipinas ay 3.1%.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay 8.2%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 17.7%.

Sumunod ang Mga Batang Riles na 8%, at ang katapat nitong Incognito ay 9.7%.

Bongga naman ang My Ilonggo Girl dahil tumataas pa ito. Naka-7.2% ito nung gabing yun, at ang katapat na How To Spot A Red Flag ay 3.5%.

Read: Batang Quiapo, unbeatable sa ratings at online views

JERRY OLEA

Ispageting pababa nang pababa ang ratings ng Binibining Marikit, pero mas mataas pa rin siyempre ito sa mga kasabayang programa sa ibang TV stations.

Iyong Lolong: Bayani ng Bayan ay inilalampaso nang lubos ng FPJ’s Batang Quiapo.

Pakiwari ko’y hindi ie-extend ng management ang Binibining Marikit at Lolong: Bayani ng Bayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nawa’y tapusin na ang mga ito sa lalong madaling panahon.

FUTURE RIVALS?

Bongga ang Incognito, na nakabalik sa No. 1 position sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, at mukhang kapit-tuko roon.

Masaya ako para kay Michael Sager na leading man ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl. Wagi ang kanilang pakilig sa primetime!

Sa hapon, rumaratsada naman si Sofia Pablo bilang Prinsesa ng City Jail.

Darating kaya ang panahon na magiging mahigpit na magkaribal sina Jillian at Sofia bilang bagong reyna ng Kapuso Network?

Read: Sofia Pablo, muling nagkomento sa isyu nila ni Jillian Ward

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
THE CURRENT KINGS OF PHILIPPINE TV; Dingdong Dantes's Family Feud PH is currently the No. 1 afternoon program, while Coco Martin's Batang Quiapo is the No. 1 primetime show.
PHOTO/S: Family Feud PH / Dreamscape Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results