JERRY OLEA
Nakaisang araw pa lang na shooting sina Carmina Villarroel at Allen Dizon para sa pelikulang All Right in Time kung saan bida sila.
Dito sa Pilipinas iyon kinunan. Hindi pa sila nakapag-shoot sa Canada.
“Na-delay lang nang konti. Nung magsu-shoot na sana kami, sobrang lamig daw dun. Ang plano nila, this year. So, parang mga August pa,” sabi ni Allen.
Nakatsikahan ng PEP Troika si Allen sa 60th birthday celebration ng movie producer na si Baby Go nitong Pebrero 5, 2025, Miyerkules ng gabi, sa Valle Verde Country Club, Pasig City.
Read: Allen Dizon chooses between box-office hit and acting award

ALLEN DIZON'S UPCOMING TELESERYE AND MOVIES
Ngayong Pebrero ay mag-uumpisa na si Allen ng taping para sa Kapuso primetime series na Sanggang Dikit, kung saan bida ang mag-asawang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
“Comedy-action yon, love story. Sabi ng writer, mabait ako sa first part. Parang Abot-Kamay [Na Pangarap]! Ha! Ha! Ha!” saad ng premyadong aktor.
“Yung pag pahaba na nang pahaba ang story siguro, may mga twist na medyo magiging kontrabida na ako…
“Nakakatuwa dahil kumbaga, after kong makagawa ng mga pelikula, na yun naman talaga yung gusto kong ginagawa before, ngayon sumabay naman ang teleserye. So, nakakatuwa.”
May limang pelikulang natapos si Allen.
Andiyan ang AbeNida nila ni Katrina Halili na mag-i-streaming na raw this year.
Read: Allen Dizon, nag-all-out nudity sa pelikulang AbeNida

Ginawa nila ni Rhian Ramos iyong Unconditional.
Umiikot sa mga international filmfest ang Guardia de Honor nila nina Laurice Guillen, Sunshine Cruz, at Therese Malvar.
Nagwagi iyon ng Special Audience Award sa 23rd Dhaka International Film Festival last month sa Bangladesh.
Read: Guardia de Honor, pinarangalan sa Dhaka international filmfest

Iyong Fatherland nila nina Iñigo Pascual, Cherry Pie Picache, at Mercedes Cabral ay unang napabalita na Pebrero ang showing.
Ang playdate na nito ay Abril 19, Black Saturday.

Bida rin siya sa Salum, isa sa walong feature-length films sa 2nd Puregold CinePanalo filmfest na gaganapin sa Marso 14-25 sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City.
Para sa BG Films ni Madam Baby Go ay may naka-lineup na two movies si Allen.
Iyong isa, si Zig Dulay ang direktor. Ang isa pa, kay Ralston Jover naman.
NOEL FERRER
Mahigpit ang labanan sa kategoryang best actor ng CinePanalo 2025.
Andiyan din kasi sina JC Santos sa Journeyman, Enzo Osorio sa Sepak Takraw, Romnick Sarmenta at Khalil Ramos sa Olsen’s Day, KD Estrada at Jameson Blake sa Co-Love, at RK Bagatsing sa Fleeting.
“Ako naman, ginawa ko yung film dahil gusto ko yung project and maganda yung story,” pahayag ni Allen.
“Ako naman, hindi ako nag-e-expect lagi ng mga awards, e. Ang gusto ko lang naman, makagawa ng pelikula.
“And maka-work with different directors, at maka-participate sa mga ganitong film festival. Kumbaga, dumadami yung film festival natin sa Pilipinas.
“The more projects, the more movies, the more na may trabaho yung mga Pilipino. So, masaya na ako pag ganun.”
Read: Docu film sa West Philippine Sea, pasok sa 2nd CinePanalo

GORGY RULA
Ang laki ng pasasalamat ni Allen Dizon sa Abot-Kamay Na Pangarap dahil finally na-penetrate na niya ang mainstream.
Sa indie films naman kasi talaga siya nakilala, pero dahil sa Abot-Kamay, ang dami nang nakakilala sa kanya.
Okay lang na hindi siya makilalang si Allen, dahil si Doc Carlos na ang madalas na tawag sa kanya, okay lang daw iyun.
Read: Allen Dizon, nabili ang dream car dahil sa Abot-Kamay Na Pangarap
SANGGANG DIKIT
Tingnan natin kung magmarka uli siya sa bagong action-drama series na gagawin niya sa GMA-7.
Kasama siya sa Sanggang Dikit nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na malapit na rin daw nilang simulan.
Sabi ni Allen, yung role niya sa seryeng ito ay mala-Doc Carlos Benitez din na mabait sa una, pero may kakaibang karakter bandang huli.
Pero excited daw siya dahil first time niyang makatrabaho sina Dennis at Jennylyn.

Nanalo na rin si Allen na best actor sa MMFF, noong 2019 para sa Mindanao, at si Dennis ay kapapanalo lang.
“Actually, excited ako siyang makatrabaho, e. First time ko siyang makatrabaho.
“Excited kong makita yung script, kung papano yung sa character ko,” pakli ni Allen.
Nasundan agad ng panibagong series si Allen sa GMA-7 dahil nagustuhan siya ng mga production staff.
Wala raw silang naririnig na reklamo mula sa aktor at marunong makisama.
