JERRY OLEA
Nanibago si Luis Manzano na hindi tungkol sa showbiz ang pinag-usapan sa mediacon ng Barako Fest 2025 nitong Pebrero 13, 2025, Huwebes, sa Manila-Batangas Bypass Road, Lipa City, Batangas.
Natatawang kuwento ni Lucky sa entertainment press na dumalo sa 3rd Barako Fest, “Medyo hindi pa rin ako sanay na magkakasama tayo na hindi tayo nag-uusap ng bagong game show, ng breakup ko, ng pagpapakasal ko. Ha! Ha! Ha! Ha!
“So, it’s a very welcome change na ang pinag-uusapan natin ngayon ay pagbabago ng Batangas.
"Dahil mas maraming kuwento at mas maraming buhay ang makikinabang sa kuwento.
“At hindi lang kuwento sa mga gagawin natin ngayon sa ating lalawigan.”
Binalikan ni Luis ang kuwento kung paano siya kinumbinse ng inang si Vilma Santos-Recto.
Parehong kumakandidato sa 2025 elections ang mag-inang Vilma at Luis.
Si Vilma—na tatlong taong nabakante sa pulitika—ay muling tumatakbong gobernador sa Batangas. Si Luis ay tumatakbong bise-gobernador.
Ang anak ni Vilma sa mister na si Ralph Recto na si Ryan Recto ay kumakandidatong representative sa sixth district ng Batangas.
Si Ralph ay kasalukuyang nagsisilbing secretary of Department of Finance, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Patuloy ni Luis: “Noong kinausap ako ni Gov Vi kung puwede nga na ako’y manilbihan na, na ako’y maglingkod sa Batangas. Siyempre po, hindi naging madali para sa amin,” salaysay ni Luis.
“Siguro po, alam niyo naman na kahit papaano, halos araw-araw, nakikita ako sa TV. Halos araw-araw, may mga commercial po ako.
“Kumbaga, OK naman po ako. Masaya ang pamilya ko. Kahit papaano, nakakakain po kami.
“At nung sinabi ni Gov Vi na, ‘Anak, kailangan ko ng matinding tulong para sa Batangas. Kung ano yung nagawa natin dati, marami ang nakaka-miss kung ano ang nangyari sa Batangas.’
“Marami sa ating mga mayor, marami sa ating mga congressmen, sinasabi, ‘Ibang-iba na. Ibalik natin ang Talino at Puso sa Kapitolyo at sa Batangas.'”
Palakpakan ang mga tao sa mediacon.
Pagpapatuloy ni Luis, “Um-oo ba ako agad? Hindi. He! He! He! He! Hindi!"
Read: Vilma Santos at Luis Manzano, iginiit ang kahalagahan ng teamwork
LUIS MANZANO ON RUNNING IN THE 2025 ELECTIONS
Pinag-usapan daw ni Luis at ng misis na si Jessy Mendiola kung ano ang magiging desisyon ng TV host.
Haw Haw ang term of endearment ng couple.
Lahad pa ni Luis: "Umabot pa po sa punto na nag-usap kami ni Jessy, at totoo po ito, nabanggit namin ito dati, e, kami’y umabot sa iyakan.
“Totoo. Umabot kami sa iyakan dahil alam namin, sabi nga ni Gov Vi, hindi po biro ang buhay ng isang lingkod-bayan.
“Kung akala ng iba, mahirap na ang buhay-artista… Ay! Hindi po! Milya-milya, hindi po biro ang buhay ng isang lingkod-bayan.
“Bakit? Dahil wala na doong telebisyon. Wala na doong patawa. Wala na doong game show. Wala na itong papremyo here and there.
"Ang pinag-uusapan na natin ay buhay ng bawa’t Batangueño. At iyun ang bagay na dapat seryosohin natin araw-araw na ginawa ng Diyos.
“Nag-iyakan kami. Nag-iyakan kami. Saan tayo? Sa bahay ba natin?” tanong ni Lucky kay Jessy, na tumango.
Dagdag ni Luis, “Nag-iyakan kami ni Haw Haw. Ayaw niya noong una, to be honest! Ayaw niya. Mababalikan ninyo yung ibang mga interbyu."
Read: Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
luis manzano ON SUPPORTING VILMA SANTOS
Gusto raw ni Luis na tulungan ang inang si Vilma sa pagtaguyod ng Batangas sakaling manalo sila sa 2025 elections.
“Pero nung nakita ni Jessy kung anong klaseng paglilingkod ang karapat-dapat sa mga Batangueño, e, lalung-lalo na kung magtutulungan kami mula kay Sen-Cong-Sec, kay Tito Ralph, at mula kay Gov Vi at kay Ryan, at siyempre makikita natin lahat ng mga mayor, lahat ng mga kapitan, lahat ng mga congressman…
“Dun ko sinabi kay Jessy. Sabi ko, ‘Haw Haw, sa lahat ng meron na ako, sa lahat ng na-achieve ko at na-witness niyo yan, oras na para maglingkod sa bawat Batangueño.’”
Pumalakpak agad sina Ate Vi at Jessy, at sumunod na ang marami pang nasa mediacon.
Pangako pa ni Luis, “Serbisyo po namin, magtutulungan po kami. Walang maiiwan sa amin. Sinabi ko sa iyo ito, Gov Vi, and this is what I intend to do sa buong lalawigan kung saka-sakali man.
“Kung ano ang kailangan ni Gov Vi sa Kapitolyo, agad-agad naming ipapasa dahil iyun ang kailangan at na-miss ng bawat Batangueño.
