PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beteranang sexy actress, hindi tumalab ang alindog sa hunk actor

"Kamay ni Hilda" ng beteranang sexy actress, gumapang sa harapan ng hunk actor.
by PEP Troika
Published Feb 17, 2025
blind itm sexy actress hunk actor
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

May manok na pihikan.

Kahit palay na ang lumalapit, kung hindi ito swak sa kanya ay hindi niya ito tutukain.

Ganito ang scenario sa pagitan ng isang twentysomething hunk actor, at sexy actress na mahigit dalawang dekada na sa local showbiz.

Nagkasama ang hunk actor at sexy actress sa isang mapangahas na pelikula na nagsyuting sa probinsya.

Read: Blind item: Mahusay na aktres, nabuntis ng magaling na aktor

Isang araw, sabay na natapos ang mga eksena nila.

May kotse ang hunk actor kaya wala siyang problema sa pag-uwi.

Walang sasakyan ang sexy actress. Inihahatid siya ng service pauwi.

E, ayaw ni sexy actress na tumanghod pa sa set at hintayin ang service.

"KAMAY NI HILDA"

Pinakiusapan ng taga-production si hunk actor na isabay na si sexy actress sa pagbalik sa Kamaynilaan.

Madaling kausap si hunk actor. Agad napahinuhod.

Siyempre, sa tabi niya umupo ang sexy actress.

Noong nasa biyahe na sila, nagulat si hunk actor dahil agad-agad gumapang ang “kamay ni Hilda” at kumambiyo sa kanyang harapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magalang na tumanggi ang hunk actor sa sexy actress.

Pero hindi nagpaawat ang sexy actress at dumampi ang uhaw nitong mga labi sa leeg ni hunk actor.

Hindi nadarang ang hunk actor.

Hindi siya marupok sa sexy actress na ang turing siguro niya ay tiyahin na niya.

Pinagsabihan ni hunk actor si sexy actress na kung hindi siya tatantanan nito, ibabalik na lang niya ito sa set.

Read: Actor-politician pinapresinto ang nandakmang businessman-producer

NOEL FERRER

Kahit nagmumura ang boobs ni sexy actress, wah epek ang panghaharot niya sa hunk actor.

Hindi napukaw ang sexual drive ng hunk actor sa sexy actress na mahigit sampung taon ang tanda sa kanya.

Buti naman at pumayag si sexy actress na ibalik na lang siya sa set. Sasabay na lang si sexy actress sa service ng production.

Bumuwelta si hunk actor.

Pagbalik sa set, bago bumaba sa kotse si sexy actress ay nanghiram pa siya sa hunk actor ng PHP500 na pamasahe para makauwi sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para huwag nang humaba ang usapan, binigyan ni hunk actor ng PHP500 si sexy actress.

JERRY OLEA

Yummylicious pogilicious si hunk actor, kaya hindi kataka-takang maharuyo sa kanya ang beteranang sexy actress.

Nagsawa na siguro si sexy actress sa mga lalaking mas may edad sa kanyang nagpasasa sa kanyang katawang alabok.

Chance na sana niyang makatikim ng fresh meat, naunsyami pa!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results