JERRY OLEA
May offer kay Iza Calzado na teleserye ang Kapuso at Kapamilya Network.
Considering na kasama siya sa best picture ng 50th MMFF na Green Bones, at sa second best picture na The Kingdom, mas naeengganyo ba siya nowadays na magpelikula kesa mag-TV?
“Ang desisyon ko pong magpelikula at magteatro kaysa TV at this point ay really rooted on matagal po kasi kapagka TV. It’s a really long-term commitment,” pagtatapat ni Iza.
Nakausap ng PEP Troika at ibang taga-entertainment media si Iza at co-star na si Dimples Romana sa press junket ng horror movie na The Caretakers nitong Pebrero 6, 2025, Huwebes, sa Valencia Mansion, Quezon City.
Read: Iza Calzado at Dimples Romana, perfect timing ang unang pagsasama
Lumabas si Iza last year sa dulang Tiny Beautiful Things: A Play About Life — In Letters kasama sina Gabby Padilla at Ketchup Eusebio.

NO TELESERYE FOR IZA IN THE MEANTIME
Pagpapatuloy ni Iza, “And sometimes you don’t know how long the long-term is. So at this point, because of Deia — who just turned two years old — unless you give me a very compelling project, hindi po pa ako makakabalik muna sa teleserye.
“Just at this point. Because I really would like to give most of my time to Deia."
Si Deia ang anak ni Iza at ng mister niyang si Ben Wintle.
Sabi pa ng aktres: “Yun po, bakit films saka theater? Kasi, except dun sa tech week saka sa shows mismo, most of it, nakakauwi ako nang dinner time, bedtime. I may even get to do other things.
“But not really because malayo ang tirahan.
"Films, because alam ko kung kailan matatapos. Like, I knew it’s gonna be eight days.
“For the cameos, I knew it was also only I could take on while doing a play. So managed ko yung time.
“So, siguro po, inasmuch as I do miss teleserye — at saka pinakaano pala sa akin yung may makakasalamuha ka, may mami-meet kang mga tao, tapos sasabihin, ‘Kailan ka babalik?’
“I have never felt that na parang… a sense of almost like a responsibility to entertain.”
Read: Iza Calzado brushes aside critics of maternity shoot: "I didn't post it for their reactions"
GORGY RULA
For one thing, tumatatak ang mga pagganap ni Iza Calzado sa mga teleserye kaya nami-miss siya ng televiewers.
“Thank you po. Hindi ko alam kung ganun. Or is it because… also I’ve been doing it for a long time so they’re used to seeing me always on TV,” saad ni Iza.
“I mean, my first lead as in 2004, in Te Amo. So parang… when I do think about it, parang I’ve also given a lot din naman.
“Sa totoo po, my bank account wants me to. Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba? Pag teleserye, because again, mahaba, three times a week at least.”
“Yeah,” pag-ayon ni Dimples.
Dagdag ni Iza, “But may panahon po para sa lahat. Iisa lang po ako. Hindi ko na po puwedeng hati-hatiin pa yung katawan ko the way I used to.
“And so I’m very grateful for projects. And siguro if I do cameo for a teleserye, that’s fine.”
Sa ngayon ay wala pa raw teleserye na inialok kay Iza na makakahikayat sa kanyang pagbuhusan ng mahabang panahon.
“So at this point, eto muna and I’m very grateful na. Talaga namang ask and you shall receive. Yun pala talaga yun,” sambit ni Iza.
“So, thank you, Lord for providing para nakakapagtrabaho pa rin ako, nagagawa ko ang mga bagay na mahal ko, passionate about.
“And still be able to fulfill my first job, which is to be a mother.”
Ang horror movie na The Caretakers ay joint venture ng Rein Entertainment at Regal Entertainment.
Nakatakdang ipalabas ito sa mga sinehan sa Pebrero 26.
Read: Dimples Romana at Jodi Sta. Maria, priority pa rin ang mga anak

NOEL FERRER
As Iza’s manager, masaya talaga ako na blessed siya ng tamang oryentasyon sa buhay at career, at may discernment sa pagpili ng projects na nararapat sa panahon at sa kanyang buhay pamilya.
Kaya naman blessed si Iza.
Alam niya ang priorities niya at grounded din sa excellence at sa paglilingkod sa kapakanan ng iba.
IZA CALZADO'S OTHER ROLES
Dito ko lang ipagmamalaki, ha, with all her showbiz commitments, her theater project, ang kanyang pagko-content creation with brands na gustung-gusto siya, nagagawa pa rin niyang tuparin ang tungkulin niya bilang president ng AKTOR sa tulong ni Dingdong Dantes as chairman of the board!
Abala rin si Iza bilang co-founder ng kanilang She Talks Asia Foundation na may major convention sa March, ha.
Amazing how she juggles her skeds and does all these things nang mahusay at maganda pa rin siya!!!
She just played host to her family’s and Ben’s in for about a month at nakapagbakasyon pa sila sa Bora.
And truly, her greatest role is that of being a wife and a mother!!!
That is Iza Calzado for us… ngayon, may malaking blessing of a project kaming pagkakaabalahan.
Basta, with God’s grace, it brings Iza to her core of being world class. Fingers crossed!
