JERRY OLEA
Takaw-pansin ang black vintage pinafore ni Beauty Gonzalez sa premiere night ng pelikulang Paquil nitong Pebrero 6, 2025, Huwebes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
“I got this from Glorious Dias. Nagko-collect siya, e. It’s already 100 years old,” sambit ni Beauty.
May butas sa harapan ng antigong damit.
Read: Beauty Gonzalez on her centuries-old jewelry at the GMA Gala 2023: "It's priceless!"

Dagdag ni Beauty, “Huwag niyo nang tanungin kung napunit. Kasi pinilit ko yung ulo ko kanina. Ha! Ha! Ha!
“Art-art na yan! Art na lang… Nagmamadali ako, e. Pero that’s part of the charm.”
Paano nila nahalukay ang damit na iyon?
“May nagbenta sa kanya na lola. May kasama pa itong mga belo,” pagmumuwestra ni Beauty.
“Kasi gusto ko, pag tumanda ako, magda-drive ako with my black scarf, with my belo. Papuntang church, ipagdadasal ko lahat ng mga kasalanan ko araw-araw.
“Ha! Ha! Ha! Tapos pag-uwi, nakabelo pa rin ako. Ha! Ha! Ha!”
PAQUIL PREMIERE NIGHT
Kasama ni Beauty na um-attend sa premiere night ang husband niyang si Norman Crisologo, at ang daughter nilang si Olivia na gumanap as young Christina (karakter ni Beauty) sa movie.

Leading man ni Beauty sa Paquil si JM de Guzman.
Nasa cast din sina Yayo Aguila, Leandro Baldemor, Lilet Esteban, Kych Minemoto, Arnold Reyes, Lou Veloso, at Joel Saracho.
Ayon sa direktor na si Lemuel C. Lorca, ang pelikula ay love letter sa bayan ng Pakil, Laguna, kung saan naka-enshrine ang milagrosang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba.
Ipapalabas ang Paquil sa local cinemas umpisa Pebrero 12, Miyerkules.
Read: Director Lem Lorca mesmerized by Paquil star Beauty Gonzalez: "Para siyang Cate Blanchett."
NOEL FERRER
Nagkatrabaho na before sina JM de Guzman at Beauty Gonzalez sa Kapamilya series na Angelito, Batang Ama (Nobyembre 2011-Abril 2012).
Ani JM, name-mesmerize pa rin siya sa husay ni Beauty. Naa-amaze.
“My God! Mas naa-amaze nga ako sa kanya! Yung mata-mata lang, e, di na ako nakakasagot sa kanya!” reaksiyon ni Beauty.
“I mean he has the most beautiful eyes. Yung parang droopy, puppy eyes. I mean those eyes na minsan ko lang nakikita yon sa mga actors.
“Na they don’t need to talk but it says a lot of things. The depth, no, parang ganun.”
Read: JM de Guzman admits he's still struggling with anxiety, depression
MOST CHALLENGING SCENE
Ano ang pinaka-challenging na eksena niya sa pelikulang Paquil?
“Siguro yung challenging lang sa akin, yung nilublob ako sa malamig na tubig talaga,” tugon ng aktres.
“Dun, akala ko na parang, ‘Hay! Ginoo ko!’ Parang ang hirap umakting na nanginginig, yung kahit anong pigil ko. Parang yun ang nahirapan ako.
“But also I really enjoyed the experience especially mahilig ako sa mga antiques, e. And mga culture things. So I even brought my family there with me.”
GORGY RULA
May plano ba sila ng husband niyang si Norman Crisologo para sa Valentine’s Day?
“We’re going on an epic road trip. Kaming dalawa… we’re going up North,” sey ni Beauty.
“Para kaming teenagers. We’re just gonna drive and hanap lang kaming hotel, kahit saan kami mapapadpad.
“We’re going to his hometown in Ilocos Norte. Pupunta kami dun, we’re gonna go up to North, to Pagudpud.
“And then dadaan kami sa mga places na favorite namin on the way there.”
Iiwan muna ang daughter nilang si Olivia sa yaya.
Ano ang sabi ni Norman sa akting ni Olivia sa Paquil?
“He is very proud. Actually he is here tonight. Sabi niya, ‘Huwag mo na akong interbyuhin, ha? Dun lang ako sa likod. Nobody wants to see me. All they want to see is you, guys.’
“He’s very proud and he’s like ahhh this is his only girl, so parang sobra siyang over the clouds. Sobrang happy,” tugon ni Beauty.
Read: Beauty Gonzalez, di pa handang mag-showbiz ang anak na si Olivia