“Kaya ngayon pa lang, sa ating mga lingkod-bayan, sa atin pong mga congressmen, sa lahat po ng ating mga kasamahan—wala pong maiiwan na bayan.
“Walang maiiwan na lungsod. Walang maiiwan na distrito. At higit sa lahat, walang maiiwan na Batangueño.”
Read: Vilma Santos, sinagot mga katanungan sa pagtakbo nilang mag-iina
NOEL FERRER
Unang sabak ni Luis sa mundo ng pulitika kung sakaling manalo siya sa 2025 elections.
Nang tanungin kung ano ang tingin niya sa public service, ang point of view niya ay base marahil sa karanasan ng kanyang ina at sariling obserbasyon.
"Siguro the hardest part is… sa public service kasi, napag-usapan naman namin, alam naman natin na hindi siya madali in general.
“Na marami kang makakahalubilo, marami kaming makakausap. Pero ang pinakamahirap siguro is finding the balance para sa lahat ng gusto.
“Kasi certain sectors, for example. May mga sector na may hinihingi, tapos hindi mo pa nabibigay, may kabilang sector na, na humihingi ng kanilang tulong, ng kanilang assistance, ng kanilang proyekto.
“Para sa akin, ang pinakamahirap is marami kang gustong gawin sa Batangueño o para sa Batangueño.
"To be perfectly honest, siyempre limitado ka rin sa budget mo. Limitado ka rin sa puwede mong magawa.
“Pero, napakagandang pagkakataon na ito para [sa] Kapitolyo dahil meron tayong tulong mula sa national na hindi lamang nagsisimula o nagtatapos mula sa Secretary of Finance. Dahil marami tayong congressman na Batangueño na magtutulung-tulong pa lalo.
“So, pinakamahirap is susubukan mong i-satisfy lahat ng mga distrito, lahat ng mga barangay. Pero pinakamaganda is alam ko, pag magkakasama kami, hindi ako mag-iisa na magseserbisyo sa Batangueño.”
Dagdag ni Ate Vi, hindi maiiwasan ang kritisismo sa mundo ng pulitika.
Lahad ni Ate Vi: "Damned if you, damned if you don’t. You do good, may sasabihin. You do bad, may sasabihin sa iyo.
“But you know, para pagkatiwalaan ka ng tao, at maniwala sa iyo, palagay ko yun ang priceless, yun ang fulfillment, at yun ang legacy mo nang walang kamera.
“So, I guess sa eksperyensa ko for 24 years, yun yung medyo hardship."
May pros din na ibinahagi si Ate Vi.
"Pero yung fulfillment naman serving our people who are in need, na pag nagpasalamat sa iyo halos mamatay na, hindi mo naman pera yung ginastos…
“Yung bagay na yun, sa naramdaman ko, priceless yun. Hindi mababayaran yun ng pera. At yun ang ipinaliwanag ko sa mga anak ko.
“Kasi galing kaming showbiz. Once you see the reality of life, it’s different. You will value your life, and you will know how blessed you are pag nakita mo na ang totoong buhay ng mga tao.
“At kung yang dalawang anak ko ay mararanasan yan, palagay ko yung fulfillment ng buhay nila, mae-enhance pa at mabibigyang-importansya nila ang buhay nila, and at the same time ang buhay ng ibang tao.”
Read: Vilma Santos, sinagot ang isyu ng political dynasty
GORGY RULA
Nakapag-tape na si Luis Manzano ng finale episode ng Rainbow Rumble.
Pagtatapat ni Luis, “Marami rin sa mga endorsements ko ang hindi na nag-renew.
"Ganun kaagad-agad nung naisipan namin, nung pag-file ko, isa yun sa mga sinabi ni Gov Vi nung unang usapan pa lang namin, kumakain kami.
“Sabi niya, ‘Anak, alam ko ang industriya. Sa maniwala ka [o sa hindi], na the moment na mag-announce ka at lahat-lahat, kahit mga endorsement mo, mawawala at aatras.’
“Katunayan, nasa tatlo o apat na endorsements ko ang nag-pull out na. Sabi ko naman, ‘Oo, naiintindihan ko rin yun.’ Yung income ko rin, siyempre tatamaan talaga.
“Sabi nga ni Gov Vi, ramdam ko ito simula’t sapul. Sabi niya, ‘Anak, mabawasan ka man ng commercial, mabawasan ka ng endorsements, mas masarap ang tulog mo dahil marami kang natutulungan na tao.’”
Samantala, ginagamit ni Luis sa kanyang kampanya sa eleksyon ang nickname niya na Lucky.
LUCKY din ang acronym ni Luis sa platapormang gusto niyang isulong.
Paliwanag ni Luis: “Ang L siyempre ay ang Livelihood ng mga Batangueño.
"Ang U natin ay mga University at scholarship na aking uunahin at paparamihin pa sa buong lalawigan, lalung-lalo na ang scholarship.
“Ang C natin ay siyempre sa mga pangangailangan ng ating mga barangay functionaries, ng ating mga senior citizens, ng ating mga PWD. Nandiyan ang Cash assistance natin.
“Ang K natin, nandiyan ang Kabataan at Kalusugan.
"At yung Y sa LUCKY ay para sa You. Dahil You come first sa bawat Batangueño.”
February 11, 2025 nang magsimula ang opisyal na kampanya para sa 2025 mid-term elections sa Mayo.
This falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.
