JERRY OLEA
Rocking sold out ang Almost 40 concert ng The Dawn nitong Pebrero 22, 2025, Sabado ng gabi, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.
Tayuan na ang audience at naki-sing along sa last three songs ng banda na "Iisang Bangka," "Enveloped Ideas," at "Salamat."
May beer in can ang lead vocals na si Jett Pangan, at ang sabi sa mga manonood, “Cheers!”
Read: Jett Pangan, sinabing ang "Salamat" ng The Dawn ay kanta ng Pinoy

Iilan lang sa audience ang um-order ng beer. Karamihan ay bottled water ang in-order, at abala sila sa pagbi-video ng mga kaganapan.
“You’re licensed to go crazy!” bulalas ni Jett bago banatan ang "Enveloped Ideas."
THE DAWN'S ALMOST 40 REPERTOIRE
Most of the audience ay ka-contemporary niya at behaved sa nasabing concert.
Napaka-nostalgic ng Almost 40, kung saan ginunita ni Jett ang 1980s, ang era ng casette tapes.
Ang apat na kasamahan ni Jett sa current line-up ng The Dawn ay sina JB Leonor (drums), Sancho Sanchez (guitar), Bim Yance (bass), at Francis Reyes (guitar).
Binigyang-pugay din nila ang founder at original guitarist ng The Dawn na si Teddy Diaz (1963-1988) sa awiting "Beyond The Bend."
Namatay si Teddy sa saksak ng dalawang tambay sa harap ng tahanan ng kanyang kasintahan.
Sambit ni Jett, “It’s also a call to peace and all that."
Read: Jett Pangan joins GMA teleserye; reveals how The Dawn will celebrate 30th anniversary

Bahagi rin ng repertoire ng Almost 40 ang "Abot-Kamay," "Little Paradise," "Tulad ng Dati," "Segurista," ang "Posporo" na ni-release noong 2021, at ang latest single nilang "Missing Hearts."
Sabi ni Jett kaugnay sa bago nilang kanta, “Thank you, Sony Music Philippines, for believing us that we are actually making new songs after 39 years of existence as a band.
"This is actually directly influenced by you know the era of New Wave and the ‘80s in general.
“Sino ang mga kasama namin dito sa SM parking lot noong ‘80s, meron ba? Yung mga house parties. Yung mga concert/mobile disco.”

Marami ang nagtaas ng kamay at sumagot, “Iyan, iyan!”
Dagdag ni Jett, “It’s a new song, but I hope it brings back memories.”
Matapos kantahin ang "Missing Hearts," ang pagbibiro ni Jett, “It’s available in your favorite streaming platforms like Friendster and MySpace,” na parehong nauso bago nagkaroon ng Twitter, Facebook, at YouTube.
Patok siyempre sa audience ang joke na iyon ni Jett.
Only legends know?!
NOEL FERRER
THE DAWN'S ALMOST 40 GUESTS
Panauhin sa Almost 40 concert in order of appearance sina Aila Santos, Quest, Rayver Cruz, at Ebe Dancel.
Inawit ng YouTuber na si Aila ang hit song niyang "Ikaw Pa Rin Ang Mahal," at naki-jamming siya kay Jett Pangan sa "Little Paradise."
Nagpakitang-gilas ang rapper na si Quest sa kantang "Saludo," na angkop sa concert dahil sinasaluduhan niya ang The Dawn.

Ang intro ni Jett kay Rayver, “In a few seconds, he’ll be serenading you. Isa po siyang kilalang tao. Kaya napuno po ang concert namin dahil sa kanya.”
Tilian ang fans, saka nagpatuloy si Jett, “Magaling siyang mananayaw. Magaling siyang kumanta, magaling siyang maggitara. At medyo artistahin din ang itsura…
“Handa na ba kayo?! Ladies and gentlemen, such a revelation. This guy is such an artist. We’d like to call in Mr. Rayver Cruz!”
Read: Rayver Cruz, handa nang mag-propose kay Julie Anne San Jose?

