PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn at Alden, magpapakilig muli sa isang fashion show?

Hello, Love, Again No. 1 pa rin sa Netflix Philippines Top 10 Movies.
by PEP Troika
Published Feb 15, 2025
kathryn bernardo alden richards hello love again
Kathryn Bernardo at Alden Richards, magsama kaya muli sa fashion show matapos ang record-breaking Hello Love Again movie?
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

Magpapakilig kaya sina Joy at Ethan sa Bench Body of Work sa Marso 21, 2025 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena?

Sina Joy at Ethan ang characters na ginampanan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa mga pelikulang Hello, Love, Goodbye (2019) at Hello, Love, Again (2024).

Read: PEP Most Influential 2024 Sure Bet: Alden Richards

Ang Hello, Love, Again ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).

Read: PEP Most Influential 2024 Sure Bet: Kathryn Bernardo

Kahapon at ngayon ay number 1 ang Hello, Love, Again sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.

Sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH ay hindi pa natitinag sa top spot ang Tamang Panahon ni Alex Calleja, kaya number 2 pa rin doon ang Incognito na pinangungunahan ni Daniel Padilla.

KATHRYN, ALDEN SABAY KAYANG RARAMPA SA FASHION SHOW?

Noong Pebrero 4, ini-announce ng clothing brand sa social media na rarampa si Alden sa isang fashion show. Kagabi kinumpirmang kasama sa palabas si Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya hopia, asado, at expectorant ang KathDen fans na minsan pang magpapakilig sina Joy at Ethan.

Maaalalang sa SM MOA Arena rin ginanap noong Nobyembre 18, 2017, ang fashion show ng clothing brand kaugnay sa kanilang ika-30 anibersaryo.

Isa sa highlights noon ang sabay na pagrampa nina Kathryn at Daniel. Hinalikan pa noon ni DJ ang baba ni Kath, remember?

Sa fashion show ding iyon nagpakitang-gilas si Maine Mendoza, na napalibutan ng pogilicious yummylicious hunks sa pagrampa.

Paliligayahin kaya ng clothing brand ang KathDen fans sa upcoming fashion show?

Read: Hello Love Again at Tamang Panahon, parehong No. 1 sa Netflix

NOEL FERRER

Kanina, marami akong kaibigan na nagte-text sa akin na nagsasabing naaaliw sila sa panonood ng Hello, Love, Again (HLA) sa Netflix.

Ok naman, pero kinabahan at naawa ulit ako sa Ex Ex Lovers na pelikula nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

I’m sure apektado sila ng pagbabago ng viewing habits ng mga tao sa panahon nina Marvin at Jolina na hindi na gaanong nagpupunta sa mga sinehan at nakukuntento na sa streaming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano na?

Gustung-gusto kong kumita ang mga pelikulang Pilipino sa takilya, pero paano kaya?

I’m sure ang mga solid KathDen will do everything to keep HLA on top of the Netflix Most Viewed Rankings.

Read: KathDen follow-up project, pinag-uusapan ng GMA at ABS-CBN

GORGY RULA

Masaya na naman ang inaasahang pagsasanib-puwersa sa rampahan ng mga Kapuso at Kapamilya stars sa nasabing fashion show.

Pero hindi maiiwasang pagkumparahin sino sa mga ito ang mas titilian at papalakpakan.

Kaya mas maganda kung magkasamang rarampa sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Tiyak na ang KathDen ang isa sa inaabangang highlights ng fashion show na ito.

Kung magkasama silang rarampa, hudyat kaya ito ng another project na pagsasamahan nila? Matutuloy kaya ang isang teleserye na collaboration ng ABS-CBN at GMA-7 na pagbibidahan nilang dalawa?

DANIEL PADILLA ON INCOGNITO

Samantala, napapag-usapan naman ng kabadingan ang performance ni Daniel Padilla sa Incognito.

Ang napansin lang namin sa mga huling episodes ng action-drama na ito, medyo may kalusugan ngayon si Daniel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang napapagtripan ng kabadingan ay ang mga eksenang may "pabukol" si Daniel.

Kapansin-pansin talaga sa ilang eksena nito, kahit magaling naman siya rito, lalo na sa madramang eksena.

May ibang brand nang ineendorso si Daniel. Puwede rin kaya silang magpa-fashion show na pagbibidahan ni Daniel?

Paghandaan lang ni Daniel ang kanyang katawan, tiyak na pasabog din kung irarampa ang kakisigan niya with matching pabukol!

Read: Alden Richards: "Nakakapunta ako sa bahay nila Kath."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo at Alden Richards, magsama kaya muli sa fashion show matapos ang record-breaking Hello Love Again movie?
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results