GORGY RULA
Isa si Paolo Gumabao sa mga celebrity na dumalo sa 60th birthday celebration ng film producer na si Ms. Baby Go ng BG Productions.
Ginanap ang party sa Valle Verde Country Club noong Miyerkules, February 5, 2025.
Sandaling nakatsikahan ng PEP Troika si Paolo dahil gusto naming klaruhin kung totoo bang na-release na ng kulungan ang ama niyang si Dennis Roldan.
Read: Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005
May nagtanong kasi sa amin noong nakaraang Pasko kung totoong nakalabas na ng kulungan si Dennis, pero pina-news blackout daw ito.
Hindi kinlaro sa amin kung binigyan ba ng clemency o natapos na talaga ang sentensya sa kanya.
Sa pagkakaalam ng PEP ay lifetime imprisonment ang hatol kay Dennis matapos mahatulang guilty noong 2014, dahil sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.
Kasalukuyan siyang nakakulong sa National Bilibid Prison.
Read: Paolo Gumabao recalls "very dramatic" first meeting with biological dad Dennis Roldan

PAOLO GUMABAO DENIES FATHER DENNIS ROLDAN IS OUT OF JAIL
Hindi raw totoo iyon, sabi ni Paolo.
Nagulat daw siya sa naturang bali-balita dahil hindi nakarating sa kanya ang ganoon.
“Parang wala naman. Kasi, if ever po kung totoo man, kasama ako dun sa unang makakaalam. Pero wala naman po,” pakli ni Paolo.
Hindi lang daw nila nadalaw ang kanyang ama noong nakaraang Pasko dahil nasa Taiwan siya.
Pero nagkita naman daw sila ni Dennis bago mag-December last year.
“Hindi ako nakapunta personally nung Christmas kasi nasa Taiwan po ako nag-Christmas, e, with my family, sa Taiwanese family ko po,” sabi ni Paolo.
“Nakita ko po siya last year mga September, October. Bumisita po kami dun sa… ako at saka si Marco lang po pumunta,” dagdag niya.
Ang "Marco" na tinutukoy ni Paolo ay ang kanyang half-brother na si Marco Gumabao.
Read: Paolo Gumabao no sibling rivalry with Marco; says dad Dennis Roldan is "hottie"
NOEL FERRER
Lumabas si Paolo sa pilot episode ng Incognito, pero parang one of those lang siya roon sa dami ng mga artistang may special appearance sa Kapamilya teleserye.
Napangiti na lamang siya sa comment na kakapiranggot lang ang eksena niya sa episode na yun.
“Ayun! It is what it is. Siyempre, we all need work so… there was ano, there was miscommunication.
“Actually, na-enjoy ko naman yung shoot. Na-enjoy ko naman yung shoot talaga and ang ganda rin ng location. We shot in El Nido,” sabi niya.
WAITING FOR GOOD PROJECT
Sa ngayon ay naghihintay na lang daw siya ng magandang project na darating.
“Pinagkakaabalahan ko, basketball. Nag-start akong mag-vlog recently. Pero when it comes sa work sa showbiz, siyempre may mga times na waiting tayo.
“Hindi naman laging may trabaho. Siguro nandun ako sa point ngayon na naghihintay ng trabaho sa TV,” sambit ni Paolo.
“May dalawa po akong pelikulang hinihintay na lang ipalabas, which is Spring in Prague and yung Isla Babuyan,” pakli niya.
Sa Mayo na raw ang playdate ng Spring in Prague.
Doon sa birthday party ni Baby Go ay ipinakita ang trailer ng Spring in Prague ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.
Kinunan ang majority na bahagi ng pelikula sa Prague kasama ang actress ng Czech Republic na si Sara Sandeva.
Read: Paolo Gumabao reveals what he regrets about relationship with biological dad Dennis Roldan
JERRY OLEA
Wholesome ang role ni Paolo Gumabao sa Spring in Prague, pero medyo may konting kiliti.
Nagpa-sexy siya sa Isla Babuyan, pero hindi level ng launching film niyang Lockdown kung saan ilang beses siyang nag-frontal nudity.
Tapos na ba talaga siya sa mga masyadong mapangahas na papel? Ayaw na niya?
“Hindi naman sa ayaw ko na pero parang mas ano, ahh we’ll be a bit more picky with the roles,” tugon ni Paolo.
“Kasi yung manager ko talaga rin, nagmi-meeting kami always pag may mga inquiries or may mga nagpi-pitch ng pelikula na medyo sexy.
“Pinag-uusapan naman po namin and iniisip namin lagi yung pros and cons, 'Saan tayo dadalhin ng pelikulang ito, ano ang magagawa ng pelikulang ito for us? Anong magagawa din natin for the movie?'
"So, napag-uusapan naman po lagi. And situational, so not entirely closed yung doors ko sa pagse-sexy. Pero posible pa rin.”
Read: Paolo Gumabao, hindi isinasara ang pinto sa paggawa muli ng sexy films
