GORGY RULA
Naiintindihan ng mga taga-MTRCB ang biglaang pagmumura ng aktor na si John Arcilla sa guesting nila ni Martin del Rosario sa Fast Talk With Boy Abunda noong Pebrero 5, 2025.
Kaagad namang nag-sorry si Kuya Boy Abunda nang napamura si John ng "P*uny*t* nang inarte nito ang damdaming galit sa sagot nito sa talk show host.
Nagulat din si John, dahil nakalimutan daw niyang live pala sila.
Read: John Arcilla, di sinasadyang nagmura sa live episode ng Fast Talk
Sabi naman ng taga-MTRCB na napagtanungan namin, hindi raw isyu ito sa kanila.
Naiintindihan daw ito ni MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio na galing sa showbiz family.

MTRCB, MAS ISTRIKTO NGAYON?
Pero mas mahigpit nga ba ngayon ang Movie and Television Review and Classification Board?
Napag-alaman ng PEP Troika na may ilang programa sa telebisyon ang ipinatawag ng ahensya dahil sa mga maseselang eksenang ipinalabas.
Ang narinig namin, na-X ang ilang episodes ng FPJ’s Batang Quiapo at Incognito dahil sa ilang bayolenteng eksena nito.
Napapanood ko ang Incognito sa Netflix, at marami talagang mga madudugong eksena na kutob namin ay hindi pasado sa free TV.
Hindi ko napanood sa TV kung nakakalusot ba ang mga ganitong eksena.
Naaalala namin noong ipinatawag din ang Black Rider dahil sa dialogue naman, at isang afternoon drama na nagpakita raw ng pagamit ng drugs.
May iba pang programang name-memo ng MTRCB, kaya nag-iingat na rin sila.
Kung napapansin din sa Facebook account ng MTRCB, ang mga huling pelikulang ni-review nila ay binigyan ng G at PG ang mga pelikulang pambata.
Pero meron ding R-18.
Read: To abolish or to retain: Is MTRCB censorship still relevant in the digital age?

NOEL FERRER
Kamakailan lang ay ipinost ng MTRCB sa kanilang Facebook page na nasa second reading na ang Senate Bill 2805 na naglalayong lalong palakasin ang kapangyarihan ng ahensya.
Kapag naisabatas ang Senate Bill 2805, an Act Strengthening The Mandate, Capabilities, and Organizational Structure Of The Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB), mas magiging malawak na ang sasakupin ng ahensya.
Nakasaad sa kanilang Facebook page: “On February 3rd, Senate approved on second reading the Senate Bill No. 2805 or the proposal to strengthen the mandate, capabilities, and organizational structure of the Movie and Television Review and Classifications Board (MTRCB), sponsored by Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson, Senator Robinhood Padilla.
“The Board extends its heartfelt appreciation to the Senate for approving on second reading the Senate Bill No. 2805.
“We especially thank Sen. Robinhood Padilla, the principal sponsor of the bill, for his unwavering commitment to promoting responsible viewing and media consumption and ensuring that Filipino audiences, especially children, are protected from unsafe and inappropriate content.
“Our deepest gratitude also goes to Sen. President Chiz Escudero for his steadfast leadership, to Sen. Grace Poe-Llamanzares and Sen. Jinggoy Estrada, and to all our esteemed Senators who have experessed their support for this important legislation.
“Muli, maraming salamat po sa senado ng Pilipinas!”
Kapag na-approve na ito sa final reading at maisabatas, ang ibig sabihin nito ay sasakupin na rin ng MTRCB ang online sites, pati mga streaming service, kagaya ng Netflix, Prime, Viu, VMX, at marami pa.
Read: MTRCB to regulate Netflix and streaming services?
JERRY OLEA
Report pa ng MTRCB sa kanilang Facebook page ngayong Pebrero 7, Biyernes ng hapon, “Sa pag-uumpisa ng 2025, umabot na agad sa 23,749 na materyal ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), mula Enero 1-31, 2025.
“Mas malaki ito kumpara sa 20,324 na materyal na narebyu ng Board noong January 2024.
“Ang mga bilang na ito ay nagpapatunay sa dedikasyon ng MTRCB na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng materyal na isinusumite sa ahensya upang matiyak na ligtas ang mga ito bago makonsumo ng publiko partikular ng mga kabataan.”
Kung nais malaman ang mga pinaka-latest na ratings ng bawat pelikula, i-follow ang official Facebook at Instagram page ng MTRCB o bisitahin ang kanilang website.
FAST TALK RATINGS
Siyanga pala, nagtala ng 4.3% na rating ang Fast Talk With Boy Abunda kung saan napamura si John Arcilla.
Tumaas na ito.
Pero nagulat kaming mababa pala ang rating nung nag-guest sa showbiz talk show ang grupong BINI noong Biyernes, January 31. Naka-3.8% lang pala iyon.
Akala pa naman ng karamihan ay ito ang pinakamataas.
Mas mataas pa ang guesting nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa pagsisimula ng 7th anniversary celebrationg ng The Boobay And Tekla Show. Naka-4.1% ito noong nakaraang Linggo.
Naka-4.3% din ang interview ni Kuya Boy kay Mark Herras, at 4.6% naman ang kay Diana Zubiri noong Huwebes, February 6.
Read: BINI Aiah, Mikha, at Maloi sinagot ang mga isyung kinasangkutan