Pagbati ni Rayver sa fans, “Sa lahat po ng nandito ngayon, magandang gabi. Pangarap ko lang po dati, ngayon kasama ko na po ang The Dawn.”

Paalala ni Jett, “Nag-usap tayo, di ba? Sabi ko, huwag mong masyadong gagalingan, OK.”
Sagot ni Rayver sa Kuya Jett, mag-dance showdown sila.
“Saka na, saka na. Te-training muna ako sa chiropractor,” say ni Jett.

Naggitara at umawit si Rayver ng "Gravity."
Afterwards ay nag-duet sila ng kantang "Totoo," na ni-record ni Rayver para sa isang bagong pelikula.
GORGY RULA
Wagas ang pasasalamat ng The Dawn sa mga patuloy na tumatangkilik sa banda.
Sabi ni Jett Pangan, “Maraming-maraming salamat for being here. It’s really very special to us na nandito kayo.
“We are already, you know, as mentioned so many times. We’ve been around for quite a while. What, thirteen, fourteen albums in total, pero siyempre nagbabagu-bago ang panahon and we’re still here.
“We’re still here because of you!
"Kayong mga talagang nakikinig sa music namin, mga sumusuporta sa amin.
"Of course mga fans ni Francis Reyes…”
Dumalo rin sa concert na iyon ang mga kapamilya ng The Dawn, at iyong “listers” o nasa mailing list nila.
Thankful din ang The Dawn kay Jonathan Wee ng Ticket1 Concerts, na nag-produce ng Almost 40.
Bahagi naman ng intro ni Jett kay Ebe Dancel, “Ito, idol ko sa pagkanta, pagsulat ng awitin. And wow, he’s really one of the best!
"For the band, at napakasarap ding kasama sa kuwentuhan, at pagkain ng lechon.”
Read: Street musician hindi akalaing makaka-duet si Ebe Dancel

Kinanta ni Ebe ang isa sa biggest hits niyang "Mariposa."
Nag-duet afterwards sina Ebe at Jett ng U2 song na "All I Want Is You," na sinundan ng duet nila ng "Abot-Kamay."

Sabi ni Jett, he’s such a big fan of Ebe.
Pagtatapat naman ni Ebe sa kanyang fans, may close connection siya sa members ng The Dawn.
Aniya, “When I was starting out and I spent my lifetime savings on Sugarfree’s demo, Jett, hindi mo na siguro maalala to… but there’s one festival, maaga kaming tumugtog kasi kami, one of the front acts for the great bands.
“Tapos may lumapit sa akin. Sabi niya, ‘Hinahanap ka ni Jett Pangan!’ Tapos natakot ako, ‘Anong ginawa ko?!’ ‘He just wants to meet you.’ ‘I didn’t do anything!’ ‘No! No! No! No!’
“And then, and then you said you heard the demo and you think I should keep going on.
"And Sancho [Sanchez] is my long-time producer from my Sugarfree to my solo days.”

Palakpakan at hiyawan ang audience.
Pagpapatuloy ni Ebe, “And Francis Brew was one of the first DJs to play our demo and it became a staple in the playlist of NU 107. And maybe without these guys, I don’t know where I would be.”
Singit ni Jett, “Cheers to Ebe Dancel,” at palakpakan muli ang audience.
Dagdag ni Ebe, “So when they called and they said, ‘Hey, do you wanna play with us?’ Para namang may gagawin akong iba, ‘Yeah, yeah, sure.’ Kunyari, ‘Yeah, yeah, OK.’”
Hirit ni Jett, sobrang busy ni Ebe kaya lubos ang pasasalamat niya sa paggi-guest nito sa Almost 40 concert nila.
Sabi pa ng The Dawn vocalist, “Actually yung kanta namin na 'Tulad ng Dati,' ewan kung nasabi na ni Francis sa iyo, ahh sinulat ko ang lyrics nun, and The Dawn’s music as well was heavily influenced by Sugarfree.”
